Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 130

Magluluto ako! Kailangang kumain ng baby ko!baliksigaw niya.

Paulitulit na hinilamos ni Rage ang mga palad sa mukha nang bumaba si Klaire sa first floor. Sumagi na sa isip niya na bigyan ng unlimited credit card si Klaire, gaya nga nang nasabi ni Charlie, dahil sigurado siyang iyon ang nasa isip ng asawa niya ngayon.

This is all Charlie’s fault. Kailangan ko talaga limitahan ang pakikipagkita niya sa asawa ko.

Ang tanging nagawa ni Rage ay sisihin ang iba. Hindi naman kasi niya kayang sisihin ang sarili dahil may prinsipyo siyang pinakaiingatan.

Ang katahimikan ni Klaire buong maghapon ay tila parusang walang katapusan para kay Rage. Hindi ito ang honeymoon na inaasahan niya! Naiinis siya sa tuwing malamig ang tingin ni Klaire sa kanya kapag nagtatagpo ang mga mata nila.

Nang papalubog na ang araw, abala pa rin si Klaire sa kusina. Mula sa dikalayuan ay pinapanood siya ni Rage.

Klaire De Silva!singhal ni Rage, untiunti nang nauubusan ng pasensya.

Sumulyap lamang si Klaire, saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Buo ang desisyon niyang hindi pansinin si Rage hangga’t hindi nito sinasabi ang buong katotohanan.

Sige natalo na ako,bulong ni Rage sa sarili, sabay akyat sa taas para magbihis. Nang sa tingin niya’y ayos na ang itsura niya, bumaba siya patungong kusina.

Get ready. We’re going out for dinner,mariing utos ni Rage pero hindi siya pinansin ni Klaire. Ayaw mo ba akong samahan? Gusto mo bang tawagan ko si Theodore para samahan ka?

Sa sobrang inis ni Rage, binanggit na niya ang pangalan ng biyenan niya. Effective naman ito dahil tumigil si Klaire sa ginagawa at umakyat para magbihis.

Pinanood ni Rage ang pagalis ng asawa, saka tumingin sa magulong luto nito. Tinikman niya ito, at agad napangiwi nang tila nalunod ang dila niya sa alat.

Still the same as this morning.

Ilang saglit pa ay dahandahang bumaba si Klaire mula sa hagdan. Nang masilayan ni Rage ang ganda ng asawa, napalunok siya.

Pinangako ni Rage sa sarili na magkakaayos sila sa gabing yon. Hindi na niya kayang magpalipas pa ng isa gabi nang hindi nayayakap si Klaire.

pang

Ngunit kahit ganoon, nanatili ang dignidad niya. Hindi siya yung tipong naghahabol sa babae. Ang mga babae dapat ang maunang mahulog sa kanya. Hindi siya pwedeng maging obvious na sabik na sabik na siya kay Klaire.

I haven’t driven a car myself in a long time. Dapat matuwa ka na ako mismo ang magmamaneho ng sasakyan,sabi ni Rage.

Edi salamat.

Kabanata 130

+25 BONUS

Bagamat mabagal ang biyahe, nakarating din sila sa harap ng mamahaling restaurant na pagmamayari ng mga De Silva na hindi pa napupuntahan ni Klaire noon.

Maayos ang kilos ni Rage, binuksan niya ang pinto ng sasakyan para kay Klaire, saka iniabot ang kamay nito upang tulungan ito.

Tinanggap ni Klaire ang paglilingkod ng asawa dahil nasa pampublikong lugar sila. Si Rage, na hindi alam ang totoo niyang nararamdaman, ay inakalang panalo na siya.

Dahil mukhang masaya si Klaire ay sinulyapan ni Rage ang doorman nang masama, tila pinipigilang buksan ang pinto. Nanlaki ang mata ng lalaki at hindi gumalaw, takot sa matalim na titig ni Rage.

Binuksan ni Rage ang pinto para kay Klaire. Mauuna ka na, Mrs. De Silva.

Pagpasok ni Klaire, bahagyang tumagilid ang ulo ni Rage. Bakit parang nagiging alipin na ako? This isn’t how it should be!

Pero tila taliwas ang naiisip niya sa ginagawa niya. Masaya niyang sinundan si Klaire na parang isang tuta na kumukuwagkuwag pa ang buntot.

Nang balingan siya ng tingin ni Klaire ay bumalik siya sa pagiging seryoso.

What would you like to eat?

Umikot naman ang mga mata ni Klaire sa paligid ng restaurant. Walang ibang tao roon maliban sa kanilang dalawa.

Tumingin si Rage sa asawa, saka yumuko sa hawak na menu. No one’s coming. There’s no need to look for anyone else.

Malay ko ba? Oo nga’t sa mga De Silva ang restaurant na to, pero hindi ko naman alam kung sino sa mga De Silva talaga ang nagmamayari,sarkastikong sambit ni Klaire.

Hindi na sinagot pa ni Rage ang asawa. Sa halip, kinausap niya ang waiter at umorder ng lahat ng bestseller dishes.

Mas lalo lamang tuloy nainis si Klaire sa inasal ng lalaki.

Pagkaalis ng waiter, wala pang limang minuto ay bumalik ito dala ang isang pinggan na may takip. Maingat nitong inilapag ang pagkain sa harapan niya.

Ang bilis naman?

Pinaalis ni Rage ang waiter gamit lamang ang isang tingin, saka tumingin kay Klaire.

Open it. It’s a special dish just for you.

Binuksan ni Klaire ang takip. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang bagay doon na hindi niya

inaasahan.

Nang makita ni Rage ang pagkagulat ni Klaire, labis siyang natuwa. Sigurado siyang ngingitian na ulit siya ng asawa pagkatapos nito.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)