Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 111

What are you doing here?Mabigat at nanunubok ang boses ni Rage. Halatang hindi natutuwa nang makita ang pamangkin sa puntod ng ina ng asawa niya na ngayon lang niya unang nabisita.

UuncleAgad na tumayo si Miguel at tinitigan ang tatlong taong nasa harapan niya. Gusot ang kanyang mukha, at namumugto ang mga mata.

Anong ginagawa ni Miguel dito? Naalala ni Klaire kung gaano kalapit si Miguel sa Mama niya noon. Ngunit ngayon lang niya nalaman na dumadalaw pala ito sa puntod ng kanyang ina.

May munting init na humaplos sa dibdib ni Klaire. Muling sumagi sa isip niya ang mga childhood memories niya kasama si Miguel at ang Mama niya.

Madalas silang magkasama noon. Nang maliit pa si Miguel, nangako itong palagi siyang poprotektahan. Pero ang mga pangako ng nakalipas ay hindi palaging natutupad.

Pareho silang lumakad sa magkaibang landas. Gayunpaman, mahalaga pa rin si Miguel para sa kanya. Patunay rito ang saya sa dibdib niya sa tuwing naaalala niya ang pinagsamahan nila ni Miguel noong mga bata pa sila.

You must be Julius Bonifacio’s son. Kuhangkuha mo ang mga mata ng ama mo.May halong panlalait ang boses ni Jordan. Sana naman, mga mata lang ang nakuha mo sa kanya.

Agad namang nakilala ni Miguel si Jordan. Ito rin kasi ang lalaking kasama ni Klaire sa araw ng kanyang kasal.

I’m done here. Mauna na ako.

Dinaanan lamang ni Miguel sina Rage at Klaire nang hindi man lang tumingin sa kanila, tila ba wala lang ang mga presensya ng mga ito, kahit pa sumilay ang lungkot sa mukha niya.

It’s been so long, Jasmineboses ni Jordan na nagpabalik kay Klaire sa realidad.

Naglagay ang lalaki ng isang bouquet ng bulaklak sa harap ng puntod ni Jasmine. Samantalang nasa likuran nito sina Klaire at Rage na tahimik na nakikinig habang ikinukuwento ni Jordan ang kapatid. Paminsanminsan ay tumatawa ito habang binabalikan ang mga alaala nito kasama ang kapatid.

Hinawakan ni Klaire ang kamay ni Rage nang umatras si Jordan mula sa puntod ng Mama niya. Halata naman sa mukha ni Rage ang pagkailang at ang kaba. Kahit pa hindi naman talaga kaharap ang ina ni Klaire, pakiramdam niya ay pinagmamasdan siya nito.

Sorry po, Mama, at hindi ako nakadalaw agadKasama ko po ang asawa ko. Hindi niyo pa po pala siya nakikilala. Siya po si Rage De Silva. Siguro gulat na gulat kayo ngayon, kasi halos magkasingedad na sila ni Uncle Jordan. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Kasal na po kami. Sana po tanggapin niyo po ang relasyon

namin

Tiningnan ni Rage nang masama ang asawa. Talaga bang kailangan pang sabihin ni Klaire ang gano’n sa yumaong ina? Para tuloy siyang naging Uncle ni Klaire kapag usapan ang edad, at nakakainis yon para sa kanya.

Kung kaya lang bang bilhin ng bilyones niya ang oras para maging binata siya ulit, aba’y baka matagal na sana niyang ginawa bago pa siya nagpakasal kay Klaire.

Don’t worry, Mama. Kahit mas matanda pa ako sa kapatid moang puso, isip, at gwapong mukha ko ay hindi

Kabanata III

+25 BONUS

nalalayo sa mga kabataang lalaki ngayon.

Agad na tinakpan ni Klaire ang kanyang bibig upang pigilan ang tawa matapos marinig ang sinabi ni Rage.

Totoo naman, makinis at walang kulubot ang mukha ni Rage kahit halos kuwarentahin na ito.

Hindi mo na po kailangang magalala kay Klaire. Ako na ang bahalang magalaga sa pilyang anak ninyo.

Kinurot ni Klaire ang braso ni Rage. Sinungaling siya, Mama. Ako pa rin to. Hindi ako kasing pilya ng sinasabi niya,tugon ni Klaire, habang nakakunot ang noo, halatang inis sa bansag na iyon ng asawa.

Kita niyo naman po siguro, napakamahiyain ng anak ninyo. Ganyan siya kapag may ibang tao. Pero pag kaming dalawa na langminsan, napapaisip ako kung kailangan kong dagdagan ang exercise routine ko para makasabay sa energy ng misis ko.

Pinalo pa ni Klaire si Rage sa braso, hindi sangayon sa mga sinasabi nito.

Wala ka na talagang preno! Ikaw nga yon eh!

Napailing na lang si Jordan sa asal ng magasawa. Iba ang Rage na kausap niya kanina sa Rage na nakikita niya ngayon. Bigla itong naging parang binatilyong baliw sa pagibig, laging inaasar si Klaire na parang bata.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)