Kabanata 132
Pagpasok nila kanina sa restaurant, halatang parehong masama ang loob nnila Pero paglabas nila, magkahawak -kamay na silang dalawa, at naglalambingan.
Pinanood sila ng mga staff ng restaurant, proud na proud pa ang mga ito dahil napasaya nila ang mayamang mag
-asawa.
Nang makauwi, bukang bibig pa rin ni Rage ang piyesta. Nakikinig naman si Klaire nang mabuti at paminsan- minsan ay nagtatanong.
“Alam mo ba kung bakit tinawag na Panagbenga ang piyesta bukas?” Umiling si Klaire kaya nagpatuloy si Rage, “It’s to showcase the beautiful flowers in that city. Parte na ng cultural heritage ng mga lokal doon.”
“Parang ang exciting nga panoorin ang mga naggagandahang bulaklak…”
“I know it will be fun,” ani Rage sabay halik sa noo ni Klaire. “Tulog na tayo. Maaga tayong aalis bukas para marami tayong makitang mga magagandang bulaklak. But the most beautiful and wet flower I’ve ever seen is—”
‘Ang bulaklak mo…‘ dugtong ni Rage sa isip niya na kamuntikan na niyang masabi.
Naghintay naman si Klaire sa karugtong ng sasabihin ni Rage, pero wala na itong sinabi kaya’t hindi siya nakatiis at nagtanong, “Anong flower ‘yon?”
“Nothing!” Kunwari’y wala lang ‘yon kay Rage. “Just sleep. Close your eyes.”
Niyakap lang ni Rage ang asawa.
Napapangiti naman si Klaire sa bisig nito. Sa isip niya, hindi lang pala katawan niya ang gusto nito sa kanya. Pero makalipas lang ang wala pang limang minuto, may naramdaman si Klaire sa kanyang hita. Isang bagay na unti–unting tumitigas.
“Hindi mo naman kailangang pigilan ang sarili mo kung gusto mo talaga,” bulong ni Klaire habang marahang hinahaplos ang buhok ni Rage.
“No… gusto lang kitang yakapin ngayong gabi.” Kahit ganoon ang sinabi ni Rage, iba naman ang sinasabi ng katawan nito.
Nang makitang pilit talagang nagtitimpi si Rage, ay sinubukan ni Klaire na asarin ito. Ipinatong niya ang isang binti sa pagitan ng mga hita ng asawa at marahang gumalaw.
“Ugh… gusto ko lang talagang matulog nang kayakap ka,” ulit ni Rage sa sarili, pinipilit ang sarili, habang mariing nakapikit.
Tahimik na ngumiti si Klaire. Itinaas niya ang kanyang tuhod at sinimulang igalaw ito nang dahan–dahan, diretso sa pagkalalaki ni Rage.
“Shit,” bulong ni Rage, napamura at mariing sinara ang kamao hanggang lumitaw ang mga ugat sa kanyang braso. Mabilis ang kanyang paghinga, huminto lang nang magsalitang muli si Klaire. 1
“Ayaw mo ba talaga?” alok ni Klaire sa malambing na tinig.
1/2
Kabanata 132
+25 BONUS
Napadilat ng mga mata si Rage nang mahimigan na gusto rin ni Klaire na may mangyari sa kanila. At ang pinakaimportante, hindi na niya kailangang pilitin pa ito. Ayaw na niya kasing muli siyang tanggihan nito at umiyak pa ito sa harapan niya.
“Gusto mo?”
Nahihiya namang tumango si Klaire.
“Fine. I’ll give it to you,” kaswal na sabi ni Rage. “Huwag ka nang hihirit ng bonus, ha. Kailangan nating magpahinga para hindi mapagod sa biyahe bukas ng umaga.
))
“Ikaw kaya ‘yung madalas na humirit–mmmph…” Mabilis na pinatahimik ni Rage ang mga labi ni Klaire sa pamamagitan ng isang banayad at maikling halik.
Nagkatitigan sila pagkatapos ng halik na ‘yon, para bang binabasa ang laman ng isip ng isa’t isa. Marahang hinaplos ni Rage ang pisngi ng asawa at kinintilan ng halik ang noo nito.
Marahang hinaplos ni Klaire ang dibdib ni Rage, saka unti–unting ibinaba ang kamay upang hilahin pataas ang suot ng asawa hanggang tuluyan niya itong natanggal. Patuloy ang paggalaw ng tingin niya pababa sa katawan ni Rage, dahilan upang lalo itong mainip. Gayunman, hindi nagpadalos–dalos si Rage–ayaw niyang mawala muli ang pagnanasa ni Klaire sa kanya, gaya ng nangyari kahapon.
“Pwede mo namang utusan sina Chris na mag–drive,” biglang sambit ni Klaire.
“Hindi na… agh…” Mabilis na napapikit si Rage nang maramdaman ang kamay ni Klaire na dumulas papasok sa kanyang pantalon. “I just want… to spend time alone with you.”
Magkaibang sensasyon ang naranasan ng dalawa nang gabing iyon. Naghalikan sila habang nag–uusap ng patungkol sa kung anu–anong bagay. Paminsan–minsan ay nagtatawanan pa sila habang banayad na gumagalaw si Rage sa itaas ni Klaire.
“Huwag… kang mag–iisip ng ibang babae,” pakiusap ni Klaire, nababalutan ng pagnanasa ang mukha.
Biglang huminto si Rage sa kanyang paggalaw. Aamin na ba si Klaire ng damdamin nito sa kanya?
“Why?” tanong ni Rage, na ngayo’y mas sabik pang marinig ang sagot ni Klaire kaysa mailabas ang kanyang mga likido.
“Tapusin muna natin ‘to…”
Dahil sa muling pagsiklab ng init ng katawan, mabilis at malalalim ang mga sunod na ulos ni Rage. Napasigaw si Klaire at sabay silang napaungol, narating ang rurok ng kaligayahan,
“Now tell me… bakit hindi ako… pwedeng mag–isip ng ibang babae?” Kahit hinihingal pa, gusto pa ring marinig ni Rage ang kumpirmasyon ng damdamin ni Klaire. “Quick… tell me…”
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)