Bago sila umalis sa puntod ng ina ay muling nagsalita si Klaire.
“Buntis po ako ngayon, Mama. Bigyan mo po sana ako ng lakas mula sa langit.”
Gusto sanang ikuwento ni Klaire ang mga sunod–sunod na kasawiang nangyari sa kanya. Pero hindi niya kayang ikwento iyon sa ina sa harap ng kanyang Uncle. Sigurado siyang iba ang nasabi ni Rage dito tungkol sa
pagbubuntis niya.
“May malapit na lugar dito na gustung–gusto ni Mama. Pwede ba akong dumaan doon sandali?”
“Of course.”
Ikinabig ni driver ang manibela ayon sa direksyong itinuro ni Klaire. Dahan–dahang dumaan ang mamahaling sasakyan sa kalsadang napapalibutan ng mga pine trees sa magkabilang panig.
Tahimik ang buong kalye. Tanging ang kanilang sasakyan lamang ang dumaraan doon.
Naisip ni Rage ang honeymoon nila ni Klaire. Mainam na lugar iyon para sa isang buwang paglalambingan nilang mag–asawa.
Naiimagine niyang yakap–yakap niya ang asawa sa gitna ng kagubatan. Walang kung sinong gagambala sa kanila, maliban na lang sa mga ibon sa paligid na baka mainggit sa kanilang pagiging sweet nila.
Napa–text tuloy siya kay Chris, inutusan itong humanap ng pinakamagandang matutuluyan sa lugar na ‘yon. Isang lugar na eksklusibo para sa kanila ni Klaire.
Pero bigla rin niyang binawi ang utos. Pagkahinto ng sasakyan, nakita niya ang isang lugar na tugma sa naiisip niya.
“So, this is Mama’s favorite place?” tanong ni Rage habang hindi inaalis ang tingin sa paligid.
“Oo. Pero hindi tayo pwedeng pumasok. Nakapangalan na kay Papa ang lupang ito.”
Sa harap ng kinatatayuan nila, may isang luma ngunit marangyang bahay na nakaharap sa lawa. Sa likod ng bahay, may malawak na bermuda grass na puno ng mga bulaklak na kumukonekta mga puno sa kakahuyan. Sa gilid naman ng bahay, may lumang swing set na tila matagal nang hindi nagamit.
Perpekto ang lahat sa paningin ni Rage. Mabilis siyang nag–type sa kanyang phone. Ipinadala niya ang lokasyon kay Chris at inutusan itong bilhin ang lupa ni Theodore sa kahit anong paraan, at dapat magtagumpay sa loob ng isang oras!
“Too bad then. What are we going to do here?” May bahid ng pagkadismaya sa boses ni Jordan. Gusto rin sana niyang mapasok ang paboritong lugar ng kapatid. Pero ayaw niyang tunapak sa pagmamay–ari ni Theodore.
“Pwede pa tayong pumunta sa lawa, Uncle. Pagmamay–ari naman ni Mang Nick ‘yon.” Turo ni Klaire sa bahay sa kabilang bahagi ng lawa. “Hindi niya ako pinagbabawalang maglaro doon noon.”
“Oh… mayaman sigurong talaga ‘yung taong ‘yon kung may sarili siyang lawa.”
Nagpatuloy sa kwentuhan sina Klaire at Jordan habang papunta sa lawa. Si Rage naman ay abala pa rin sa
Kabanata 112
kanyang phone.
+25 BONUS
Tinext niyang muli si Chris: ‘Bilhin mo rin ang lawa ni Mang Nick. Gawin mo kaagad ang inuutos ko!‘
Abala ра rin si Klaire sa pakikipag–usap sa tiyuhin. Hindi man lang niya napansing hindi sumunod si Rage sa kanila. Ilang minuto rin silang nalibang sa usapan hanggang sa hanapin ni Jordang ang asawa niya.
“We were too focused on talking, where’s your husband?” tanong ni Jordan habang nagmamasid sa paligid.
Napatingin si Klaire at sinundan si Jordan sa paghahanap kay Rage.
“Hindi naman niya tayo iniwan dito, ‘di ba?”
Biglang bumukas ang pinto ng bahay sa harapan nila at lumabas si Rage na may malapad na ngisi. Mabilis siyang lumapit kina Klaire at Jordan.
“Anong ginawa mo sa loob?” tanong ni Klaire, gulat na gulat.
“Uncle Jordan, puwede kang manatili rito ng isang araw. Pagkatapos, ihahatid ka na ng driver ko pauwi. Kami naman ni Klaire, dito na magha–honeymoon ng isang buwan.” Maayos ngunit malinaw ang pangtataboy ni Rage kay Jordan.
“Pero… si Mr. Theodore…” Ayaw ni Klaire na humingi pa si Rage ng pahintulot sa Papa niya para gamitin ang bahay. “Umuwi na lang tayo.”
“Tama. We don’t want to deal with the owner of that house,” segunda din ni Jordan.
Biglang sumimangot si Rage.
“You don’t like dealing with me? I own this house now.”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)