Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 125

Klaire!sigaw ni Charlie sabay yakap sa kanya, tuwangtuwa na binisita niya ito. Pero agad ding nawala ang ngiti nang makita nito ang dalawang lalaking papalapit.

Sorry kung biglaan akong bumisita.Tinawagan lang kasi niya ito ilang minuto bago sila dumating. Buti na lang at wala namang ibang ginagawa si Charlie.

Alis na ba tayo? Sasama rin ba sila?Inirapan ni Charlie sina Rage at Chris, gusto sanang masolo ang bestfriend pero mukhang may mga istorbong sasama sa kanila.

Tumango naman si Klaire. Pero gusto ko munang kumustahin sina Tita.

Hindi na kailangan, Klaire. Nasa trabaho silang lahat. Nakapaghanda na rin naman ako. Tara na.

Ilang minuto lang ay nasa shopping center na sila. Hawak ni Charlie ang braso ni Klaire, hindi pinapayagang makalapit si Rage sa kanila.

Nasaan na na pala yung Uncle mo na dumalo sa kasal mo, bes?tanong ni Charlie, kumikislap ang mga mata.

Ah, hinatid na namin si Uncle Jordan bago kami dumaan sa inyo. Ba’t mo naman natanong?

Naku, ba’t di mo siya sinama? Ang gwapogwapo niya, Klaire.Napangisi si Charlie. Since hindi naman natuloy ang kasal niyo ni Lance, pwede tayong magkamaganak kapag pinakasalan ko ang Uncle mo.

Huh? Ayoko nga! Di ko yata kayang tawagin kang Titano! Sobra na nga yong pagtawag ko kay Mrs. Bonifacio na Ate, e. Ang awkward!

Nagpatuloy pa ang kuwentuhan ng dalawang babae habang nagshoshopping na para bang wala lang yung dalawang lalaking sunod nang sunod sa kanila.

Chris, mukhang bagay ka sa bestfriend ng asawa ko. She’s agentle and kind woman.Nagalinlangan pa si Rage bago sabihin ang mga yon. Subukan mo ngang ligawan siya.

Sa ngayon, hinayaan na ni Rage na magsama sina Klaire at Charlie. Pero ayaw niya talagang binabalewala lang habang nagsashopping ang mga ito.

Kung sakaling magdidate sina Chris at Charlie, wala na siyang magiging problema. Makakasama pa rin naman ni Klaire ang kaibigan niya, pero hindi na ganoon kadalas dahil may Chris na si Charlie.

Hindi pa po ako interesado sa pakikipagdate, Sir.

Napangiwi si Rage sa sagot nito. Hindi naman niya pwedeng panghimasukan ang personal na buhay ni Chris. Pero hindi ibig sabihin niyon ay susuko na siya.

You’re at the right age to get married. Hindi ka magkakaroon ng partner kung hindi ka lalapit sa mga babae.

Natuwa naman si Chris sa narinig. Kung ganoon pala ay pinapahalagaan din siya ng boss niya. Matagal na siyang nagtatrabaho sa mga De Silva, pero ngayon lang siya nito tinanong tungkol sa personal niyang buhay. At sigurado siyang nagsimula ang pagbabago sa kanyang boss nang pakasalan nito si Klaire.

Nagpatuloy ang usapan ng dalawang lalaki hanggang sa hindi sinasadyang nakapasok sila sa boutique na para sa

1/2

Kabanata 125

+25 BONUS

mga female underwears. Doon lang napansin ni Rage kung nasaan sila nang marinig ang mga tawanan nina

Klaire at Charlie.

Mr. De Silva, gusto mo bang pilian kami ng mga bagong underwear?asar ni Charlie. Sinadya talaga niyang dalhin si Klaire sa boutique na alam niyang hindi pupuntahan ni Rage.

Pero nagkamali siya. Nandoon na si Rage at walang pakialam kung ano’ng gular pa yon basta’t nakikita nito si Klaire. Talagang kailangan na lagi itong nasa tabi ng asawa.

Hindi tulad ni Chris na agad na lumayo dahil alam niyang bastos kung tititigan niya ang mga female underwears na bibilhin at susuutin ng asawa ng kanyang boss.

Why not?sagot naman ni Rage na nakasuot lamang ng simpleng tshirt at trousers. Mga damit na karaniwan niyang sinusuot sa mansyon. Naisip niya na wala namang makakakilala sa kanya doon.

Habang pumipili ng underwear sina Klaire at Charlie, may isang bagay na pumukaw ng atensyon ni Rage. Nilapitan niya ang mga lingerie na nakasabit sa stall at inisip na babagay ang mga yon kay Klaire.

Ni hindi na siya nagalinlangan pa’t sinabi sa saleslady na bibilhin niya ang lahat ng lingerie.

Lahat po?Tiningnan siya ng saleslady mula ulo hanggang paa, ignorante na ang lalaking nagyayabang sa kanyang harapan ay siya palang pinakamayamang tao at nagmamayari ng shopping center kung saan siya nagtatrabaho.

Are you deaf?!singhal ni Rage.

Nagulat ang babae sa pagiging bastos ng customer.

Respeto naman po, Sir!

Narinig iyon nina Klaire at Charlie kaya naman agad nilang nilapitan si Rage. Ganun din ang supervisor ng boutique na laging binabantayan ang mga empleyado.

Ano’ng nangyayari dito?

Kilala ng saleslady at ng supervisor ng boutique si Charlie bilang regular na customer. Nang mapagtanto ng saleslady na kaibigan pala ni Charlie ang lalaking bastos na gustong bilhin ang lahat ng lingerie, agad niyang naintindihan kung bakit ganoon ang asal ng lalaki sa kanya.

Kabanata 126

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)