Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 133

Kabanata 133

May kabang titigan ni Klaire ang mukha ng lalaking nasa ibabaw niya. Mabilis ang paghinga ni Rage, halatang sabik na marinig ang sasabihin niya.

KKasi

Kasi ano?ani Rage na may halong pagkainip.

Lalong tuloy ninerbiyos si Klaire. Ano ba ang gustong marinig ng asawa? Magagalit ba ito, o madidismaya kapag mali ang sinabi niya?

Kasiasawa mo akoat ayaw kong nagiisip ng ibang babae ang husband ko.Sa wakas, nasabi na rin niya ang gustong sabihin.

Nawalan ng sigla ang kanina’y nagniningning na mga mata ni Rage. Bumaba ang sulok ng labi nito, at tila bumagsak ang balikat. Tumagilid na lamang ito at niyakap siya nang hindi nagsasalita.

Mali ba ang sinabi ko? Bakit parang nadismaya siya? Ano ba talaga ang gusto niyang marinig?

Hindi maintindihan ni Klaire kung ano ang gustong marinig ni Rage, at ayaw na rin niyang tanungin. Ano pa bang gusto nito kung nasa mga kamay na nito ang lahat?

Hindi pa rin siya mapakali dahil naririnig niya ang paulitulit na malalim na buntonghininga ni Rage. At tila ba sinasadya pa nito iyon upang marinig niya.

Pagod ka na ba?”

Muling bumuntonghininga si Rage. Hindi. Matulog ka na

Perohindi mo pa ako sinasagotaniya nang may pagaatubili.

Sasagutin ang alin? Wala ka namang tinanong. Isn’t it obvious that I won’t think about other women? Just one makes me dizzy.

Hindi na pinansin ni Klaire ang reklamo ni Rage. Parang nasanay na siya sa ganoong pananalita ng lalaki. Maliban na lang sa mga pagkakataong bigla siyang nagiging sensitive, kahit wala namang malisya sa sinasabi ng asawa. O baka dahil din sa nakuha na niya ang gusto niya mula kay Rage kaya ayaw na niyang kumontra pa.

Samantala, nakadilat pa rin si Rage, bahagyang namumungay ang mga mata sa antok. Naghihintay pa rin siya kung may sasabihin pa si Klaire, dahil alam niyang hindi pa ito tulog.

Paano ba mapapaamin ang babae sa tunay nitong nararamdaman? Mukhang kailangan niyang utusan si Chris bukas para magresearch tungkol sa mga babae.

***

Bago pa man sumikat ang araw, naghanda na sina Klaire at Rage para bumiyahe patungong Baguio na halos apat na oras ang layo. Dahil hindi sanay si Rage na siya lang ang nagmamaneho, mabagal siyang nagpatakbo.

Isama kaya natin si Uncle Jordan?suhestiyon bigla ni Klaire. Kawawa naman si Unclemagisa lang siya sa tinutuluyan niya at wala namang ginagawa.

1/2

Kabanata 133

+25 BONUS

We’re on our honeymoon. Hindi matutuwa si JordanI mean Uncle Jordan, kung maririnig niya ang malalakas mong ungol. Hahanapan mo ba siya ng babae kapag ginusto rin niyang gawin ang ginagawa natin?

Nagmistulang kamatis ang mukha ni Klaire nang maaalala ang mga nangyari kagabi. Napakabanayad ng pagtrato ni Rage sa kanya, kabaligtaran ng mga nagdaang gabi. Dahil dito, halos nakalimutan na niya ang babaeng kahinahinala na kinabahala niya buong araw.

Dagdag pa ni Rage, At saka, hindi naman tambay lang si Uncle Jordan. May ginagawa siyang project. Kakastart lang din ng collaboration niya sa kumpanya.

Kahit nasa bakasyon, tutok pa rin si Rage sa mga trabaho. Lihim na humanga si Klaire sa asawa. Totoo ngang hindi yumayaman ang taong patambaytambay lang.

Sigehindi ko na iintindihin si Uncle,sagot ni Klaire, namumula pa rin dahil sa mga sinabi ni Rage.

Paminsanminsan, sumusulyap si Rage kay Klaire na nakaupo sa tabi niya. Napapangiti siya sa mga ekspresyon ni Klaire, bagay na lagi na niyang nakakagiliwan.

Tell me if you’re tired or hungry. We can find a hotel to rest for a while.

Ilang oras lang naman ang biyahe. Sayang ang pera kung maghahanap pa tayo ng hotel.

Siyempre, sinuggest iyon ni Rage para sana makapaglampungan silang muli. Isang beses lang kasi silang nagtalik kagabi.

Hindi na humiling pa si Rage dahil ayaw niyang mapagod si Klaire sa biyahe. Kahit pa halos hindi siya mapakali buong gabi, tiniis niya iyon alangalang sa pangako niya.

Marunong ka bang magdrive?tanong bigla ni Rage.

Oo, pero bihira lang akong magmaneho.

Biglang naisip ni Rage na turuan si Klaire magmaneho. Upang sa gano’n, pwede itong maupo sa kandungan niya buong biyahe. Siguradong mas masaya iyonpara kay sa kanya, siyempre.

Pwede kitang turuan para mas gumaling ka, kung gusto mo. Habang nasa tahimik tayong kalsada,alok ni Rage, hindi pa rin sumusuko sa kanyang magagandang pantasya.

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)