Kabanata 131
+25 BONUS
Kabanata 131
Siguradong–sigurado si Rage na ito ang gusto ni Klaire. Isang unlimited black card na magagamit nito anumang oras at saan man niya gustuhin.
Baka naimpluwensyahan si Klaire ng mga sinabi ni Charlie kaya nagalit ito sa kanya, dahil iniisip niyo na hindi siya tinatrato nang maayos ng kanyang asawa. Pinili ni Rage na isantabi ang mga prinsipyo at sariling pangamba para lamang muling makita ang ngiti ni Klaire.
Isa pa, si Klaire pa rin naman ang magiging ina ng kanyang anak. Hindi na niya kailangang matakot sa mga alaala ng nakaraan na paminsan–minsan ay bumabalik sa kanya. Alam din niya na hinding–hindi siya pagtataksilan ni Klaire gayong binigyan na niya ito ng maliit na kayamanan.
Pero mali ang akala ni Rage. Ni hindi man lang natuwa si Klaire. Ni hindi ito ngumiti. Sa halip, nanatiling gulat at nakakunot–noo ang kanyang asawa.
“Don’t you like it?” Hindi na niya alam kung ano pa ang gusto ng asawa kung hindi nito nagustuhan ang black credit card.
“Para saan ‘to?” balik–tanong ni Klaire.
“Of course, para mapasaya ka. Hindi ba’t ‘yan ang gusto mo? You can travel and shop all you want with your bestfriend.”
Matabang na napangiti si Klaire, hindi makapaniwala. Akala ba ni Rage, lahat ng problema ay masosolusyunan lang ng pera? Isa pa… hindi niya nagugustuhan ang tono ng pananalita nito, na para bang uhaw na uhaw siya sa pera nito.
Hindi niya itatanggi na napaisip siya tungkol sa monthly grocery allowance nila. Pero ang isyu nila ngayon ay hindi tungkol doon, kundi sa kasinungalingang sinabi ni Rage tungkol sa babaeng nakita nila sa parking lot.
Hindi ba’t matalino at edukadong tao naman si Rage? Bakit hindi nito mapagtanto ang totoong problema?
Mas lalo lamang lumalim ang misunderstanding nila dahil nagsisimula nang maghinala si Klaire. Binibigay ba ni Rage ang black credit card na ‘to sa kanya para buyuin siyang mag–travel at mag–shopping kasama si Charlie …? Upang palihim nitong kitain ang babaeng ‘yon?
“Hindi ko ‘yan kailangan. Hindi ba sabi mo noon na sasamahan mo na lang ako kung gusto ko mag–shopping?”
Napataas naman ang kilay ni Rage, lalong nalito sa tunay na gusto ng asawa. Kung hindi ang unlimited credit card, e ano?
Sanay si Rage sa pag–oobserba ng tao. Mas gusto niyang mag–observe, mag–ipon ng datos, at saka magbigay ng konklusyon.
Pero ngayon, hindi niya talaga maintindihan ang puso ng asawa niya. Nalilito na siya sa mga kinikilos at inaasal
nito.
Samantala, nanahimik na lamang si Klaire pagkatapos na magsalita kagaya nang palagi niyang ginagawa noon sa Papa niya. Ayaw niyang maging paulit–ulit sa mga taong hindi naman siya pinapakinggan.
“You can take it. Sasamahan pa rin kita kung gusto mong sumama ako sa ‘yo.” Pagkasabi niyon, pumasok sa isip
1/2
Kabanata 131
+25 BONUS
ni Rage ang isa pang posibilidad.
Baka naman… kaya ayaw ni Klaire tanggapin ang credit card ay dahil gusto nitong mag–PDA sa harap ng maraming tao? Katulad na lang kahapon?
Bakit nga ba ‘di niya naisip ‘yon? Ang cute talaga ng asawa niya. Unti–unti na ‘tong nai–inlove sa kanya at gusto siyang makasama palagi.
Bago pa man makasagot si Klaire, dumating na ang mga waiter dala ang pagkain nila. Kumain sila nang tahimik, walang kahit anong usapan na maaaring humantong sa mahabang diskusyonan.
Sanay na sa tahimik na hapunan ang mga De Silva. At si Klaire, unti–unti na ring nasasanay sa gano’n.
“Eat a lot.” Inabot ni Rage kay Klaire ang isang piraso ng karne.
Medyo naantig si Klaire sa pag–aasikaso ng asawa sa kanya. Alam niyang hindi nito nae–enjoy ang mga lutong bahay niya, na hindi naman talaga lasang totoong pagkain. Pero kahit ganoon, kinakain pa rin ni Rage ang mga luto niya nang walang reklamo. At ngayon, kaunti lang ang kinain nito dahil lahat ng masarap at masustansyang laman ng plato nito ay inilaan nito para sa kanya.
“Hindi ka mabubusog kung ililipat mo lahat sa plato ko.”
“Ang mahalaga, masaya ang asawa at anak ko.” Bahagyang ngumiti si Rage sa kanya bago bumalik sa pagkain.
Bihira para sa kanya na makita ang ngiting ‘yon ni Rage, kaya naman hindi niya mapigilan na mapawi ang kaba at hinala ng puso niya. Ramdam niya ang munting saya sa kanyang dibdib.
“Narinig ko na may piyesta raw bukas sa bayan. Isang linggo raw ‘yon. Gusto mong pumunta? Pwede tayong tumuloy doon ng ilang araw.”
Tumango lamang siya habang nakayuko, itinatago ang ngiti. Ngayon lang siya niyayang lumabas ni Rage mula nang magsama sila… hindi lang basta–bastang pagsi–sex sa kama, kundi ang page–enjoy kagaya ng normal na
mag–asawa.
Naramdaman naman ni Rage ang paggaan ng kanyang dibdib nang mapansin ang ngiti ni Klaire. Mukhang natutuwa ito simpleng date, isang bagay na hindi niya kailanman naisip noon. Buti na lang at nakita niya ang advertisement tungkol sa piyesta bago sila umalis.
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)