“Okay. But you have to stay with me.”
Binigyan ni Rage si Amanda ng makahulugang tingin.
“Pumasok na tayo.” Binuksan ni Amanda ang katabing playroom.
Pumasok don sina Rage, Klaire, at Amanda. Nanatili namang nakatayo sa labas si Monique, nakayukom ang mga
kamao.
“Five minutes, starting now. Don’t waste my precious time with my wife,” malamig na sabi ni Rage, hindi man lang tumingin kay Monique.
“I… just want to talk to you alone.”
“Malaking bagay na pinayagan ka ng mabait kong asawa na makipag–usap sa akin. You’re demanding more? Ang kapal mo,” mariing tugon ni Rage, puno ng inis.
“Honey…” hinawakan ni Klaire ang braso ni Rage bilang babala. “Nandito lang naman kami ni Amanda. Pwede mo siyang kausapin nang kayo lang, kita pa rin naman kita mula rito kaya ayos lang.”
Dahil sa reassurance ng asawa, inis na naupo si Rage. Umupo rin si Monique sa tabi niya, kaya’t agad siyang tumayong muli at lumipat sa upuang mas malayo rito.
Nasa isang sulok ng silid sina Klaire at Amanda, bahagyang malayo sa dalawa.
Habang nakaupo si Klaire, kinakalikot niya ang laylayan ng kanyang suot na dress. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba habang magkausap sina Rage at Monique.
Napansin ni Amanda ang pag–aalalang ‘yon ni Klaire, kaya agad niya itong pinakalma. “You don’t need to worry. Yung Monique na nakilala ko, hindi siya ‘yung tipo ng babaeng aagawin ang asawa ng iba.”
Tumango si Klaire. “Matagal ba silang naging magkasintahan?”
“Rage hasn’t told you yet?”
Napailang siya. “Ayaw pag–usapan ni Rage ang nakaraan nila. Sabi niya, hindi na raw niya kilala si Monique.”
“Tama naman si Rage. You don’t need to dwell on the past.‘
||
“Pero sa totoo lang… gusto ko rin naman talagang malaman. Kahit konti lang.”
Nagpakawala ng buntong–hininga si Amanda. “Huwag mong sasabihin kay Rage na sinabi ko ‘to, ha?”
Tumango si Klaire.
“We went to the same university and have been best friends ever since. Hindi ko na rin maalala kung paano nagsimula, pero matapos ang graduation, naging sila ni Rage.”
“Matagal na pala silang magkakilala…”
Napatingin si Klaire kay River, na abala sa pagtakbo kasama ang dalawang anak ni Amanda sa labas.
1/2
Kabanata 153
+25 BONUS
Tila ba alam na ni Amanda kung ano ang tumatakbo sa isip ni Klaire habang malungkot itong nakatingin sa bata.
“Ang laki ng pagkakahawig ni River sa asawa ko,” sabi ni Klaire.
“Hindi anak ng asawa mo si River, Klaire,” ani Amanda na alam na hindi maiiwasan ni Klaire na maghinala. Talaga naman kasing kahawig ni River si Rage noong bata pa ito, lalo na ang mga mata nito hugis ng mukha.
“T–totoo ba?”
Tumango si Amanda. “You should know that Rage is a responsible man. Kung nalaman niyang buntis si Monique noon, hinabol na sana niya ito kahit saan man ‘to magtago. Hindi niya ‘yon pababayaan mag–isa.”
Totoo ang sinabi ni Amanda. Alam ni Klaire na umabot pa si Rage sa puntong pag–iimbestiga sa pagbubuntis niya kaya agad nito itong nalaman.
“Pero bakit ang laki ng pagkakahawig nila ni Rage?” kuryosong tanong niya.
“Dahil magpinsan si River at Rage.”
Bumuhos ang ginhawa sa buong katawan ni Klaire habang nakatingin kay Amanda. Parang biglang nawala ang lahat ng alalahanin at bigat na dala–dala niya. Kung gano’n wala nang dahilan para guluhin ni Monique ang pagsasama nila ni Rage gamit si River.
Nitong mga nakaraang araw, labis ang pag–aalala niya na baka gamitin ni Monique si River para balikan siya ni Rage. Naisip kasi niyang sinadya ni Monique na bigyan ang anak nito ng pangalang pareho sa unang letra ng pangalan ni Rage, parang patunay na mahal pa rin niya ito.
“Sino sa mga pinsan ni Rage?” gulat niyang tanong matapos malaman na anak pala ng pinsan ng asawa si River.
“Malamang hindi mo pa siya nakikita, kasi tumakas siya matapos-” Hindi matuloy ni Amanda
Hindi matuloy ni Amanda ang sasabihin dahil ayaw niyang isiwalat ang personal na buhay ni Rage sa asawa nito nang walang pahintulot. “Mas mabuting si Rage na lang ang tanungin mo. Baka ‘yon din ang pinag–uusapan nila ngayon.‘
“Kung ayaw man pag–usapan ni Rage, then I guess kalimutan mo na lang si Monique. Matagal ko nang kilala ang asawa mo. He’s the type of person who sticks to his word. Kung sinabi niyang hindi na niya kilala si Monique, totoo ‘yon. Kung hindi mo pa siya pinilit kanina, sigurado akong hindi talaga niya kakausapin si Monique,” patuloy pa ni Amanda.
Biglang nagsisi si Klaire na pinayagan pa niyang makausap ni Rage si Monique. Kung nagtiwala lang sana siya mula sa simula, hindi na sana niya kailangang makita si Monique na umiiyak sa harap ng nila ni Rage, gaya ng nangyayari ngayon.
Hindi marinig ni Klaire kung ano ang pinag–uusapan ng dalawa. Ni minsan ay hindi binalingan ng tingin ni Rage ang babae. Ngunit nang pinunasan ni Monique ang mga luha ay may ibinulong dito, dahilan para bigla itong tapunan ng tingin ni Rage.
‘Ako kayang sinabi ni Monique sa kanya? Ang tanga ko! Dapat tinali ko na lang si Rage sa beywang ko para na siya napag–isa kasama ang ibang babae!‘
hindi
Kabanata 154
+25 BONUS
Kabanata 154

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)