Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 119

Napapikit si Klaire nang itinaas ni Theodore ang kamay. Sasampalin na naman ba siya ng kanyang ama?

Hindi!

Natahimik ang lahat nang bigla na lamang siyang yakapin ng ama. Lubos na nagulat si Klaire. Kailan ba siya huling niyakap nito? Ni hindi na niya maalala

I’m sorryPagkasabi niyon, binitiwan na siya nito at tuluyang lumakad papunta sa parking lot, nakayuko at bagsak ang ulo.

Pakiramdam ni Klaire ay nananaginip siya. Talaga bang niyakap siya ng Papa niya? Hindi siya makapaniwala.

Sa lahat kasi ng pagkakataon, palaging si Kira lang ang pinapansin at minamahal ng ama niya. Bakit ngayon lang siya umakto bilang ama? Ngayong De Silva na ang apelyido niya?

Nakuyom niya ang kamao, namumula ang mga mata. Ang emosyong namuo sa kanya dulot nang maikling yakap na yon ay agad ding napalitan ng galit.

Napansin ni Rage ang kakaibang reaksyon ng asawa, kaya marahan niyang hinawakan ang kamay nito at binuksan ang pagkakakuyom nito. Saka niya pinagsalikop ang mga daliri nila.

Calm down. Let’s continue our dinner,basag ni Rage sa katahimikan doon.

Nagusapusap ang mga lalaki tungkol sa kung anuanong bagay para maibsan ang tensyon. Huminga nang malalim si Klaire at nakisali na rin sa mga ito. Pero sa puso niya, hindi pa rin siya mapakali dahil sa ginawa ng

ama.

Do you want to go fishing in the lake tomorrow morning? Sabi ni Chris, madalas daw makahuli ng maliliit na isda si Mang Nick doon. Gusto ko ring maenjoy ang katahimikan dito,alok ni Rage, na halatang gusto lang aliwin ang asawa, bagamat ang tono niya ay mas parang utos.

Sige,tugon ni Klaire.

Hindi kita inuutusan, ah. Kung ayaw mo, puwede kang tumanggi,agad na ani Rage sa matigas na boses.

Ahmali na namanBakit nga ba hindi kayang maging kalmado ng boses ni Rage, maliban na lang kapag nasa kama? Bakit parating tunong hari ang boses nito, at parang dapat ay palaging sinusunod?

Gusto ko ring mangisda. Let’s have a contest. Dapat maghanda si Rage ng prize sa kung sinong may pinakamaraming mahuling isda,sabat naman ni Jordan, na sinusubukang pasayahin ang pamangkin niya na halatang hindi pa rin masaya. I’ll show you my hidden talent!sabay pose na parang nangingisda.

Marunong ka palang mangisa, Uncle? Gusto ko yan, lalo na kung maganda ang prize na maiisip ni Rage,wika naman ni Klaire.

Napasimangot naman si Rage sa inis. Gusto sana niyang sila lang ni Klaire ang mangisda, e. Ang saya sigurong maglampungan sa gitna ng lawa habang nasa maliit na bangka sila. Pero sinira lahat yon ni Jordan!

Bibigyan na agad kita ng premyo. I’m sure you’ll win right away. Naroon sa city, Uncle,diin ni Rage sa huling

salita.

1/2

Kabanata 119

+25 BONUS

Hindi man lantaran, naintindihan ni Jordan ang ipinapahiwatig ni Rage. Pero gusto rin niyang damayan si Klaire, kahit isang araw lang.

Noong una, hindi niya gusto si Klaire dahil anak ito ng lalaking posibleng pumatay sa kapatid niya. Pero matapos niyang malaman ang lahat ng hirap na pinagdaanan nito, at makita ang reaksyon nito nang yakapin ni Theodore, naniniwala siyang hindi kailanman nakatanggap si Klaire ng pagmamahal at atensyon mula sa kanyang ama.

Kahit ano pa ang nangyari, dugo’t laman ng kapatid niya si Klaire.

At tila hindi kayang maging kalmado ni Rage pagdating sa kanya.

Hindi naman sa iniisip ni Jordan na hindi iniisip ni Rage ang mararamdaman ni Klaire. Alam niyang ugali na talaga ito ni Rage, bagay na mahirap nang baguhin.

Agad nyang tinanggihan ang alok ni Rage. Hindi, let me stay here for one more day.

Pareho sila ni Klaire na nakatitig kay Rage. Halos magkapareho pa ang mga mata nila. Naiinis si Rage dahil sa tuwing nakikita niya si Jordan, naaalala niya si Klaire. Hindi niya tuloy kayang piliting umalis agad ito!

Sige. Isasali din natin si Chris.Upang sa gano’n, mauutusan niya si Chris na aliwin si Jordan, para naman makapaglampungan sila ni Klaire sa gitna ng lawa nang walang istorbo.

Kung kinakailangan, uutusan pa niya si Chris na iligaw ang Uncle nila sa gubat!

Sige po, sir. Uuwi muna ako para kumuha ng damit na pamalit.

No need,putol agad ni Rage nang tumayo si Chris mula sa kinauupuan nito. Marami akong dalang bagong damit. You can wear them.

Matagal nang kilala ni Klaire si Chris ngunit ngayon niya lang nakita ang ganoong ekspresyon ng mukha nito. Gulat na gulat. Nakataas ang mga kilay at tila nalaglag ang panga.

Ayaw ba ng asawa niya ipahawak ang mga gamit nito sa iba? Mukhang gulat na gulat kasi si Chris na papahiramin siya ni Rage ng damit.

Ooopo, sir,kabado ang sagot ni Chris.

Sa unang pagkakataon, parang naging kaibigan ni Rage si Chris. Buti na lang at natatabingan ng apoy ang pamumula ng pisngi ni Chris. Hindi alam ng mga naroon na natutuwa ang personal assistant ni Rage.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)