“Rage,” mahinang tawag ni Klaire mula sa kabilang bahagi ng pinto ng kotse.
Naputol ang pagkakatulala ni Rage nang marinig ang boses ng asawa. Pagkatapos ay sumakay na siya sa sasakyan. Natanaw ni Klaire ang mangiyak–ngiyak na mga mata ng babae mula sa kabilang kotse na sinundan ng tingin si Rage.
“Uy, Klaire, gusto ko sanang kumain sa cafe na lagi nating pinupuntahan,” ani Charlie na kararating lang
kasama si Chris.
Maging si Chris, nagulat nang makita ang pamilyar na babae. Agad siyang tumingin kay Klaire, na tinititigan din siya.
‘Nakakapangduda… Sino ‘yung babae? Parang kilala siya ni Chris. Ngayon ko lang nakita si Chris na ganito ka- nerbyos at balisa,‘ naisip ni Klaire, unti–unting kinakabahan.
“Bes? Okay ka lang? Bakit ka natulala?” tanong ni Charlie at sinundan ang tinitingnan ni Klaire. “Sino ‘yon?”
“Hindi ko alam. Hindi ko siya kilala.” Pagkasabi niyon ay sumakay na si Klaire sa kotse.
Habang paalis na ang sasakyan nila mula sa parking lot, napansin ni Klaire na panakaw na sumusulyap ang babae sa sasakyan nila Rage. Samantala, pansin niyang hindi mapakali si Rage habang tinititigan niya ito nang may pagdududa.
Sino ba naman kasi ang hindi magdududa kapag nahuli mo ang sariling asawa na natulala sa isang babae na may kasamang bata na kahawig pa niya? Sigurado siya na kilala ni Rage ang babaeng ‘yon.
“Uh, sa susunod na lang tayo mag–dinner. Medyo pagod na ako ngayon.”
Gusto na lang ni Klaire umuwi para tanungin si Rage tungkol sa babaeng iyon.
“Okay. Oo nga pala! Nawala sa isip ko na buntis ka.”
Hinatid na lamang nila si Charlie pauwi. Sandali ring bumaba si Klaire para batiin ang mga Rivas. Nandoon din si
Lance.
Kakaiba dahil hindi rin nagpakita ng kahit anong inis si Rage nang yakapin ni Klaire si Lance. Malapit ito sa kanya, pero halatang nasa ibang lugar ang isip nito. Tila naiwan pa sa parking ng mall.
Kung tatanungin niya ito ng diretso, hindi naman ito aamin, ‘di ba? Mukhang may alam si Chris sa relasyon ni Rage at ng babaeng ‘yon. Siya na ba ang dapat niyang tanungin?
Tahimik ang biyahe nila pauwi sa bahay na gusto ng Mama niya. Pagkadating doon, agad na binuksan ni Chris ang pinto ng sasakyan para sa kanila. Balak na sana nitong umuwi agad, pero pinigilan ito ni Klaire.
“Gabi na. Dito ka na matulog,” sabi ni Klaire, sabay tingin kay Rage para hingiin ang permiso nito.
“Go home. May trabaho ka pa bukas ng umaga. Malayo masyado ang lugar na ‘to sa opisina.” Pagkasabi nito, dumiretso na si Rage sa loob ng bahay, hindi man lang hinawakan ang kamay niya gaya ng nakasanayan.
Ramdam na ramdam ni Klaire ang pagbabagong sa asawa. Nagsimula lamang ito matapos makita ni Rage ang
Kabanata 127
+25 BONUS
babae kanina.
Hinintay ni Klaire na makapasok si Rage sa loob. Pagkatapos ay kinatok niya ang bintana ng kotseng papaandarin na ni Chris.
Ibinaba ni Chris ang bintana. “Bakit po,
Ma’am?”
“Yung babae kanina sa parking ng mall…” Ayaw na niyang mag–aksaya ng oras. Gusto na niyang itanong bago pa bumalik si Rage para sunduin siya.
Nagbago ang ekspresyon ni Chris, halata ang kaba nito na agad niyang napansin.
“Sino po sa kanila, ma’am? Marami pong babae sa parking kanina,” palusot pa ni Chris.
Halatang hindi marunong magsinungaling ang lalaki. Nanginig pa ang labi nito habang nagsasalita at hindi mapakali ang mga mata.
“Hindi mo talaga kilala ‘yung babaeng tinutukoy ko?” Napabuntong–hininga si Klaire. Alam niyang wala siyang karapatang pilitin ang personal assistant ng asawa na magsabi ng buong katotohanan tungkol sa relasyon ni Rage at ng babaeng iyon. “Baka mali lang ang akala ko. Pero parang kilala mo at ni Rage ang babaeng may kasamang batang babaeng kahawig ni Rage,” dagdag pa niya.
Naubo si Chris, tila nabulunan sa sariling laway. Gulat na gulat sa sinabi niya. “A–a–ano pong ibig ninyong sabihin? Wala naman pong ibang babaeng kinahumalinga si Sir maliban sa iyo.
Naningkit ang mga mata ni Klaire.
“Sabihin mo sa akin, nagkaroon ba si Rage ng girlfriend dati? Saka paano mo nasasabi na wala siyang kinahumalingang iba noon, e hindi mo naman siya kasama bente–kwatro oras. Ni hindi mo rin alam kung ano ang naganap sa amin sa hotel noong gabing ‘yon. Gusto ko lang malaman, Chris. Magkakilala ba si Rage at ‘yong babaeng ‘yon?”
Pinagpawisan nang malalamig ang 32 year old na si Chris dahil sa sunod–sunod na sinabi ni Klaire. Lahat ng sinabi niya ay pawang totoo.
Dahil sa kaba, hindi na masyadong naintindihan ni Chris ang tanong ni Klaire, na lalo lamang nagpaalab ng hinala ng babae.
“Mas mabuti sigurong si Sir Rage na lang po ang tanungin niyo, Ma’am. Sigurado akong masasagot niya lahat ng tanong mo.”
“Pero, gusto kong-”
“Pasensya na po, Ma’am. Baka pagalitan ako ni Sir Rage kapag kinausap kita nang matagal. Pumasok na po kayo
sa loob.”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)