Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 121

Kitangkita ni Rage ang pagkadismaya sa mukha ni Klaire. Mabilis siyang nagisip ng kapanipaniwalang

dahilan.

Arghang likod koTumalikod si Rage kay Klaire habang itinataas ang kanyang boxer shorts at hinawakan ang kanyang bewang. I think I sprained my back.

Hinila ni Klaire ang braso ni Rage para humarap ito sa kanya. Ngunit nagmatigas si Rage, ayaw niyang makita ang pagkadismaya ng asawa.

Bakit biglang sumakit? Kanina lang ayos ka naman, di ba?

Kanina pa masakit, pero hindi ko na lang sinasabi. I didn’t want to worry you. Come onlet’s sleep. Sigurado akong pagod ka rin.

Hindi ako pagod,mabilis na tanggi ni Klaire. Ayos na ayos ako.

Ngayon lang napagtanto ni Klaire na nakakainis pala kapag gusto mong makipagbangayan sa asawa mo pero wala siyang gana. Kahit alam niyang may iniinda sa katawan si Rage, hindi pa rin niya mapigilang madismaya.

Ilang saglit pa, narinig na lang niya ang mahinang paghilik ni Rage.

Lalo tuloy siyang nadismaya.

Pwede namang ako na lang ang gumalaw, tulad ng dati, hindi mo na kailangang galawin ang balakang mo,inis na bulong ni Klaire at saka tinalikuran ang asawa.

No, even if you do it like usual on top of me, you’ll just get disappointed,isip ni Rage na nagkukunwari lamang na tulog.

Ang gabi na sana’y masaya ay nauwi sa magasawang magkatalikod sa pagtulog. Parehong hindi matahimik ang isipan.

Si Klaire, sinusubukan pa ring kalimutan ang pagkadismaya; si Rage naman, balisa, dahil ayaw niyang maging mahina sa paningin ng asawa.

***

Kinabukasan, halos sabay lumabas ng kwarto sina Klaire at Rage. Napatingin sila sa isa’t isa nang muntik nang magsalpukan ang mga braso nila sa pinto. Agad din namang nagiwasan ng tingin ang mga ito.

Sa harap ng kanilang kwarto, nakaupo sina Jordan at Chris na nagkukwentuhan. Kaagad na napalingon ang dalawa sa bagong kasal. Nagkatinginan sila, wari’y nagtatanong kung bakit parang mabigat ang aura ng dalawa.

Naisip ni Jordan na baka dahil iyon sa pagbisita ni Theodore, dahilan ng lungkot sa mukha ni Klaire. Gusto tuloy niyang magstay pa doon nang matagal para madamayan ang pamangkit, lalo’t mukhang hindi naman ito kayang pasayahin ni Rage.

Naayos na ni Chris ang lahat sa may lawa. We’ll go there after breakfast,sabi ni Jordan pagkatapos ay tumayo at nagpamulsa ng kamay. Bumaba ito patungong dining area, kasunod si Chris.

Kabanata 121

+25 BONUS

Tahimik namang sumunod sina Klaire at Rage na hindi man lang nagtitinginan o naguusap.

Nagngingitngit pa rin si Klaire sa asawa. Hindi talaga siya agad nakatulog hanggang sa maghatinggabi. Nayamot siyang lalo nang mahuli ang pagsisinungaling ni Rage.

Nakita niya kung paanong bumangon si Rage pagkumpirma nitong tulog na siya. Hindi naman pala talaga masakit ang likod nito! Nagunat pa nga ito ng mga braso’t likod. Tahimik pa itong nagstretching bago pumasok sa banyo para magshower.

Paglabas ni Rage ng banyo, nakasandal na si Klaire sa headboard ng kama, nakahalukipkip ang mga braso’t naghihintay.

Nagsakitsakitan na naman si Rage, dahilan para makumbinsi siya na iniiwasan lang sita nito.

Kaya mo ba sumakay magisa?

Nagulat si Klaire sa tanong ni Rage. Tahimik kasi ito kahit nang magalmusal sila.

Ayaw na ba talaga nito sa kanya?

Siguro nga katulad lang ng ibang mga taksil na lalaki si Rage na walang ibang gusto kundi ang tawag ng laman. Gusto lang nila ang mahalaga! Pero nang siya naman ang may gustong may mangyari sa kanila, tinanggihan siya nitoni ayaw siyang hawakan. Nagkunwari pa itong may sakit sa likod.

Kaya kong sumakay magisa.Tumalon si Klaire papunta sa bangka kahit sinubukang abutin ni Rage ang kamay niya.

Be careful! Buntis ka! Did you forget?!Napalakas ang boses ni Rage, gulat sa ginawa ni Klaire.

Hindi naman malalaglag ang baby ko dahil lang sa konting talon.

Napabuntonghininga naman si Rage. Alam niyang napansin ni Klaire ang kasinungalingan niya kagabi. Ibang- iba na ang ugali nito ngayon. Hindi siya sanay na pagsalitaan ni Klaire ng ganoon.

Are you guys fighting?bulong ni Jordan. Pwede pa akong magtagal dito para damayan si Klaire,dagdag pa niya sa tonong parang magulang na kausap ang anak.

No need. I want to go on a honeymoon alone with my wife.Kung hindi lang dahil sa pagkabahala niya kay Klaire, hindi sana gano’n kadirekta ang mga salita niya sa Uncleinlaw niya.

Ah, sige.Tinapik ni Jordan ang balikat niya bago tumalon sa parehong bangkang sinakyan ni Klaire.

Sumunod din si Chris.

Kailangan niyo po ba ng tulong, sir?inilahad nito ang kamay sa kanya.

Sa halip na matuwa sa pagaalok ng tulong ni Chris ay tiningnan pa niya ito nang masama. Sa ginagawa nito, baka iniisip ni Klaire na talagang mahina siya. Akala yata nito ay hindi niya kayang sumakay ng bangka!

Kabanata 122

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)