+25 BONUS
Kabanata 126
“Gusto po ng lalaking ‘to na bilhin ang lahat ng lingerie dito, pero tinawag po niya akong bingi, Sir,” reklamo ng saleslady sa kanyang boss.
Mabilis na sinulyapan ni Rage ang name tag ng supervisor na mukhang nasa mid–50’s na.
“Liam, gusto kong bilhin ang lahat ng mga ito. Ayoko sa mga taong mabagal! Ayusin n’yo ang serbisyo n’yo!” mariing sabi ni Rage.
“Umalis na tayo. Baka pagtinginan pa tayo rito,” mahina ngunit mariing bulong ni Klaire.
Namutla si Liam habang nakatitig sa lalaking kaharap. Ilang saglit pa, nanlaki ang kanyang mga mata. “M–Mr. Rage De Silva! Diyos ko, patawarin n’yo po ang pagkakamali ng staff ko!” yumuko ito nang todo. “Ako na po mismo ang mag–aaasikaso sa inyo!”
Walang pasintabing itinulak ni Liam ang saleslady na nagpagalit kay Rage. Nanlaki naman ang mata ng saleslady, kitang–kita ang pagsisisi. Kung alam lang niya na si Rage De Silva pala iyon, sana’y nag–ayos siya nang husto para mapansin siya nito!
Sino nga bang nagsabi na nawawala na ang dating ng mga lalaking may asawa? Marami pa ring mga babaeng gustong maging pangalawang asawa o kahit kabit kapag si Rage De Silva na ang usapan.
“Bakit mo ba binili ang mga ‘yon?” tanong ni Klaire kahit sigurado siyang ipapasuot sa kanya ni Rage ang mga lingerie na iyon sa mga susunod na araw.
“To fill your closet. What else?”
Dahil sa announcement ni Liam sa group chat ng mga empleyado na naroon sa mall si Rage De Silva, at dumaan ito sa boutique nila, lahat ng ibang shop na madaan ng mga ito ay labis na pag–aasikaso ang natatanggap nila. Dahil doon ay napukaw ang atensyon ng ibang mga taong namimili roon.
Ang mga taong pa–simple lang na namimili kanina ay naiilang na sa malalagkit na titig ng mga gustong masilayan si Rage. Pero walang ni isa ang naglakas–loob na lumapit sa kanila.
Ang matikas at karismatikong lalaki, na may nakakatakot na presensya, ay tila hindi madaling lapitan.
Isang babae ang sinadyang banggain si Rage para makuha ang atensyon nito, ngunit malamig siyang tinitigan ng lalaki.
“S–sorry po…” Agad na tumakbo ang babae, takot na takot sa titig ni Rage na para bang gusto siya nitong tirisin.
Nagsimula namang mairita si Klaire. Kahit walang nagtatangkang akitin si Rage, kita naman niya ang mga sabik na mga mata ng mga babaeng sumusulyap sa asawa niya. Agad niyang hinawakan nang mahigpit ang braso ni Rage para sabihin sa lahat na sa kanya lang ang asawa niya.
Binitiwan naman ni Charlie ang braso ni Klaire at binagalan ang lakad hanggang sa makasabay niya si Chris. Sapat na ang oras na nakasama niya si Klaire. Binayaran na rin ni Rage ang lahat ng pinamili niya. Oras na para hayaan na niya ang mag–asawa.
“Uwi na tayo. Ayoko sa mataong lugar.”
Kabanata 126
+25 BONUS
Ang naunang plano ni Klaire ay bwisitin si Rage dahil hindi man lang siya nito binibigyan ng pera pang- shopping. Wala naman talaga siyang balak gumastos…
“Are you done shopping? Hindi pa nga umaabot ng isang daang milyon ang lahat ng pinamili n’yo ng bestfriend mo.” Nagtaas ng kilay si Rage sa gulat.
Hindi ba’t ang mga babae, laging bilyon–bilyon ang ginagastos sa isang araw? Tulad na lamang ni Kira. Yung sampung bilyong ninakaw nito mula sa project funds ay nawala lang agad.
“Sapat na ang mga nabili ko.‘
Mabilis na nagtungo sina Rage at Klaire papunta sa parking lot. Hinila naman ni Charlie si Chris para layuan ang
mag–asawa.
Habang binubuksan ni Rage ang likurang pinto ng sasakyan, may isang babae ring nagbukas ng pinto ng katabing kotse. Nagkatinginan sila ni Rage, at pagkaraan ng isang iglap, muling nagtagpo ang kanilang mga
mata.
Nasa may pinto pa si Klaire at nakita niya ang pagkagulat sa pagitan ng dalawa. Mas lalo siyang naguluhan nang mapansin niya ang kakaibang tingin ni Rage sa babae.
Isang batang babae ang biglang bumaba mula sa kotse ng babae.
“Mommy, ang tagal mong buksan ng pinto!”
Napatingin sina Klaire at Rage sa bata na may kulay itim na mga mata na halos kapareho ng kay Rage.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Klaire. May kutob siyang hindi maganda.
Sino sila?
At bakit kamukhang–kamukha ni Rage ang batang babae na ‘yon?

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)