Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 115

Kabanata 115

I didn’t mean to

Nang makita ni Rage ang repleksyon ni Klaire sa salamin, agad siyang lumingon at nagkunwaring aksidenteng nabasag ang paso.

Mabilis namang lumapit si Klaire kay Rage, nakabukas ang bibig at nakatuon ang mga mata sa pirapirasong paso sa sahig.

Mas lalong nainis si Rage. Bakit gano’n na lang ang malasakit ni Klaire sa pangit na pasong yon?!

Dahil ba totoo talagang nangyari ang mga naiimagine niyang eksena sa isip niya? Ang paglalandian nina Klaire at Miguel? Marami bang magagandang alaala si Klaire at si Miguel sa pasong yon?

Lumuhod si Klaire para pulutin ang mga piraso ng paso at inilagay ito sa isang sulok. Agad niyang tiningnan ang mga kamay ni Rage na may halong pagaalala sa mukha.

Ayos ka lang ba? May sugat ka ba?

Should I call my nephew so you guys can make a new pot? Mukhang mahalaga talaga sa’yo tong paso,naiinis na wika ni Rage, gustong malaman kung gaano kaimportante ang lintik na paso na yon sa asawa niya.

Hindi yan paso, flower vase yan!

Tumaas ang kilay ni Rage. Oh? Hindi mukhang flower vase.Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon. Tatawagan ko si Miguel para makagawa ulit kayo ng isa.

Mabilis na kinuha ni Klaire ang kamay ni Rage na may hawak na cellphone.

Para saan pa? Bata pa kami nung ginawa yon. Baka nga nakalimutan na niya yon. Ang importante sa akin ngayon ay kung ayos ka lang. Wala namang masakit sa iyo, di ba?ani Klaire na gustong makasiguro na hindi nasaktan ang asawa.

I’m fine.

Naku!tumaas ang boses ni Klaire, napansin ang maliit na hiwa sa gilid ng palad ni Rage at hinila ito paupo. Kukuha ako ng ointment.

Tiningnan ni Rage ang maliit na sugat sa kamay, Kumunot ang kanyang noo nang matanton na kagat lang pala iyon ng insekto. Pero inakala ni Klaire na galing iyon sa pagkakabasag ng vase.

Tila ba nagdidiwang ang lahat ng cells sa utak ni Rage. Hindi naman pala mahalaga kay Klaire ang mga lumipas na alaala nila ni Miguel. Bata pa sila nung ginawa ang vase na yon!

Imahinasyon lang niya ang lahat. Isa pamukhang nagaalala talaga si Klaire sa kanya!

Naisip niya, kung babasagin din ba niya ang iba pang mga pasong gawa ni Theodore ay mas lalo niyang makukuha ang atensyon ni Klaire? O kaya’y magkasugat ulit para hawakan nito ulit ang kamay niya?

Ngunit nawala ang maliit at pilyong ngiti sa labi ni Rage nang bumalik si Klaire dala ang first aid kit. Mabilis na nilinis ni Klaire ang kamay niya gamit ang antiseptic, maingat na pinatuyo, at saka inabot ang ointment.

Kabanata 115

+25 BONUS

Ngunit huminto bigla ang kamay ni Klaire bago pa man dumikit ang gamot sa balat niya.

Parangkagat lang to ng lamok,bulong nito at tiningnan nang maigi ang sugat.

Hindi mo ba gagamutin? Ang sakit kayareklamo ni Rage, kunwari’y nasasaktan na parang nahiwa ng kutsilyo.

Inapply ni Klaire ang ointment, dahandahan, at hinipan ito. Dahil sa lapit ng labi ni Klaire sa kanya, napalunok si Rage.

Bahagya siyang yumuko at handa nang halikan ang malambot at mapupulang labi ng asawa nang biglang lumabas si Jordan mula sa kwarto at nagtungo sa direksyon nila.

Anong nangyari? I heard something,tanong ni Jordan, na halatang antok pa.

May nabasag si Rage na vase,sagot ni Klaire.

AhSa halip na bumalik sa pagtulog, umupo si Jordan sa sofa at niyakap ang isang throw pillow.

Napabuntonghininga si Rage sa inis. Hindi lang niya pinagsisisihan na pinatuloy si Jordan sa bahay na yon ng isang araw. Parang nagsimula na siyang magsisi na ipinakilala pa niya si Klaire sa Uncle niya.

What should we do now?reklamo ni Rage.

Gusto kong umupo sa tabi ng lawa, magihawihaw, at namnamin ang ambiance dito,sagot ni Klaire at binasa ang mga labi, iniimagine na ang masarap na pagkain.

Okay. I’ll have the servants prepare everything. Go rest in your room,utos ni Rage, sabay irap kay Jordan.

Naiirita kasi siyang maging UncleInLaw ang isang lalaking mas bata sa kanya. Hindi naman niya pwedeng utusan si Jordan bastabasta bilang respeto kay Klaire. Kaya tahimik na lang siyang nagrereklamo, bagay na hindi naman niya ginagawa noon.

Pwede ba akong manood habang naghahanda sila?tanong ni Klaire.

Tumango si Rage, at inakay si Klaire papunta sa may lawa.

Agad na kumilos ang mga kasambahay na inutusan ni Rage. Walang kahit anong gamit doon kaya kinailangan nilang magipon ng kahoy na panggatong.

Sumunod si Klaire sa mga lalaking kasambahay, namamangha habang pinapanood silang magsibak ng kahoy.

Hindi nagtagal, isang mamahaling sasakyan ang dumating sa driveway. Lumabas doon si Chris, dala ang ilang dokumentong kailangang pirmahan ni Rage para sa transfer of ownership ng bahay.

Dito ka muna. Magiihaw kami ng mga karne.

Opo, Sir.

Nilapitan nina Rage at Chris si Klaire na ngayo’y nakaupo sa isang bagong putol na troso, nakapatong ang baba sa kanyang kamay.

Are you bored?tanong ni Rage.

Kabanata 115

Hindi naman. Gusto ko ngang pinapanood yung mga taong masipag magtrabaho.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)