Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 114

Pumasok lang si Klaire sa kwartong pinili ni Rage matapos ituro ang mga area na kailangan pang linisin.

Pagbukas niya ng pinto, nakatalikod si Rage sa kanya at nakatayo sa tabi ng bintana, kasalukuyang tinatanggal ang butones ng suot nitong polo. Lumapit agad siya sa lalaki at niyakap si Rage mula sa likod.

Thank you so much. Sure ako na nahirapan kang kumbinsihin si Mr. Theodore para mabili mo ang bahay na ito.Labis siyang nagpapasalamat dahil ang bahay na puno ng alaala ng Mama niya ay napunta na sa kanila, hindi sa pangalawang asawa ng Papa niya o sa anak nito sa labas.

Ngayon mo lang ba ako pinasasalamatan? Ngayon mo lang ba ako naalala? Kanina ay kay Uncle ka lang nakikipagusap,supladong saad ni Rage.

Ganoon talaga si Rage kapag nagkakamali si Klaire, kahit gaano kaliit. Nagtatampo ito at gustong magpalambing kay Klaire para magbati sila.

SorryGusto ko lang naman kasing kwentuhan si Uncle Jordan tungkol sa buhay ni Mama rito. Noon, masaya talaga si Mama, at gusto kong malaman ni Uncle yon.

Marahang inalis ni Rage ang kamay ni Klaire mula sa pagkakayakap nito at nagpatuloy siya sa pagtanggal ng polo at pantalon, tanging boxer shorts lamang ang iniwang suot. Pagkatapos ay humilata siya sa kama na kapapalit lang ng bagong bedsheet.

Mas presko pa ang hanging pumapasok mula sa bintana kaysa sa aircon. Humiga si Rage, ipinikit ang mga mata habang ang mga kamay ay nasa likod ng kanyang ulo, ninanamnam ang mga tunog ng kalikasan na tugma sa naiisip niyang honeymoon.

Pagkatapos maglinis ng sarili, sumunod naman si Klaire sa kama. Hindi na siya nagsabi at kusang niyakap si Rage mula sa gilid nito.

Pasalamat talaga siya na nagkaroon siya ng asawang katulad ng isang Rage De Silva. Yong mga bagay na dati’y hindi niya makuha, ngayon ay kusang binibigay ng lalaki sa kanya.

Hindi lang yakap ang gusto ko,bulong ni Rage habang nakapikit ang mga mata.

Oh ngayon?Napairap si Klaire. Pagod pa ako at gusto ko munang magpahinga. Tsaka, nasa tabi lang ng kwarto natin si Uncle Jordan. Lahat ng kwarto sa bahay na to, hindi soundproof.

Hindi sumagot si Rage, Nakaramdam tuloy ng kaunting guilt si Klaire. Pero hindi niya kayang sundin ang gusto nito lalo na kung maririnig sila ng tiyuhin niya.

Sa halip, gumapang na lamang siya at hinalikan nang matagal ang pisngi ni Rage. Pagkatapos ay sinandal ang kanyang ulo sa braso nito, dahandahang hinahaplos ang dibdib nitong mabukol dahil sa arawaraw na pagwo-

workout.

Ang tahimik naman nitohindi gaya ng dati na mapilit,naisip ni Klaire na medyo nagalala.

Galit ba talaga si Rage?

O baka nagsasawa na ito sa kanya?

Kabanata 114

+25 BONUS

Pero agad ding naglaho ang mga pagaalala niya’t napalitan ng ginhawa. Ang hanging dumarampi sa kanyang balat mula sa bintana ay tila ba duyan na untiunting naghehele sa kanya para makatulog habang nasa mga bisig

ng asawa.

Nang masiguro ni Rage na malalim na ang paghinga ni Klaire at tulog na ito, marahan niyang inalis ang ulo ng asawa mula sa kanyang braso at pinalitan iyon ng unan. Dahandahan siyang gumalaw para hindi umuga ang kama saka naglakad habang nakatiptoe para hindi makalikha ng kahit anong ingay.

Paglabas niya ng kwarto, bumalik si Rage sa lugar na kanina pa ginugulo ang isip niya. Nakakrus ang kanyang mga braso at seryosong tinitigan ang pangit na paso sa harap niya.

Kanina pa niya iniimagine ang nakaupong si Miguel at yakapyakap si Klaire mula sa likod habang magkasabay nilang hinuhulma ang pangit na paso na iyon. Lalo pang kumulo ang dugo ni Rage dahil naiimagine niya ang mga ito mismo sa harapan niya.

AaahhMiguelhuwag mong idiin masyado.Isang boses sa isip ni Rage habang nakatingin sa bukol sa gilid

ng paso.

Sorry, honeyHindi ako makapagconcentrate dahil ikaw lang ang iniisip ko,sagot naman ni Miguel.

Malambing na hinalikan ni Miguel ang balikat ni Klaire. Tapos, humarap sila sa isa’t isa at maalab na naghalikan. 1

Fuck

Napaungol sa inis si Rage at sinuntok ang hangin para itaboy ang hindi totoong eksenang gumugulo sa utak niya.

Galit na galit niyang tinulak ang pangit na paso gamit ang hintuturo niya.

Kasabay niyon, lumabas ng kwarto si Klaire, habang kinukusot ang mga mata.

*CRACK!*

Kabanata 115

+25 BONUS

Kabanata 115

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)