Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 135

Kaibigang babae? Nakarelasyon ba siya ni Rage? Hindi mapigilan ni Klaire ang magtanong sa isip niya.

Nandito na lang din naman tayo, bakit hindi natin dalawin ang friend mo na yon?Gusto niyang makilala angkaibiganna yon ng asawa at alamin kung ano ba talaga ang relasyon nila.

Simula noong kahinahinalang pangyayari sa parking lot, hindi niya mapigilang magalala sa tuwing nagbabanggit si Rage ng tungkol sa ibang babae. Kahit pa natanong na niya ito, hindi pa rin niya maiwasang maghinala kahit wala naman siyang ebidensya.

Bakit pa natin siya kailangang bisitahin? I just want to spend time with you. Besides, hindi rin naman kami gano’n kaclose,tanggi ni Rage at nagiwas ng tingin.

Kasasabi lang ni Rage na marami siyang alam sa lugar na yon dahil may mga kaibigan siya roon. Pero ngayon, sinasabi nitong hindi raw ito close sa babaeng kaibigan nito?

Naningkit ang mga mata ni Klaire, puno ng hinala. Kung wala namang relasyon si Rage at ang babaeng iyon, bakit ayaw nitong bisitahin nila ang babae?

Ano’ng iniisip mo, at ganyan ka makatingin sa’kin?Basangbasa ni Rage ang ekspresyon ni Klaire. Huwag ka nang masyadong magisipisip. Wala akong iisiping ibang babae, tulad ng sinabi ko kagabi.

Wala naman akong iniisip!katwiran pa ni Klaire. Naisip ko lang na kung close mo siya, e di sana may libre tayong tour guide ngayong festival. Atbaka gusto mo ring makita ulit ang kaibigan moNapanguso siya.

Bakit ba palaging nalalaman ni Rage ang iniisip niya, samantalang hindi man lang nito naisip man kung gaano siya kacurious sa babaeng nakasabayan nila sa parking lot. Nabuhay tuloy ang inis sa dibdib niya nang maalala iyon.

Hindi rin maintindihan ni Klaire kung bakit siya biglang nagagalit. Hindi siya mapalagay kapag naiisip niya ang mga babaeng konektado kay Rage.

Ang totoo, medyo nababahala siya sa pagbabagong pinapakita ng asawa.

Noon, kaya niyang tiisin ang anumang pangaapi mula sa sarili niyang pamilya. Pero pagdating kay Rage, hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba tuwing may ibang babae sa paligid nito. Kahit pa mga babaeng iyon ay bahagi lang ng nakaraan at wala nang halaga kay Rage ngayon.

Hindi mo kailangang magselos. Nakakapagod lang yan. Maraming babae ang gustong maging partner ko. Magseselos ka ba sa lahat ng yon? Baka mamaya, kalabanin mo na lahat ng kababaihan sa buong bansa.Nagkibitbalikat si Rage.

Inalis ni Klaire ang mga kamay niya sa braso ni Rage. Ang yabang mo ha. Sinong nagsabing nagseselos ako?! Tingnan mo nga, lahat ng babae rito, ni isa walang tumingin sa’yo!Inilabas niya ang dila niya at tumakbong papunta sa hotel na tanaw na nila.

Natawa lamang si Rage at umiling. Silly bratsaka niya sinundan ang pasaway na asawa.

I already told you that this city is different from other cities. Kung may mga taong nagtatrabaho sa Manila, malamang ay makikila nila ang mukha kong to.Hinawakan ni Rage ang kamay niya. “Just be prepared.

1/2

Kabanata 135

+25 BONUS

Masyadong kilala ang hotel natin. Wag ka magselos kung maraming babae ang titingin at lalandiin ako.

Ngunit ang receptionist ng hotel ay tila walang pakialam sa pagkatao ni Rage. Kahit pa may iilan na nakakilala sa kanya, mukhang hindi interesado ang mga tao sa mga dayuhang hindi naman tagaroon.

Bumungisngis si Klaire nang alisin ni Rage ang suot na salamin, pagpapakita ng mukha niya. Pero nanatiling pormal ang receptionist.

Wala nga sabing ni isa sa mga babae ang interesado sa’yo dito,bulong ni Klaire, nagaasar.

Di ba yan naman ang gusto mo? You’re happy, right? Wala kang ibang babaeng pagseselosan,tugon ni Rage.

Hindi nga ako nagseselos!

Bagama’t hindi halata, iniisip ni Klaire ang mga sinabi ni Rage. Nagseselos nga ba talaga siya? Nahulog na ba talaga ang loob niya kay Rage? O epekto lang ba ito ng pregnancy hormones niya?

Hindi niya alamHindi sigurado si Klaire sa nararamdaman niya. Ang malinaw lang ay palagi siyang masaya kapag kasama niya ang asawa niya.

Nagtatawanan pa sila nang makapasok sa hotel room. Pagkasara ng pinto, agad na binuhat ni Rage si Klaire na parang koala.

Ahhh! Wag mo nga akong ginugulat!sigaw ni Klaire, sabay yakap sa leeg ni Rage para hindi mahulog.

Perpekto ang ambiance ng hotel room para kay Rage. Ang mga muwebles at dekorasyon ay classic at elegante, pero ang mga kagamitan ay moderno at hightech.

Sa wakas, magkakaroon na sila ng tunay na honeymoon ni Klaire!

Binuhat ni Rage si Klaire papunta sa bintana, at mula roon ay tanaw nila ang napakagandang tanawin sa likod ng hotel. Hindi iyon makikita mula sa harapan dahil may katabing building.

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)