Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 129

Napailing na lamang si Klaire nang sundan ng tingin si Rage na lumabas ng kwarto. Parang sasabog sa sakit na nararamdaman ang kanyang puso dahil para bang ayaw siyang unawain nito.

Tinanong niya lang naman ang tungkol sa babaeng yon, pero hindi nito magawang magsabi nang totoo. Imbis na sagutin siya para mapanatag na ang puso’t isip niya, gusto pa nitong makipagsex sa kanya na para bang wala lang ang nararamdaman niya.

Masyadong makasarilinaisip niya.

Hindi niya ito pinigilan sa pagalis, bagay naman na lubos na ikinainis ni Rage. Dapat ay hinabol siya ni Klaire dahil asawa siya nito, di ba?

Siya na naman tong mapagbigay ngayon dahil hindi niya pinilit ang gusto kahit na may responsibilidad sa kanya si Klaire bilang asawa niya.

Sinadya niyang matulog sa sofa na nasa labas lang ng kwarto nila. Ni hindi niya isinara ang pinto para makita ni Klaire na hindi siya kumportableng doon. Baka sakaling maawa ito sa kanya at papasukin siya sa kwarto, at magkaayos na sila.

Pero baka sakali lang pala iyon.

Nahiga lamag si Klaire sa kama pero hindi pa rin natutulog.

Arghang sakit sa likoddaing ni Rage, gagalawgalaw sa sofa habang nakahiga.

Narinig iyon ni Klaire, pero nanatili pa rin siya sa kama. Kasalanan naman nito iyon dahil nagsisinungaling ito sa kanya!

Nakakainis!paulitulit na bulong ni Rage sa sarili.

Napaisip siya kung ano nga ba ang dahilan at biglang tinanggihan siya ni Klaire sa kama. Simula nang umuwi sila, nagiba na ang kilos nito.

Ano bang ikinainis nito? Dahil ba sa dami ng lingerie na binili niya para dito? Nahihiya lang kaya si Klaire na isuot ang mga iyon?

Inis na ginulo ni Rage ang kanyang buhok. Ang gusto lang niya mangyari ngayon ay yakapin si Klaire. Pakiramdam niya ay naging manyak na siya dahil hindi siya mapakali at gustunggusto ang katawan ng asawa.

Pero hindihindi yon totoo, tanggi niya sa isip.

Bigla niyang naalala ang paguusap nito at ni Charlie habang nagsashopping sila kanina.

Bakit kasama natin ang asawa mo, Klaire? Sa mga drama, ang mga mayayamang asawa, binibigyan lang ng unlimited credit card ang mga babae nila. Pero itong asawa mo, sunod nang sunod sa atin. Oo nga na siya ang gumagastos sa atin, pero di ba nakakainis pa rin? Women want to spend time with their girlfriends too, right?

Bagamat mahina ang pagkakasabi niyon ni Charlie ay hindi nakawala sa pandinig niya iyon. Napaisip tuloy siya sa sinabi nito. Pero kahit tama pa ito, hindi naman niya kayang bigyan ng unlimited card si Klaire dahil

Kabanata 129

245

+25 BONUS

Ah, nevermind!bulalas ni Rage, inayos ang posisyon niya para makatulog.

Saka na lang niya iisipin iyon.

Samantala, hindi pa rin makatulog si Klaire. Iniisip pa rin niya kung sino talaga ang babae. Kaya’t nagdesisyon siyang ilabas ang sama ng loob sa bestfriend niya. Buti na lang ay gising pa si Charlie at agad naman siyang nireplyan.

So, tingin mo ay may nakaraan ang babae na yon at si Rage? Sige, ako na ang bahala, bes. Matulog ka na. Buntis ka pa naman! Ayaw mo namang may mangyaring masama sa inyo ng baby mo di ba?

Tama si Charlie. Matapos makipagusap sa bestfriend niya, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

Ngunit paulitulit pa rin siyang binabagabag ng pagaalala at kaba

Nanginig si Klaire nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa kanyang balat. Bukas na bukas ang bintana ng kwarto, at nakapamaluktot si Rage sa tabi niya habang nakapikit.

Pagbangon niya ay dumilat ang mga mata nito.

Are you awake?

Hmm,matamlay niyang sagot.

Habang tinititigan ang kalmadong mukha ng asawa, mas lalong dumoble ang iritasyon niya. Mukhang masarap ang tulog ni Rage buong gabi. At bumalik talaga ito sa kwarto sa hindi malamang oras!

Galit ka pa rin ba sa akin? Tell me, what’s making you angry?Hindi na kaya ni Rage na hindi siya pinapansin

ni Klaire.

Nasabi at natanong na ni Klaire ang lahat kagabi. Ayaw na niyang ulitin pa ang mga yon dahil malamang, pareho lang din ang isasagot ni Rage.

Hindi ako galit.Pero malinaw na nakanguso ang labi ni Klaire, indikasyon na galit pa rin siya.

Sanay na sanay si Rage basahin ang ekspresyon ng asawa, ngunit hindi pa rin niya napapansin ang tunay na isyu ni Klaire sa mga sandaling iyon.

Tama na yanang dami mong drama. We’re not married for a year or two. Grow up a littleyou’ll be a mother soon, too.

Drama?Napabuntonghininga si Klaire at saka lumabas ng kwarto,

Klaire, I’m talking to you! Bumalik ka rito!

Kung siya pa rin ang dating Klaire, baka nangatog na siya sa sigaw ni Rage. Pero hindisa tagal na nilang magkasama, napawi na ang takot niya. Lalo pa’t nagsinungaling si Rage sa kanyana hindi niya kilala ang babae sa parking lot!

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)