Kabanata 152
Tinanguhan ni Amanda ang anak na si Allison, hudyat na kunin si River at lumayo muna doon. Ayaw niyang magkaroon ng maling pagkakaintindi ang anak ni Monique sa sitwasyon.
Samantala, natigilan naman si Monique sa sinabi ni Rage. Akala pa nga niya ay namali siya nang narinig.
“R–Rage… w–what are you saying? Nakalimutan mo na ba ang relasyon natin? You said—”
“Amanda, nagugutom na ang asawa ko. Hindi mo naman kami inimbita rito para lang kumausap ng mga estranghero, ‘di ba?” Bumaba at tumalim ang tono ng boses ni Rage. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang mukha ni Monique na balot ng luha at lungkot.
“No, Rage! Sinabihan ko naman talaga siya na huwag nang gumawa ng eksena dito. I’m so sorry.” Mabilis na lumapit si Amanda at inakay sina Rage at Klaire palayo. “Monique, please. Bumalik ka na lang sa ibang araw. At next time, magsasabi ka muna sa akin kapag pupunta ka rito.”
Dahan–dahang napailing si Monique. Hindi niya pinakinggan ang mga sinabi ni Amanda. Tanging ang masasakit na salita lamang ni Rage ang paulit–ulit na umuukit sa isip niya.
Hindi naman talaga sweet sa kanya si Rage, pero kahit na gano’n, alam niyang siya ang pinakamamahal nito.
Unti–unting nagbalik sa isip niya ang mga magagandang alaala nila noon… ang lahat ng atensyon na ibinigay ni Rage sa kanya. Halos ibigay ni Rage ang lahat sa kanya noon. Kahit ano pa ang hingiin niya. Pero… sino ‘tong lalaking kinausap niya ngayon?
Hindi… hindi ito si Rage De Silva–ang Rage na nakilala niya. Hindi nito kayang sakyan siya nang ganito. Ang mga salitang ‘yon, siguro ay dahil naaawa lamang ito sa asawa niya. Tama… gano’n lang ‘yon.
Pinilit ni Monique na magpakatatag at maging positibo. Baka nagtatampo lang si Rage dahil sa kung paano niya ito tinrato noon.
Nang bumalik ang isip niya sa realidad, malayo na sina Rage at Klaire. Mabilis siyang tumakbo at hinawakan ang braso ng lalaki.
“Rage, sandali lang! Limang minuto lang. Pakiusap… pakinggan mo lang ako kahit ngayon lang. Hindi na talaga kita guguluhin pagkatapos nito. You need to know one thing I’ve been hiding from you.”
Sa paniwalang babalik si Rage sa dati nitong ugali, sinabi ni Monique ang kahit anong pwedeng sabihin, basta’t makausap niya ito. Tiwala siyang patatawarin siya ni Rage kapag narinig nito ang totoo.
Mariing tinitigan ni Rage ang kamay ni Monique na nakahawak sa kanyang braso. At saka binalingan ng tingin si Klaire, na hindi mapinta ang mukha. Sa isang iglap, marahas niyang hinawi ang kamay ni Monique.
“Damn… I didn’t bring a change of clothes.” Sabay punas ni Rage sa braso niyang hinawakan ni Monique, parang tinatanggal ang dumi.
Nang makita ni Klaire ang kilos ng kanyang asawa, bigla siyang nakaramdam ng guilt sa sarili… kasi natutuwa siya. Hindi natitinag si Rage kahit pa kaharap nito ang babaeng minsan nang naging parte ng nakaraan nito.
“T–Two minutes. Please…” Namumuo na naman ang luha sa mga mata ni Monique, ngunit nanatiling malamig ang ekspresyon ni Rage.
7/2
Kabanata 152
+25 BONUS
Biglang nakaramdam ng takot si Monique. Kahit pa palaging seryoso si Rage noon, hindi siya kailanman tinitigan nito sa ganoong paraan. Napalingon siya kay Klaire, tila humihingi ng pahintulot.
Naguluhan naman si Klaire. Sa isang banda, ayaw niyang makita ang asawa niyang nakikipag–usap sa ibang babae nang sila lang. Pero sa kabilang banda, gusto rin niyang magkaroon ng closure si Rage sa nakaraan nito para hindi na sila guluhin ni Monique.
Hindi ba’t sinabi rin ni Monique na isang beses lang siya makikipag–usap kay Rage? Kapag hindi niya ito pinayagan ngayon, baka habambuhay pa silang guluhin nito.
Hindi tulad ni Klaire, ayaw na talaga ni Rage na makipag–usap, maski marinig pa ang boses ni Monique. Hindi niya gustong marumihan ang isip niya at matabunan ang maingat na boses ng asawa, ng isang boses na para sa kanya’y pangit at nakakasulasok.
“Honey…” tawag ni Klaire sa kanya nang may lambing. “Bakit hindi mo na lang payagan si Monique na makausap ka kahit saglit lang?”
Biglang nagbago ang malamig na ekspresyon ni Rage sa narinig mula kay Klaire.
“Don’t worry about it, honey. Kung pahihintulutan mong kausapin ko ang lahat ng babaeng nagsasabing may nakaraan kami, baka mapagod ka lang dahil marami sila sa bansang ‘to. I don’t want my wife to be exhausted dealing with other people’s unimportant problems.”
Hindi mapigilan ni Rage na hawakan ang kamay ng asawa at saka marahan na hinaplos ang pisngi nito. “I don’t want to see my favorite young woman frowning anymore. Dapat ay nakangiti ka lang parati.”
Halos matawa si Amanda sa mga sinabi ni Rage. Gulat na gulat siya. Kailan pa naging ganito kagaling mambola si Rage? Mukhang nagbago na nga ito.
Samantala, pilit pa ring itinatanggi ni Monique ang mga nakita at narinig niya. Iniisip niyang ginagawa lang ‘yon ni Rage para pagselosin siya.
“Ayos lang ako. Kausapin mo na si Monique. Sabi niya sandali at huling beses niyo na raw itong pag–uusap,” may diing wika ni Klaire, pinapaalala kay Monique ang mga salitang binitiwan nito.
Napabuntonghininga naman si Rage at halatang naiinis na sa sitwasyon. Akala niya magpapakita ng pagseselos si Klaire. Pero ngumiti lang ito, na para bang normal lang ang lahat.
Kabanata 153

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)