Kabanata 134
“Hindi na kailangan. Magaling naman akong magmaneho kahit walang kotse.”
“I’ll buy you one later.”
“Hindi… hindi ‘yan ang ibig kong sabihin! Hindi mo na ako kailangang ng kotse,” mabilis na tanggi ni Klaire.
Naalala lang ni Klaire noong panahong nakatira pa siya sa mansyon ng mga Limson. Hindi siya pinapayagang mag–drive ni Theodore, kahit pa maraming kotse sa garahe na hindi naman ginagamit. Sa katunayan, ni minsan ay hindi siya binilhan ng kotse, samantalang si Kira ay dalawang beses pang binilhan ng ama niya.
Siyempre, si Klaire mismo ang unang humiling kay Theodore noon para mapalapit ang biyahe niya papunta sa university, at dahil na rin sa hindi siya ginagalang ng mga driver sa mansyong iyon. Hindi na lang siya nag–abala pang pakiusapan silang ihatid siya.
Noong mga panahong iyon, tuwang–tuwa siya nang makita ang bagong sasakyan na gusto niya. Pero napakagat na lang niya ang dila nang iabot ng ama niya ang susi ng kotse kay Kira.
Alam ni Theodore na gusto iyon ni Klaire, pero ang sabi lang nito, “Wag kang makasarili! Ikaw na ang magparaya sa kapatid mo.”
Lagi na lang gano’n.
‘Bakit ko ba binabalikan pa ‘yon?‘
Pumikit–pikit si Klaire para mapawi ang alaala sa isipan.
“Huwag mo akong bilhan ng kotse.”
Kahit tinanggihan niya si Rage, alam niyang bibilhan pa rin siya nito balang araw.
“Are you worried that I’ll become poor just by buying a car, or because you won’t accept my gift?”
“Wala sa dalawa. Mas gusto ko ng may driver. Tsaka, hindi mo naman ako pinapalabas ng bahay nang mag–isa, ‘ di ba?”
Hindi nakaimik si Rage dahil tama naman ang lahat ng sinabi ni Klaire.
Makaraan ang kalahating oras, maririnig na ang mahinahon at kalmadong paghinga ng natutulog na si Klaire. Paminsan–minsan ay sinusuportahan ni Rage ang ulo nito sa tuwing nauuga ito sa konting kibot ng sasakyan. Pagdating nila sa destinasyon, halos manhid na ang mga kamay niya.
“Wake up… nandito na tayo.” Marahang hinaplos ni Rage ang mga labi ni Klaire gamit ang hinlalaki.
Napasinghap si Klaire nang mamalayang nakarating na sila sa lugar,
“Hala! Dapat ay sinamahan kita sa pagmamaneho, pero nakatulog naman ako,”
“Ayos lang. Mas mabuting tulog ka habang nasa biyahe. You won’t disturb my concentration.”
Akala ni Klaire, ayaw ni Rage ng kinakausap habang nagmamaneho. Pero iba pala ang ibig sabihin nito.
1/2
Kabanata 134
+25 BONUS
Tuwing bumubuka ang bibig ni Klaire, at tuwing naririnig niya ang boses ng babae, palagi siyang natutuksong huminto sa isa sa mga hotel na nadadaanan nila.
Pagka–park ng sasakyan, nagtungo na ang dalawa sa hotel na nireserve nila. Dahil hindi lungsod na moderno ang napuntahan nila, wala ritong matataas o engrandeng buildings. Mas maraming bahay na may klasikong at tradisyonal na disenyo.
Mas marami ring taong naglalakad. Ipinarada nila ang kotse sa medyo malayong parking lot dahil bawal ang sasakyan sa daanang konektado sa hotel.
“Ang lamig ng hangin dito.” Iniunat ni Klaire ang mga braso pataas, sinusubukang sumagap ng maraming hangin.
“Walang polusyon dito. Malamig kapag gabi kahit na summer ngayon.” Sa gano’ng paraan, pwede siyang yakapin ni Klaire buong gabi. Palihim siyang napapangiti tuwing naiisip niya ang planong ito.
“Nakapunta ka na ba rito dati?”
Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Rage. “Yes. Bakit mo naitanong?”
Nagtaka si Klaire at kunot–noo siyang tiningnan. Biglang nag–iba ang ekspresyon ni Rage.
“May negosyo ba ang mga De Silva dito?” tanong ni Klaire.
“No. We can go anywhere freely without reporters following us or the noise of people recognizing us. Tahimik ang mga tao rito at hindi interesado sa buhay sa ibang siyudad. Makikita mo rin mamaya ang lifestyle nila dito.”
“Parang kabisado mo ang lugar na ‘to, ah.” Ewan ni Klaire, pero may kakaiba siyang kutob.
“I have a friend who’s from this city.” Halatang ayaw na ni Rage sa direksyon ng usapan nila.
Kaibigan? Kailan pa nagkaroon ng kaibigan si Rage? May kaibigan pala ‘tong hindi niya kilala?
Hindi na napigilan ni Klaire ang kuryusidad. “Lalaki ba?”
“Babae,” sagot ni Rage, sabay iwas ng tingin.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)