Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 117

Kabanata 117

+25 BONUS

Kabanata 117

KlairePamilyar ang boses ng diinaasahang bisitang yon.

Itinulak ng lalaki ang braso ni Chris na humaharang sa kanyang daraanan.

Pero hindi pa rin siya pinayagang makalapit ni Chris.

Agad na nagtago si Klaire sa likod ni Chris. Hayagan na niyang tinanggihan si Theodore noon at ayaw niyang may masamang gawin pa ito sa kanya.

Nasampal na siya ni Theodore dati. Ayaw na niyang lumapit pa rito.

Agad namang naintindihan ni Chris na ayaw ni Klaire makita ang ama.

Kailangan mo munang humingi ng permiso kay Mr. De Silva kung gusto mong makausap si Miss Klaire,matigas niyang pahayag.

Wala kang karapatang makialam sa amin ng pamilya ko! Lumayas ka!sigaw ni Theodore habang pilit na hinahawi ang matigas na braso ni Chris, ngunit hindi ito nagtagumpay.

Narinig nina Rage at Jordan ang malakas na boses ni Theodore nang buksan nila ang pinto. Agad na lumapit si Rage sa asawa, ramdam ang panganib.

What’s going on?!tanong ni Rage, na noon lang nakita ang mukha ni Theodore nang makalapit. Bakit ka nandito?

Ikaw? Napanganga si Theodore sa gulat. Kahit mas makapangyarihan at mayaman si Rage kaysa sa kanya, son- inlaw pa rin niya ito. Dapat ay igalang siya ni Rage!

Napalunok na lamang sa inis si Theodore. Ang totoo, hindi niya kayang kalabanin ang isang Rage De Silva.

Nandito ang anak at ang manugang ko. Of course, gusto kong dalawin kayo.Mabilis na tumakbo si Theodore pabalik sa sasakyan at may kinuha saka inabot iyon kay Rage. Alam mo, mahilig magpabonfire at magihaw si Klaire tuwing nandito siya.

Natigilan naman si Klaire sa narinig. Mukhang naaalala pa ng Papa niya ang mga nakasanayan niya. Dahil doon, bahagyang nayanig ang matibay niyang desisyon na huwag nang ituring na ama ang matanda.

Klaire, hija, nagdala si Papa ng paborito mong premium beef. Magihaw tayo, magkwentuhan gaya ng dati.

Hindi siya nakapagsalita, nalilito sa samu’t saring naiisip.

Handa na sanang paalisin ni Rage ang matanda, pero pinigilan siya ni Jordan. Hinawakan nito ang balikat niya.

Well, let’s party. Ang tagal na nating hindi nagkikita, Bayaw!Malakas na tumawa si Jordan at sinadyang lakasan ang tawag niyang bayaw kay Theodore.

Nanigas ang mukha ni Theodore, lumitaw ang ugat sa leeg, at nanginig ang labi sa pagkainis. Malinaw na hindi niya gusto ang kapatid ng unang asawa.

Bakit pinayagan pa ni Uncle Jordan na manatili siya rito? Akala ko ba ay galit siya sa mga Limson?Hindi

1/2

Kabanata 117

+25 BONUS

maunawaan ni Klaire ang iniisip ng kanyang tiyuhin, pati na rin ni Rage.

Tahimik na pinagaaralan ni Rage ang sitwasyon. Ni hindi nito pinigilan si Theodore na lumapit kay Klaire. Kailangan niyang malaman kung ano ang tunay na motibo ni Jordan. Walang dahilan para bigla na lang nitong magustuhan si Theodore.

Nang tumango si Rage, tumabi si Chris at pinadaan si Theodore.

Sinubukang yakapin ni Theodore si Klaire, ngunit agad siyang lumayo at umupo sa tabi ni Rage.

Naupo naman si Theodore sa tabi niya.

Nagtipon silang lahat sa harap ng bonfire. Abalang naghanda ng pagkain si Theodore para sa anak niyang pinabayaan. Walang nakakaalam kung anong sumapi sa kanya at bigla na lang siyang nagpakita ng malasakit kay Klaire.

Huwag mong kakalimutang kumain ng gulay, hija.Nilagyan pa nito ng ilang dahon ng lettuce ang plato ni Klaire.

Hindi tumanggi si Klaire, pero hindi niya rin ito pinasalamatan. Bigla siyang nawalan ng gana dahil sa sobra- sobrang pagaasikaso ng matanda sa kanya.

Mahal mo ngang talaga si Klaire dahil kabisado mo lahat ng gusto niya,sarkastikong komento ni Jordan, pilit na nagpapakita ng kabaitan pero hindi maitago ang iritasyon sa mukha.

Of course. Ikaw nga, abala ka sa kung anuanong bagay. Ni hindi mo nga nabisita ang pamangkin mo. O baka namanwala ka talagang pakialam kay Klaire?Sarkastikong ngumiti si Theodore. Kung hindi lang si Rage ang pinakasalan ni Klaire, malamang hindi ka rin dumalo sa kasal.

Ngumisi si Jordan, pinipigilan ang inis. Mas bagay kay Theodore ang mga sinabi nito. Sanay talaga itong mangbaligtad, bagay na matagal na niyang kinaiinisan.

WellI’m lucky to be Rage De Silva’s uncleinlaw. May magaling na akong business partner. Lahat yon ay dahil kay Klaire.Makahulugan niyang tiningnan si Klaire. Thanks, Klaire, for marrying a man as great as as Rage.

Lalong nagngitngit si Theodore nang marinig na may partnership na pala sina Jordan at Rage. Paano naman siya? Ni hindi man lang nabanggit ang pangalan niya sa kasal!

Alam ko namang mahilig ka manamantala ng sitwasyon,ani Theodore nang may panguuyam.

Kabanata 118

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)