Kabanata 122
Mas lalo pang nainis si Rage nang mapansing wala nang ibang bangka sa lawa. Sigurado siyang inutusan niya si
At nalintikan na nga! Nakalimutan niyang utusan si Chris na maghanda ng dalawang bangka!
Gusto na niyang sumigaw nang malakas para maglutangan sa ibabaw ang lahat ng isda sa lawa para hindi na sila makapangisda! Nasira na ang lahat! Palpak ang plano niya!
“Hindi ka ba sasakay?” tanong ni Jordan.
Bumaling si Rage kay Klaire, ngunit agad na nag–iwas ng tingin ang babae sa kanya.
Kasalanan ito ng mga lintik na kahoy, ni Chris, at ni Jordan! Hindi mapigilan ni Rage na murahin silang tatlo sa isipan niya. Sa huli, padabog siyang tumalon sa bangka, dahilan para gumewang–gewang ito.
“Woah! Be careful! Baka tumagilid tayo!” saway ni Jordan.
“Intindihin niyo na lang po, Uncle. Pagod na pagod ang asawa ko,” sabat ni Klaire.
Naupo si Rage sa tabi ni Chris sa may helm ng bangka, hindi na pinansin ang mga sinabi nina Klaire at Jordan. Ito ang unang pagkakataon na ramdam na ramdam niya ang pagkadismaya. Paano niya nabigo si Klaire sa isang bagay na kinaaadikan nila?
Kasabay nang malalim na paghinga ni Rage, pinaandar na ni Chris ang makina at pumalaot sila papunta sa gitna ng lawa.
Mula sa bakuran ng garden, tila maliit lang ang lawa kung titingnan pero kapag nasa gitna ka na nito ay
napakalawak pala ng tubig. Kaya pala ganoon kalaki ang siningil ni Chris sa kanya kahapon. Mas pinayaman niya si Mang Nick!
“Look at this, Klaire! Gayahin mo lang ako,” wika ni Jordan habang ipinapakita ang teknik sa pangingisda, kahit hindi ito tama.
Sa totoo lang, ito ang unang beses ni Jordan na humawak ng fishing rod. Sa TV lang naman siya nakakapanood at ginagaya lang niya iyon.
Palihim na sinusulyapan ni Rage ang ginagawa ni Jordan. Kung hindi lang dahil sa suhestiyon ni Klaire, hindi siya mag–aaksaya ng oras na mangisda gamit ang pangit at maruming fishing rod sa kamay niya. Sa isang tango, kayang–kaya niyang utusan si Chris na hulihin ang lahat ng isda sa lawa na ‘yon.
Sa tabi niya naman, tahimik na inihagis ni Chris fishing rod sa tubig at tahimik lang habang pinagmamasdan ang kilos ng fishing float. Si Chris at ang lawa… magkatulad na magkatulad. Parehong kalmado, tahimik, at maaaring madala ng agos anumang oras.
Palihim namang sinulyapan ni Klaire ang personal assistant ni Rage, at ginaya ang ginawa nito. Hindi kasi nakaka–convince ang ginagawa nina Rage at Jordan.
Halos kalahating oras na pero wala pa ring isdang kumakagat sa pain nila. Naghihintay lamang ang tatlong lalaki sa bangka, ang isa sa kanila ay halata nang naiinip. Sino pa nga ba kundi si Rage De Silva.
Kabanata 122
+25 BONUS
Hindi talaga bagay kay Rage ang pinaghihintay. Para saan pa ang mag–aksaya ng oras niya kung kaya naman niya itong bilhin at mapadali gamit ang yaman at kapangyarihan niya?
May natutunan si Rage ngayong araw, ang bagay na pinaka–ayaw niya sa buong mundo… ang pangingisda. Ayaw na niyang ulitin ito, kahit pa si Klaire ang mag–aya.
“May kumagat sa pain ko!” sigaw ng isa sa tatlong lalaki.
Nagmamadali silang lumapit kay Chris, sabik na makita kung anong klaseng isda ang nahuli niya. Dahil sa bilis ng kanilang paglapit, mabilis na gumewang–gewang ang maliit na bangka.
Nawalan ng balanse si Klaire at nadulas sa gilid ng bangka na abot–tuhod lang ang taas.
“Ahhhhh!” sigaw ni Klaire, nakataas ang mga braso sa ere.
**SPLASH!**
Hanggang sa nahulog siya sa lawa.
Hindi na nag–isip pa, hinubad ni Rage ang kanyang shirt at tumalon sa tubig para sagipin ang asawa. Pumadyak si Klaire at lumangoy papalapit kay Rage na lumusong sa ilalim ng tubig.
Buong akala ni Rage ay hindi marunong lumangoy si Klaire. Nang makita niya ang mga paa nito na lumulutang sa ibabaw niya, agad siyang umahon.
“Bakit ka sumabay pa sa akin sa tubig? Sana hinila mo na lang ako mula sa taas.”
“I thought you couldn’t swim. Malalim din ang lawa na ‘to. Paano kung kagatin ka ng mabangis na isda sa ilalim?”
Natawa si Klaire. Palagi na lang may sinasabi si Rage na nakakatuwa. Dahil doon ay nakalimutan na niya ang tampo niya rito.
Hinila ni Rage ang asawa sa kanyang mga bisig. Tama… ganito dapat. They could be intimate in the middle of the lake.
“Giniginaw na ako,” bulong ni Klaire, namumula ang pisngi, ramdam ang reaksyon ng katawan ni Rage dahil sa pagkakayakap nila.
“I can make up for your disappointment last night right here… right now,” bulong ni Rage sa mababa at puno ng pang–aakit nitong boses.
Kabanata 123

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)