Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 151

Kabanata 151

Sa kabilang banda ng bahay, pilit na pinapaalis ni Amanda si Monique sa mahinahong paraan. Sa hindi mapaliwanag na dahilan, ayaw pang umalis ng babae at gusto pang makipagkwentuhan sa kanya.

Ayaw ni Amanda na malaman ni Monique na nasa bahay niya sina Rage at Klaire. Kahit pa alam niya ang nakaraan nina Rage at Monique, hindi niya gustong pumagitna o pumili ng kakampihan sa mga ito. Pakiramdam niya ay makukunsensya siya kapag nagtagpo doon sina Klaire at Monique.

Nang makita pa lang niya ang reaksiyon ni Klaire noong unang beses silang makita, alam na niyang selosa ito. Lalo na nang hindi pa niya sinasabi na wala silang relasyon ni Rage. Paano pa kung malaman ni Klaire na bahagi si Monique ng nakaraan ni Rage, di ba?

Sa paningin ni Amanda, bata pa rin si Klaire at hindi pa gano’n kamature. Ayaw niyang masira ang saya ni Rage dahil lang sa walang saysay na drama ng nakaraan nito.

Parang inaantok na si River. Mapupuyat na ang bata kung pahahabain pa natin ang kwentuhan.

You’re right,sagot ni Monique sabay tingin sa kanyang relo. Salamat sa pagaalaga sa anak ko buong araw, ah.

Tumango si Amanda at tumayo upang samahan si Monique palabas. Ngunit nanatiling tahimik na nakaupo si

River.

Gusto ko munang magpaalam kay Tita Klaire, Mommy.

Pinandilatan ni Amanda ng mga mata ang panganay niyang anak. Binilinan niya na kasi si Allison na sabihan si River na isekreto ang tungkol sa mga bisita nila. Wala naman kasing abiso talaga ang pagpunta ng magina sa bahay nitong umaga, samantalang kahapon pa naplano ang dinner kasama sina Rage at Klaire.

Samantala, natigilan naman si Monique sa paglalakad nang marinig ang pangalan ni Klaire. Sino pa ba ang Klaire na tinutukoy ng anak niya kundi ang asawa ng exboyfriend niya?

Rage is here? Bakit hindi mo sinabi sa akin?

Bakit pa? I didn’t want to tell you because I didn’t want to make things uncomfortable,pagpapakatotoo ni Amanda. Ngayon na alam mo na, mas mabuting umuwi na kayo ni River.Sinabi niya iyon sa mahinahong paraan para hindi masaktan si Monique.

Amanda naman!gulat na pagtataas ng boses ni Monique. Sabi mo wala kang contact kay Rage nang tanungin kita dati. Why did you have the heart to hide Rage’s whereabouts from me?

Paulitulit na kinumbinsi ni Monique si Amanda noon nang makabalik siya ilang buwan na ang nakakalipas matapos ang ilang taong paninirahan abroad. Pero iginiit ng kaibigan na wala na itong kahit anumang contact kay Rage.

Ang sabi lang ni Amanda, kinasal na raw ang lalaki. Ilang araw pa lang mula nang malaman ni Monique ang balitang iyon na siyang dumurog sa puso niya. Ang alam niya kasi, hindi naman natapos ang relasyon nila ni Rage.

Alam niyang kailangang malaman ni Rage ang totoopatungkol kay River. Athindi rin naman talaga nawala

1/3

Kabanata 151

+25 BONUS

ang damdamin niya para dito. Mahal pa rin niya si Rage, gaya noon.

Nang magkita silang muli, gulat at tuwa ang naramdaman niya. Pero agad ding naglaho ang tuwang yon nang makita niya ang Klaire na yon na sobrang sweet sa lalaking mahal niya.

Pero wala siyang pakialam ditodahil kapag nalaman ni Rage ang tungkol kay River, sigurado siyang babalikan sila nito. Naniniwala si Monique na mahal pa rin siya ni Rage. At siya lang ang mamahalin nito

Hindi malilimot ni Rage ang pagmamahalan nilang dalawa sa loob ng maraming taon. Pinanghahawakan niyayon kahit sa mga panahong nasa ibang bansa sila, at ito rin ang nagtulak sa kanya para bumalik ng Pilipinas.

Walang ibang taong nakakaalam ng relasyon nila ni Rage. Tanging si Amanda lang ang saksi ng kung anong pinagdaanan ni Monique kaya siya tuluyang lumayo kay Rage. Pero nagsinungaling pa rin si Amanda sa kanya.

I just met him again, Monique. Nagkita kami nang pacheckin sila sa hotel na tutuluyan nila para manood ng festival,paliwanag ni Amanda.

Masakit…. natural lang na masaktan si Monique. Ang isipin na may ibang babaeng kasama si Rage para salubungin ang festivalparang dinudurog sa pino ang puso niya.

Kailan pa sinimulan ni Rage na gawin ang mga bagay na yon sa publiko? Kahit anong pilit ni Monique noon, hindi niya ito mapilit na lumabas sila publiko, maliban na lang kung kasama nila si Amanda.

Ayaw ni Rage na masira ang reputasyon nito. Naiintindihan naman iyon ni Monique noong panahong yonlalo pa’t hindi pa ganoon kataas ang katayuan ni Rage hindi gaya ngayon.

I want to stay here longer.Namumuo ang luha sa mga mata ni Monique, nagmamakaawa sa kaibigan. Hindi naman ako manggugulo. Please, Amandagusto ko lang makausap at magpaliwanag kay Ragejust one last time.

Desperado niyang hinawakan ang mga kamay ni Amanda.

Nahabag naman si Amanda kay Monique. Narinig na niya ang katotohanan mula sa kaibigan nang dumalaw ito.

Pero

Nique, matagal nang tapos ang relasyon n’yo. Masasaktan ka lang kung patuloy mong babalikan ang nakaraan.

Bukod pa roon, ayaw ni Amanda na masira ang relasyon ni Rage sa asawa nito. Sa buong buhay niya, ngayon niya lang nakita si Rage na lihim na napapangiti dahil sa isang babae. At ang babaeng iyon ay si Klaire.

Isang bagay na hindi kailanman nagawa ni Rage kahit kay Monique. Palagi siyang seryoso at bihirang ngumiti, kahit alam ni Amanda na minahal din naman nito noon si Monique.

Amandaplease. Kaunting sandali lang. Kailangan niyang malaman ang tungkol kay River.

Lingin sa kaalaman ng dalawa, napadaan pala sina Rage at Klaire malapit sa kinatatayuan nila. Nagpatuloy lamang sa paglalakad si Rage na tila walang narinig, ngunit biglang napahinto si Klaire.

Ano ang gusto ni Monique na sabihin kay Rage?

Biglang lumuwag ang pagkakahawak ni Klaire sa kamay ng asawa. Ang kilig na naramdaman niya kanikanina lang ay untiunting napalitan ng kaba at paghihinala.

2/3

Kabanata 151

+25 BONUS

Tama kaya ang hinala niya?

Na anak ni Rage si River?

Why did you stop?

Narinig sa buong palapag na yon ang boses ni Rage, dahilan upang maputol ang paguusap nina Amanda at Monique. Pareho silang napalingon at nagulat nang makitang nasa labas ng pinto sina Rage at Klaire.

RageDahandahang lumapit si Monique sa kinaroroonan nina Rage at Klaire. Sigurado siyang narinig ng dalawa ang paguusap nila ni Amanda. KKlaire, I’m sorry for pretending not to know yesterday. I

Napansin ni Klaire ang pagnginginig ng mga mata ni Monique. Pati ang labi nito ay nanginginig din.

Sa isang banda, hindi niya alam kung anong mararamdaman para kay Rage, na maaaring anak nga si River. Hindi niya alam kung matatanggap ba niya ang posibilidad na totoo ito.

Tumibok ang sentido niya, napahaplos ang kamay niya sa kanyang tiyan. Hindi niya maatim ang ideyang iiwan siya ni Rage pati ang baby sa sinapupunan niya para lang sa babaeng maaaring naanakan nito noon.

Nagangat ang mga mata niya kay Rage, humihingi ng kasagutan. Kaya ba talaga nilang kalimutan ang nakaraan nito gaya ng pangakong binitiwan nila sa isa’t isa lalo na’t isang malaking kwestiyon ang pagkakakilanlan ni River?

II’m sorrybut, can I borrow your husband for a moment? KKahit limang minuto langplease, nagmamakaawa akopagkatapos no’n, hindi ko na kayo guguluhin.Hagulgol ni Monique at pilit na nanindigan habang nagmamakaawa kay Klaire.

Nagtaas naman ng kilay si Rage.

What do you want, woman? Wala tayong dapat pagusapan dahil hindi kita kilala,malamig na sambit ni Rage.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)