Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 123

Sinabuyan ni Klaire ng tubig si Rage sa mukha para pigilan ang malikot nitong plano. Paano naman niya magagawa ang gano’n sa harap ng ibang tao? Tapos sa gitna pa ng lawa!

Gumanti naman si Rage. Nagtawanan at nagharutan sila, tila nakalimutan na ang presensya ng dalawang lalaking kasama nila sa bangka, na parehong nagaalala na sa kanila.

Umakyat na kayo! Baka magkasakit pa kayo!sigaw ni Jordan, sinasaway ang dalawang parang isipbata.

Hanggang sa niyakap ni Rage si Klaire at hinila ito pabalik sa bangka.

Kaya ko namang lumangoy magisa.

No. Ako ang magaakyat sa’yo sa bangka.

Ang lalaking kagabi lamang ay may reklamo sa likod ay mabilis siyang nabuhat paakyat ng bangka. Sumunod na rin ito pagkatapos.

Ayos ka lang po ba, sir?tanong ni Chris, halatang nagaalala. Nagmamadali itong kumuha ng tuwalya para sa kanyang boss.

Si Jordan naman ay kay Klaire nakatuon. Tinulungan nitong patuyuin ang basang buhok ng pamangkin gamit ang isa pang tuwalya.

Nang makita ni Rage ang pagaalaga ni Jordan na dapat siya ang gumagawa, agad niyang inagaw ang tuwalya mula sa kamay nito. Kahit pa tiyuhin ni Klaire si Jordan, lalaki pa rin ito. Ayaw niyang hinahawakan ng ibang lalaki nang matagal ang asawa niya.

Nahuli mo na ba ang isda mo?tanong ni Rage at hinanap ang isdang nahuli ni Chris.

Opo, sir,sagot naman ni Chris at binuksan ang takip ng balde.

Wow! Ang laki niyan ah!manghang saad ni Klaire. Muli na naman siyang humanga sa personal assistant ni Rage.

Di hamak naman na mas malaki ang huli ko kaysa kay Chris. Bakit hanganghanga ka agad sa maliit lang na isda na yan?reklamo ni Rage.

Tatlong pares ng mata ang napatingin kay Rage. Akala nila ay may dala itong malaking isda pagkaahon sa tubig pero wala silang nakita.

Sa halip, binuhat ni Rage si Klaire. Ito ang nahuli kong sirena!

Inakbayan ni Jordan si Chris at tumalikod. Turuan mo nga akong mangisda,sabi niya, tila sinadyang iwasan ang eksena nila Rage at Klaire.

Matapos magkabati ang magasawa, tila mas mabilis na lumipas ang oras. Tirik na ang araw sa katanghalian kaya naman agad na pinatakbo ni Chris ang bangka pabalik sa pampang.

Anong premyo ang ibibigay mo sa nagiisang nanalo ngayon?tanong ni Klaire, nakapulupot ang kamay sa braso ni Rage habang bumababa ng bangka.

Kabanata 123

+25 BONUS

Kalmadong naglakad si Rage, nakapamulsa. Kung titingnan ay parang hindi niya alintana ang paglalambing ni Klaire pero sa loobloob niya ay mabilis na ang kabog ng kanyang dibdib.

Pakiramdam niya, untiunti nang nahuhulog sa kanya si Klaire.

What prize do you want?tanong ni Rage kay Chris na nasa likuran lamang nila.

Hindi naman makasagot si Chris. Wala naman ibang gusto dahil sapat na ang pasweldo sa kanya ni Rage. Lahat nga yata ng pangangailangan niya ay sinagot na nito.

Give him a house, an apartment, or a luxury car. He deserves it.Tinuro ni Jordan ang balde ni Chris. This kid managed to catch thirteen fish all by himself.

Alright, pumili ka lang ng unit sa mga apartment na minamanage ni Chelsea. Just send me the bill later,ani Rage.

Namanghal naman si Klaire sa asawa, kahit na alam naman niyang kaya nitong ibigay ang lahat dahil sobrang yaman nito. Nakapadali nitong magbigay ng apartment nang hindi man lang tinatanong kung magkano iyon. Hindi pa rin talaga siya sanay sa kaluwagan sa pera ni Rage.

Ngayon ko lang naisiphindi pa ako binibigyan ni Rage ng kahit anong allowance. Dahil ba kompleto na ang pangangailangan ko, kaya hindi na niya ako binibigyan ng pera?

Hindi naman sa naghahangad siya ng kita ngayong asawa na siya ni Rage De Silva. Naisip niya lang na hindi nila napaguusapan ang tungkol sa pera.

Habang abala sina Rage, Chris, at Jordan sa paghahanda ng mga isda, kinuha ni Klaire ang kanyang phone para silipin ang laman ng kanyang savings account. Gusto sana niyang magshopping kasama si Charlie kapag may oras na siya.

Hindi naman nadagdagan. Pareho pa rin ang laman ng kanyang savings account noong huli niya itong tingnan.

Hmm. Buti pa si Chris, nagkaapartment. Samantalang ako, pinagsisilbihan ko siya nang libre,reklamo ni Klaire sa sarili, habang masamang nakatitig kay Rage.

Why do we have to do this?!Tumalon ang isdang hawak ni Rage at nahulog sa sahig. Ikaw na nga ang maglinis!

Pinaalis mo kasi ang lahat ng kasambahay kaninang umaga! Akala mo ba marunong akong maglinis ng isda? Hindi ko nga alam ang itsura ng kusina sa mansyon namin! Tsaka, hindi ako marunong gumamit ng kutsilyo. And you’re just my nephewinlaw. Hindi mo ako dapat inuutusan!

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)