Kabanata 113
“Paano naging iyo ang bahay?” Nanlalaki ang mga mata ni Klaire nang may mapagtanto. “Rage, b–binili mo?”
Mayabang na tumuwid ng tindig si Rage habang nakatingin ang asawang halata ang gulat sa mukha. “There’s nothing I can’t do,” tugon niya na parang normal lang iyon sa kanya.
Napatakip ng bibig si Klaire, pagkatapos ay mabilis siyang lumapit kay Rage.
Ibinuka naman ni Rage ang mga bisig para salubungin ang yakap ng asawa. Umangat ang sulok ng kanyang labi, ngunit agad ding napangiwi. Paano ba naman kasi, dumiretso lang si Klaire sa loob ng bahay at hindi siya pinansin.
“Pft…” Kinagat ni Jordan ang kanyang ibabang labi para pigilan ang pagtawa. Sinundan niya ang pamangkin sa loob para makita rin ang paboritong lugar ng nakatatandang kapatid.
Nilingon niya si Rage na nananatiling nakatayo sa hamba, na parang estatwa, at tinapik ito sa balikat.
“Thank you. Ang galing mo talaga,” taos–pusong puri niya sa lalaki.
May kung ano namang emosyon sa mga mata ni Rage. Sino ba ito para magpasalamat? Si Klaire dapat ang nagsasabi niyon! Dapat ay niyayakap at hinahalikan siya nito ngayon!
“Damn…” bulong ni Rage. Pagkatapos ay sumunod na rin siya kina Klaire at Jordan papasok.
“Walang masyadong pinagbago ang bahay. Siguro may inupahan si Mr. Theodore para linisin ang bahay na ‘to,” natutuwang wika ni Klaire habang nakatingin sa paligid, halatang emosyonal.
“Napakasimple ng lugar na ito. Hindi bagay sa personalidad ng kapatid ko.”
Nakatayo naman si Rage habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pants. Ngunit nang lumapit si Klaire, ay nilabas niya ang mga ‘yon.
“Uncle, samahan mo ako.” Dinaan lang muli ni Klaire si Rage na parang wala lang ito at hinawakan ang kamay ni tiyuhin.
Napasimangot si Rage sa inis. Pero sumunod pa rin siya kay Klaire paakyat sa ikalawang palapag.
Ang isa pang pinagsisisihan ni Rage sa sandaling iyon ay ang pagpayag na sumama si Jordan sa kanila. Puro kay Jordan na kasi nakatuon ang pansin ni Klaire, habang siya naman ay iniiwan lang nito at hindi pinapansin. 1
Masiglang ikinuwento ni Klaire ang mga alaala ng Mama niya tuwing holiday sa bahay na iyon. Ipinakita rin niya ang ilang pottery na ginawa nila noon. Naroon din ang gawa ng Papa niya.
“Mahilig si Mama gumawa ng mga bagay na gawa sa clay, Uncle. Gumagawa rin siya ng sarili niyang mga teacup
noon,”
“Can she really make things like this?” Hinawakan ni Jordan ang tasa na ipinakita ni Klaire. “Hindi ako makapaniwala… Hindi naman gano’n kagaling ang Mama mo, Klaire. Magkasama kami lumaki, alam ko ang ugali ni niyon. Spoiled at laging pinagsisilbihan. How could she get her hands dirty with clay?”
“Hindi ko man naabutan si Mama noong matanda na siya. Pero alam kong kaya niyang gawin lahat mag–isa,”
Kabanata 113
+25 BONUS
tanggol ni Klaire habang nakakumot ang noo sa sinabi ng tiyuhin. “Tingnan mo po ‘to… lahat ng knitting sa bahay na ‘to, siya ang gumawa!”
Bahagyang ngumiti si Rage habang pinagmamasdan si Klaire na punong–puno ng sigla habang ikinukuwento ang tungkol sa ina. Ngayon lang niya nakita ang childish at masiglang Klaire. Bigla niyang naalala kung gaano pa talaga kabata ang asawa.
Napabuntong–hininga siya. Naiinis siya tuwing naaalala ang agwat ng edad nila.
Hanggang sa may mapansin niya ang isang piraso ng paso na pumukaw ng pansin niya. Isang malaking paso o kung ano man iyon… sablay ang pagkakagawa at parang bata ang nagkorte. Sa tingin niya ay si Klaire ang gumawa niyon.
“Gawa rin ba ‘to ni Mama Jasmine? Why does it seem a bit…” Gusto niyang asarin ang asawa.
Nanlaki ang mata ni Klaire. “Ah, iyan… gawa namin ni… ni Miguel…” mahinang sagot ni Klaire nang mabanggit ang pangalan ng dati niyang fiance. Sinulyapan din niya si Rage para makita ang reaksyon nito.
Nagkunwaring walang pakialam si Rage nang ibalik ang pangit na paso sa lagayan nito. Hindi alam ni Klaire, pero naninikip ang dibdib ni Rage at gustung–gusto nang basagin ang gawa ng asawa at ng dating kasintahan
nito.
“Where’s the bedroom? I’m a little tired,” putol ni Jordan sa tensyon, pilit na pinapagaan ang atmospera. Ramdam niya kasi ang pagseselos ni Rage.
Ipinakita naman ni Klaire ang mga kwartong maaari nilang gamitin. Matapos maglinis ng mga kasambahay na pinatawag ni Rage para linisin ang bahay at dalhan sila ng mga supplies na pang–isang buwan, ay pumasok na sila sa kani–kanilang kwarto.
Kabanata 114
+

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)