Hindi na napigilan ni Theodore ang sarili. Galit siya sa hayagang kawalang–galang ni Rage sa kanya, lalo na nang hindi siya isinama sa business partnership na binanggit ni Jordan.
Ramdam naman ni Klaire ang galit ng ama na nakaupo sa tabi niya. Ni wala pang kalahating oras ang lumipas, lumabas na agad ang tunay na ugali ng matanda. Nagsisisi siya na naisip pa niyang maaari ngang nagbago na si Theodore Limson… kahit kaunti.
Si Rage, na tahimik lang kanina, ay sinagot naman si Theodore.
“Uncle Jordan is truly amazing. He wouldn’t waste an opportunity to meet me. At saka, mahusay na negosyante si Uncle. Masaya akong makatrabaho siya.”
Sandaling natahimik ang lahat, abala sa kani–kanilang pagkain at iniisip. Paminsan–minsan ay sumusulyap si Klaire sa kanyang ama, na tila malalim ang iniisip.
Nakaramdam siya nang kaunting awa sa ama. Hindi niya magawang lubusang kamuhian ito. Kahit baligtarin ang mundo, si Theodore Limson pa rin ang ama niya, ang lalaking nagpalaki sa kanya.
Lalong naging magulo ang damdamin at isip ni Klaire. Madalas magbago ang emosyon niya kapag bigla ring nagbabago ang mga sitwasyon.
Malungkot siya ngayon, ngunit nangibabaw ang galit nang magsalita si Theodore na lubos niyang ikinainsulto.
“Maswerte ka, Klaire, at napapalibutan ka ng mga taong toong nagmamalasakit sa iyo,” ani matanda na tahasang pinapahiwatig na sinasamantala lamang siya ng Uncle niya.
Kilala ni Theodore si Klaire. Kahit tahimik ito, alam niyang iniiwasan nito ang mga taong mananamantala sa kanya. Gusto niyang ilayo ang anak kay Jordan, syempre, para siya lamang ang sundin nito. Baka kung ano pa ang ituro nito sa kanyang anak. Isa pa, hindi talaga gusto ng pamilya niya ang lalaking ito noon pa man.
Ngunit nagkamali si Theodore… Nagbago na ang Klaire na kilala niya noon. At nangyari ito dahil sa padalus- dalos na mali nito nang palayasin niya si Klaire dahil lang sa mga larawan na maaaring hindi naman totoo.
Tuwing may hindi magandang sinasabi si Theodore, muling sumisiklab ang galit ni Klaire.
“Totoo po ‘yan, Mr. Limson. Mas maganda na po ang buhay ko ngayon. Mahal na mahal ako ng mga taong nakapaligid sa akin. May tiwala sila sa akin, at lagi nilang sinisiguro muna sa akin kung may problema ba ako.’
Napakuyom ang bibig ni Theodore. Alam niyang iniinsulto siya ni Klaire dahil tumanggi siyang makinig sa paliwanag nito matapos makita ang mga larawan nang araw na ‘yon.
Hinawakan ni Klaire ang kamay ni Rage at nginitian ito.
“Salamat talaga at ikaw ang napakasalan ko. ‘Yong taong dating galit sa akin at itinakwil ako, biglang naging
mabait sa akin.”
Malakas ang naging tibok ng puso ni Rage, na para bang tumatama na ito sa kanyang rib cage. Hindi pala masama na hinayaan niyang magkita sina Theodore at si Klaire. Dahil doon, narinig niya ang magagandang salita mula sa asawa.
Kabanata 118
+25 BONUS
Samantala, si Theodore, na tila hindi na kailangan ng kanyang anak, ay biglang tumayo. Tinitigan niya si Klaire, na para bang labis siyang nasaktan.
Nasuklam naman si Klaire nang makita ang mukha nito. Sayang lang ang oras niya nang makaramdam ng awa sa matanda!
“Kung gano’n ay ayaw mo na akong ituring na ama mo? Bakit may pa–Mr. Limson Mr. Limson ka pa riyan? Por que ba napangasawa mo ang mayamang lalaking ‘to, ayaw mo na akong kilalanin bilang ama mo? Kinahihiya mo bang hindi ako kasing yaman ng asawa mo?!” Napailing pa ito. “Ang laki na ng ipinagbago mo, Klaire. Dahil lang nakapangasawa ka ng mayaman, pinuputol mo na ang ugnayan natin, ha? Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong magbago!”
Nagulat si Klaire nang makita ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ng ama. Hindi pa niya ito kailanman nakitang umiyak, kahit noong namatay ang Mama niya.
Nasobrahan ba siya sa pakikitungo sa ama niya? Nasaktan niya nga ba ito nang
husto?
Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkabalisa nang makita ang pagluha ng ama. Masakit iyon sa kanyang dibdib…
“You still like to act, I see,” ani Jordan.
Tila ba nagising si Klaire sa realided nang marinig ang sinabi ng tiyuhin. Tama… hindi basta–basta nagbabago ang isang tao nang walang inaasahang kapalit.
Blangkong tinitigan ni Theodore ang kanyang brother–in–law.
“Sa tingin mo umaarte lang ako? Hindi ka naman nagkaanak, kaya hindi mo alam ang pakiramdam na balewalain ng batang buong buhay mong pinalaki!”
Muling tumingin si Theodore kay Klaire, mabilis na pinunasan ang kanyang mga luha. Pagkatapos ay may ginawa na labis na ikinabigla ng lahat.
“Ano’ng ginagawa mo?!” sigaw ni Klaire.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)