Kabanata 116
Samantala, ayaw naman ni Chris nang walang ginagawa. Kaya naman mabilis niyang tinanggal ang suot na jacket at itinaas ang mga manggas ng mahaba niyang polo hanggang siko. Pagkatapos, kinuha niya ang isa sa mga palakol at nagsimulang maghati ng troso.
Pawisan na ang noo ni Chris nang mabilis na makapaghati ng apat na troso. Binuksan niya ang dalawang butones ng kanyang basa sa pawis na polo.
“Hubarin mo na lang ‘yang suot mo para hindi madumihan,” utos ni Rage, isang desisyong agad niyang pagsisisihan.
Paano ba naman, ang lalaking tahimik at parang hindi lumalabas ng bahay, ay may nakatagong maskuladong katawan sa ilalim ng pormal nitong damit. Habang binibiyak ni Chris ang mga troso, umumbok ang mga masel sa braso nito na kumikislap sa pawis.
“Wow… ang lakas pala ni Chris,” puri ni Klaire.
Tiningnan nang masama ni Rage ang asawa, na hindi na kumukurap habang nakatitig kay Chris. Nilingon niya ang lalaki na parang walang pakialam kahit pinuri ni Klaire.
Aba lokong Chris ‘to ah… ang kapal ng mukha magpakitang–gilas sa harap ng asawa niya!
Biglang hinubad ni Rage ang damit at inihagis ito sa mukha ni Klaire. Agad niyang inagaw ang palakol mula sa kay Chris bago pa ito makapaghati ulit.
“Sir… ako na po!” pigil ni Chris, ayaw pahawakan sa kanya ang maruming palakol.
‘Marunong bang magsibak ng kahoy si Rage? Hindi ba’t puro upo lang sa opisina ‘yan at utos nang utos?‘ naisip ni Klaire.
Palaging nababasa ni Rage ang naiisip ng asawa. Ang duda sa mata ni Klaire ay tila hamon sa kanya para patunayan ang sarili!
“I want to try” giit niya.
Sa huli, binitiwan na ni Chris ang palakol at hinayaan siya.
Bago pa man ihataw ang palakol, sinadya niyang patigasin ang mga muscles sa kanyang braso para makita ni Klaire na mas malakas siya kay Chris.
CRACK!
Sumablay ang unang swing ni Rage. Gumulong sa lupa ang troso na dapat sana’y nahati. Kinagat niya ang dila at tiningnan nang masama si Chris.
Mula sa kaliwa niya, narinig niya ang pagbungisngis ng asawa. Agad siyang naglihis ng tingin, ang mukha ay namumula sa kahihiyan dahil palpak ang unang subok niya.
“Tama nga… hindi talaga niya kayang magsibak ng kahoy,‘ pigil ang tawa ni Klaire habang nakatitig sa asawa.
“Kailangan diretso sa gitna ang bagsak, sir.”
1/3
Kabanata 116
+25 BONUS
Lumapit ang lalaki sa kanila. Agad na tumayo si Chris at pumwesto sa harap ni Klaire, tila isang panangga para sa asawa ng kanyang boss.
Hindi na makita ni Klaire ang lalaki, dahil sa malaki at matangkad na pangangatawan ni Chris. Narinig lang niya ang malamig at puno ng pagtutol na boses nito.
“Anong ginagawa mo rito?”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)