“I’m sorry. Hindi ko naman ginustong pagtaksilan ka. Please, give me a chance to make it up to you,” pakiusap ni Monique sa nagmamakaawa nitong mga mata.
Saglit lang na binalingan ng tingin ang babae. Gusto niyang matawa sa mga sinabi nito.
Nang biglang mawala nang walang paalam si Monique noon, agad niya itong hinanap. Hindi siya mapalagay at gustong malaman kung bakit bigla na lang nawala na parang bula si Monique sa buhay niya.
Naging miserable si Rage noon. Pero nang malaman ang tunay na dahilan ng pagkawala nito, doon nagsimulang umusbong ang poot niya para sa babae.
Batay sa mga nakalap niyang impormasyon, matagal nang may nangyayari kay Monique at sa pinsan niyang si Nikolas nang hindi niya alam. Galit na galit si Rage siya nang malaman ‘yon, kaya agad niyang hinanap si Nikolas. Pero, kagaya ni Monique ay bigla rin itong naglaho.
Syempre, nahanap din niya ‘di kalaunan kung saan nagtatago si Nikolas. At umamin ito sa lahat. Wala na itong tinago pa at ang lahat ng ginawa nila ni Monique sa likuran niya ay sapat para sirain siya.
“Sinandya lahat ‘to ni Nikolas kasi naiinggit siya sa’yo. Nilagyan niya ng drugs ang inumin ko at dinala ako sa hotel noong gabing ‘yon. I tried to contact you and knew that… pero hindi mo sinagot ang tawag ko,” paliwanag ni Monique na sinusubukang kunsensyahin si Rage para lumambot ang puso ng lalaki.
Dahil hindi pa rin kumibo si Rage sa mga salitang binitiwan, nagpatuloy si Monique, “Ibabalik ko na rin ang lahat ng perang hiniram ko sa’yo.”
“No need. Hindi ba’t ginamit mo ‘yon para sa medical expenses ng magulang mo?” sarkastikong tugon ni Rage.
Marami nang ibinigay si Rage kay Monique, pero pagtataksil nito ang naging kapalit nang lahat ng ‘yon. Bago pa man ito mawala noon, humingi pa ito ng pera sa kanya.
Hindi pa alam noon ni Rage na ang ilan sa mga perang iyon ay ibinigay ni Monique kay Nikolas bilang suhol upang manahimik ito tungkol sa relasyon nila, at para ipa–abort ang ipinagbubuntis ni Monique.
Pero sa ‘di malamang dahilan, pinili ng babae na ituloy ang pagbubuntis nito at palakihin ang bata. Wala nang pakialam si Rage kung bakit.
Kaya naman ayaw na talaga niyang marinig pa ang kahit ano mula kay Monique, maliban na lang kung si Klaire mismo ang may gusto nito. Pero mas nayanig pa siya sa mga rebelasyon ng babae. Doon niya lang napagtanto na nakipagrelasyon siya sa babaeng isang con–artist!
Sinabi pa si Monique na ginahasa siya ni Nikolas. Pero alam ni Rage na matapos ang insidenteng iyon, ay nasundan pa ang pakikipag–sex nito sa lalaki. Akala siguro ni Monique ay hindi niya alam ang lahat.
“Hindi… babawiin pa rin kita, Rage. I want our relationship to be the way it was. Kung hindi lang dahil kay Nikolas na sinira ang buhay ko, at kung tinulungan mo ako noon, baka kasal na sana tayo ngayon,” matigas na wika ni Monique, pilit isinisisi ang lahat kay Nikolas dahil inagaw siya nito kay Rage.
Malakas na natawa si Rage at saka tumayo. Binalingan niya ng tingin ang direksyon ni Klaire, na nakamasid sa kanya at halata ang gulat sa mukha.
Kabanata 154
+25 BONUS
“Are you fucking blind? Tingnan mo nga ang asawa ko. She’s beautiful, cute, and adorable, not to mention that she’s great in bed,” wika ni Rage na may pananabik ang titig kay Klaire. “Sa tingin mo ba mapapalitan mo siya? Don’t even dream, woman!” Tumawa siyang muli, may halong pangungutya, at saka iniwan si Monique para magtungo kay Klaire.
“Rage!” Habol ni Monique sa kanya bago pa man siya makalapit kay Klaire. “You’re ruined my life! “Tapos sasabihan mo pa ako ng mga masasakit na salita? Kung tinulungan mo lang ako noon, hindi ko sana naranasan ang bangungot na ‘yon!”
Napahinto si Rage sa kinatatayuan. Hindi niya maatim na basta–basta na lang siyang sisisihin ng walang hiyang babaeng ito. Bago pa man siya mahawakan ni Monique, nilayuan niya na agad ito.
“And you think I didn’t know what really happened? Ayokong makipag–usap sa’yo dahil alam ko na ang lahat. Ibinalik na ni Nikolas lahat ng perang binayad mo sa kanya,” puno ng disgusto na tugon ni Rage.
Napailing si Monique,hindi makapaniwala. Imposibleng alam ni Rage ang buong katotohanan!
“Nikolas threatened me! Sabi niya ikakalat niya ang lahat kung hindi ko siya susundin!”
Sa totoo lang, nagsasabi ng totoo si Monique. Pero sa paglipas ng panahon, nasanay na siya sa maingat na trato ni Nikolas sa kanya hanggang sa hindi na niya ito tinanggihan pa.
Sa kasamaang–palad, nalaman na ni Rage ang lahat. Totoong natakot si Nikolas sa galit ni Rage kaya sinabi nito ang lahat at hindi na nagdalawang–isip pa.
“Baka hindi mo pa alam. Ipinakita lang naman sa akin ni Nikolas ang sex video niyo. Hindi ko na lang sinabi sa’yo dahil naawa ako sa ‘yo. You better stop blaming others. What I saw was that you enjoyed it too.” Sarkastikong ngumisi si Rage sa babae. “Huwag kang mag–alala. Hindi ko naman nakita ang katawan mo. Nikolas was kind enough to cut off only the part of your face that was visible when he gave me the damn video recording.”
Nanlaki ang mga mata ni Monique sa gulat. Nagsimulamg manginig ang mga kamay niya sa pag–iisip na vini- videohan siya ni Nikolas nang hindi niya alam habang nagse–sex sila.
Lingid sa kaalaman niya, wala naman talagang napanood na sex video si Rage. Nagsinungaling lamang siya para patahimikin si Monique sa pagsasabi ng kung anu–ano. Mga palitan ng text messages nila ni Monique ang pinakita ni Nikolas sa kanya na sapat na upang mandiri siya nang husto.
Kabanata 155
+25 BONUS
Kabanata 155

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)