Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 150

Kabanata 150

Napatango si Klaire bilang tugon sa asawa. Totoong may bahagi pa rin sa kanya na interesado sa naging relasyon nina Rage at Monique. Pero ayaw na niyang ungkatin pa ni Rage ang mga alaalang maaaring bumuhay muli ng damdamin nito para kay Monique.

Sa mga ipinahayag ni Rage, alam na ni Klaire ang ilang bahagi ng istorya. Nasaktan ni Monique si Rage. At dahil ayaw na itong alalahanin ng asawa, palagi nitong sinasabi na hindi niya kilala ang babae.

Samantala, untiunti namang nang napagtatanto ni Rage na may nararamdaman na nga si Klaire para sa kanya. Hindi naman ito maaapektuhan ng isang babaeng dumaan sa buhay niya kung wala itong feelings sa kanya, hindi ba?

Sa ngayon, kailangan na lang maghintay ni Rage. Hihintayin niya ang pagamin ni Klaire. Matagal pa naman ang panahong gugugulin nila nang magkasama.

Don’t pout like that anymore.Sabay hila ni Rage sa mga gilid ng labi ni Klaire para pangitiin ito. Ang pangit mo kapag nagseselos.

Bakit bawal ba akong magselos?sagot ni Klaire, nahihiyang tinitigan si Rage, binabasa ang reaksyon nito.

Nagtaas ng kilay si Rage. Kahit kontrolado pa rin niya ang emosyon sa kanyang mukha, naguumapaw na ang tuwa sa bawat ugat ng kanyang katawan.

Umamin na talaga si Klaire na nagseselos siya! At siyempre, ang pagseselos na yon ay dahil sa pagmamahal!

TOK! TOK! TOK!

Isang katok mula sa labas ng kwarto ang bumasag sa mga paruparong nagliliparan sa tiyan ni Rage.

Damn it, who dares disturb us?!galit na sigaw ng isip niya.

Mr. and Mrs. De Silva, handa na po ang hapunan,ani ng waiter mula sa labas.

Fine!naiinis na sagot ni Rage.

Bakit galit ka na naman diyan?tanong ni Klaire at pinindot ang noo ni Rage na nakakunot sa pagkainis.Naasiwa ka ba o naiirita dahil nagseselos ako sa ex mo?

Selos.

Ang nagiisang salitang iyon, na muling binigkas ng asawa, ay nagpaangat ng sulok ng mga labi ni Rage, pero pinipigilan niyang ngumiti.

Napansin iyon ni Klaire.

Bakit mo pinipigil?Dahandahang hinalikan ni Klaire si Rage sa labipaulitulit. Hindi ko alam kung pinipigilan mong matawa. Pinagtatawanan mo ba ako dahil ang childish ng ugali ko?

No. I’m glad you feel that way about me.Tuluyan nang lumabas ang saya ni Rage na hindi niya inaasahan. “I want you to love me.

1/2

Kabanata 150

+25 BONUS

Agad na namula ang mukha ni Klaire. Yumuko siya sa hiya at pinipisil ang mga kamay. Akala ko sabi mo na hindi naman kailangan ng pagmamahal ang relasyon natin

Para bang nagising si Rage mula sa isang panaginip. Mabilis siyang napamura sa isip nang matantong naging pranka siya sa kagustuhang mahalin siya ni Klaire.

“Wwho said that?sabay ilag ni Rage at nagiwas ng tingin.

Hindi naman nakawala sa mga mata ni Klaire ang pamumula ng pisngi at tenga ni Rage. Biglang lumundag ang puso niya. Unang beses niyang makita ang reaksyon na yon sa mukha ni Rage.

Nahihiya ba si Rage? Bakit sobrang cute naman niya?

Gusto niyang makita nang husto ang namumulang mukha ng asawa. Mas lumapit pa siya rito at nagangat ng tingin para magtagpo ang kanilang mga mata, pero umiwas pa rin si Rage.

Ano bang ginagawa mo?!Marahan siyang itinulak ni Rage palayo, ayaw pa rin nitong ipakita ang mukha. I know you’re jealous because you love me so much. There’s no need to get so close!

Hindi naoffend si Klaire sa mga kilos ni Rage, bagkus ay napabungisngis pa siya dahilan para mas lalong mamula si Rage na para bang nabilad ito sa araw ng isang taon!

Napatayo si Rage, nakatalikod sa kanya, at inayos ang kwelyo nito na para bang naiinitan. Dinner’s ready. We should hurry.

Bumangon si Klaire mula sa kama at mabilis na lumapit kay Rage, dala pa rin ng pagkausisa sa ekspresyon ng mukha nito.

Bakit mo ako iniiwasan? Ayaw mo na ba akong tingnan?

Nnaiinitan lang ako! Huwag ka nang lumapit!singhal ni Rage.

Tinakpan ng malalaking palad niya ang maliit na mukha ni Klaire. Ayaw niyang makita siya nito ngayon. Sa salamin na nasa gilid nila, nakita niyang namumula pa rin ang mukha niya.

Nakapikit na ako! Bitawan mo na ako!sigaw ni Klaire at pilit na inaalis ang mga kamay ni Rage sa kanyang mukha. Pero mas malakas pa rin si Rage sa kanya.

Dahil patuloy sa pagpupumiglas si Klaire, nagalala si Rage na baka masaktan niya ito. Kaya’t inalis niya ang mga kamay at niyakap na lamang nang mahigpit ang asawa, itinulak ang ulo nito sa kanyang dibdib upang hindi siya matingnan.

Hindi man makita ni Klaire ang mukha ni Rage, naririnig naman niya ang malakas na tibok ng puso nito.

Sinabi mong gusto mong mahalin kita, di ba?mahinang tanong ni Klaire habang nakasubsob sa dibdib ni Rage. Mamamahalin mo rin ba akokung ibibigay ko sa’yo ang buong puso ko?

C

2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)