Wala siyang napala sa pagtatanong sa personal assistant ni Rage. Pumasok na lamang siya sa loob ng bahay at naghapunan kasama ang asawa, kinain ang mga pagkain na tinake–out nila pauwi.
“May singaw ka ba? Ang tahimik mo ngayon. Hindi mo pa ako kinakausap mula noong nasa parking lot tayo.”
Uminom muna ng tubig si Rage bago sumagot kay Klaire. Sinadya niyang bagalan ang bawat lagot, ayaw pang sagutin ang tanong ng asawa.
Sa tingin pa lang ni Klaire sa kanya magmula kanina, alam na ni Rage na pinaghihinalaan siya nito. Pero hindi niya puwedeng sabihin ang totoo tungkol sa relasyon niya sa babaeng ‘yon. At least, hindi pa ngayon…
“Really? Maybe I’m just tired. Ngayon lang ako nakapaglakad sa ganoong kalaking mall,” kalmadong sagot ni Rage. “You can take a shower first. I’ll wash these dirty dishes.”
Umakyat naman si Klaire, iniwan ang asawang hirap na hirap sa paghuhugas ng pinggan.
Nang makapasok si Rage sa kwarto, nakahanda na si Klaire para matulog. Medyo dismayado siya nang makitang hindi sinuot ng asawa ang mga lingerie na binili niya.
“Ayaw mo ba nung mga binili ko para sa ‘yo?” tanong ni Rage habang hinuhubad ang kanyang t–shirt.
“Gusto ko naman,” sagot ni Klaire pero walang emosyon sa tono nito.
Humiga si Rage sa kama at lumapit sa asawa. “Are you mad at me? May problema ba? Dahil ba ito sa baby natin?”
“Hindi ako galit sa’yo… bakit naman ako magagalit?” tugon ni Klaire, taliwas sa tono ang halatang inis na
mukha nito.
“Tell me everything that’s bothering you. ‘Di ba sabi ng doctor mo na huwag ka raw masyadong nag–iisip nang kung anu–ano.”
Hindi na nakapagpigil si Klaire at hinarap si Rage na nakasandal at nakatitig sa kanya. Dahil sinabi na rin naman nito na huwag masyadong magkimkim ng nararamdaman, pwes tatanungin na niya ito nang diretso.
“Yung babae kanina… bakit parang kilala mo siya?”
Mabilis ang tibok ng puso ni Klaire, umaasang namali lang ng tingin si Rage at hindi naman nito kilala ang babae … kahit na alam niyang malabong mangyari iyon.
“Babae? Si Charlie? Hindi ba’t ikaw ang nagpakilala sa’kin sa kanya?” Nagkunwari pa si Rage na hindi maintindihan ang tinatanong ng asawa.
“Fine.” Tinalikurang muli ni Klaire ang lalaki.
Nang makita ang simangot na mukha ni Klaire, nakaramdam ng inis si Rage. Kahit anong kilos ni Klaire, palagi siyang nadi–distract.
Humiga siya sa tabi ng asawa at niyakap ito mula sa likod. Dahan–dahan niyang hinaplos ang buhok nito para ilantad ang makinis nitong batok.
1/2
Kabanata 128
+25 BONUS
Dumampi ang mamasa–masang labi ni Rage sa batok ni Klaire habang ang mga kamay ay awtomatikong gumala sa katawan ng asawa.
Dahan–dahan namang tinanggal ni Klaire ang kamay ni Rage sa katawan niya, at niyakap na lang nang mahigpit ang unan na muntik nang mahulog.
“I’ll pay off what I owed you yesterday,” bulong ni Rage sa tainga niya pero hindi siya ginaganahan sa paglalambing nito.
“Pagod ako.”
Ngunit walang saysay ang pagtanggi niya. Wala siyang lakas para tutulan ang gusto ni Rage. Sa isang iglap, napaharap siya sa lalaki.
Palagi na lang siyang pinipilit ni Rage kahit ayaw niya! Ni hindi pa nga nito sinasagot ang mga tanong niya. Gusto niyang malaman ang totoo, pero tila nililihis nito ang usapan.
Bukod pa roon, hindi pa rin niya nakakalimutan na hindi siya binibigyan nito ng monthly allowance gaya ng ibang maybahay na may sariling pera o access sa income ng asawa para sa mga gastusin nila.
Hindi naman talaga kailangan ni Klaire ang yaman o kapangyarihan ni Rage. Pero sa pagtrato nito sa kanya, pakiramdam niya’y isa lang siyang parausan at taga–ire ng mga magiging anak ni Rage De Silva.
Sa pag–iisip niyon, hindi na namalayan ni Klaire na naglalandas na pala ang mga luha mula sa kanyang mata.
Ang isip ni Rage na puno ng pagnanasa ay biglang natauhan nang makita ang pagluha ng asawa.
“A–Ayaw mong makipag–sex sa akin, kaya ka umiiyak nang ganyan? Hmm?”
Napahagulgol si Klaire. Bakit parang siya pa ang sinisisi nito?
“Ang salbahe mo!” Hinampas niya ang dibdib nito. “Kahapon, ni ayaw mo akong hawakan dahil nagsasawa ka na sa akin. Ngayon naman, pinipilit mo akong makipag–sex sa iyo. Ni hindi mo nga pinapakinggan ang mga sinasabi ko!”
Napaupo si Rage. Akala niya ay ayaw nang magpahawak sa kanya ni Klaire kaya ito umiiyak at nagagalit.
“Fine. I won’t touch you,” sagot ni Rage, malamig ang tono.
Pinunasan ni Klaire ang luha gamit ang likod ng kanyang kamay. Tumayo siya at nagsimulang maghanap ng sapatos.
“Saan ka pupunta? Hindi na nga kita pipilitin. Halika, matulog ka na!” pagtataas ni Rage ng boses. Tumayo siya at pinigilan si Klaire sa pag–alis. “If you don’t want to be with me, then just sleep in here. Sa labas na lang ako matutulog!”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)