Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 149

Bakit mo nasabi yan? I never thought of you as a mere decoration.Naupo sa gilid ng kama si Rage, marahas na hinilamos ang mukha. Ano na naman bang nagawa niya para muling magdamdam si Klaire?

Tahimik ang dalawa sa mahabang sandali. Patuloy na minamasdan ni Rage ang balisa at hindi mapakaling kilos ni Klaire.

May problema ba sa pagbubuntis nito? Pero wala namang kahit anong senyales na sumasakit ang tiyan ni Klaire. Mukha lang itong galit at hindi alam ni Rage kung bakit.

Hinila ni Rage si Klaire at pinilit itong pinaupo nang maayos. Napatingala ito sa kanya. Hinawakan niya ang batok nito nang makitang tumatanggi itong maupo.

Muling bumagsak si Klaire sa kama nang bitawan siya ni Rage. Pero bago pa tuluyang bumagsak, sinalo na agad siya nito.

Biglang nawala ang tensyon na nararamdaman ni Rage. Sa totoo lang, nakakatawa na sa paningin niya ang inaasta ni Klaire. Pero pinigilan niya ang sarili dahil baka lalo lang itong mainis.

Tell meano ba talaga ang gusto mo? Kung hindi ka magsasalita, I won’t know why you’re suddenly accusing me.Mahigpit na niyakap ni Rage si Klaire upang hindi na ito muling humiga. Saan mo nakuha ang ideyang ginagawa lang kitang laruan na asawa?

Ilang beses sinubukan ni Rage na titigan ang mukha ni Klaire, pero patuloy itong umiiwas ng tingin. Hanggang sa hindi na siya nakatiis at hinawakan niya ang baba nito gamit ang isang kamay, habang yakap ng isang kamay niya ang katawan nito para isandal ito sa kanya.

You’re adorable like a doll, but not for display in front of othersSa wakas, inamin ni Rage na matagal na siyang may pagtingin dito.

Bahagyang gumalaw ang mga labi ni Klaire, parang gustong ngumiti. Hindi niya maikakailang kinilig siya sa narinig mula kay Rage. Pero dahil may galit pa rin sa puso niya, pinili niyang huwag magsalita.

Hindi naman ako manghuhula, Klaire De Silva. Kung hindi mo sasabihin, nandyan na lang lahat yan sa loob mo. Ayokong sobrang magdamdam ka at may mangyaring masama sa yo.

Hindi talaga naiintindihan ni Rage ang mga babae. Hindimas tama sigurong sabihing, hindi niya maintindihan ang sarili asawa.

Kadalasan, ang mga babae ang mas maeksena at mas demanding. Pero itong si Klaire, parang sinasadya na manahimik, na parang sinusubok kung mahuhulaan niya ang iniisip nito,

Kinagat ni Rage ang labi ni Klaire, This isn’t something I can talk about anymore, huh?

Malambing ang naging tono ng boses ni Rage. Maging siya, nagulat sa lambing na lumabas sa kanyang bibig

lalo na si Klaire.

Mahinang itinulak ni Klaire ang pisngi ng asawa palayo sa kanyang mukha. Umiwas siya ng tingin, hindi na makayanan ang tuloytuloy na pagtitig nito sa kanya.

It’s fine if you don’t want to talkaalis na tayo. Magpaalam tayo kina Amanda at sa asawa niya, tapos diretso

1/2

Kabanata 149

+25 BONUS

tayong ospital. Baka namamaos na ang asawa ko,ani Rage, walang halong biro ang boses. Talagang kinakabahan siya na baka mawalan ng boses si Klaire sa kakapigil nito ng emosyon.

Tatayo na sana si Rage nang biglang hilahin siya ni Klaire pabalik at saka kinwelyuhan niya.

Magsasalita ka ba?

Ikawpagsasalita ni Klaire. Bakit palagi mo na lang akong pinagsisinungalingan?

I will never lie to you.

Biglang naalala ni Rage ang litrato na itinapon niya. Napabuntonghininga siya, pero hindi pa rin niya piniling magpaliwanag kay Klaire.

Kilala mo si Monique.

Tama nga ang naiisip niya. Yun pala ang matagal nang gumugulo sa isip ni Klaire. Bigla siyang nagalit kay Monique. Bakit ba kasi kailangan pang bumalik ng babaeng yon para sirain ang mood ni Klaire?

I don’t know her anymore,mariing sagot ni Rage. At ayokong pagusapan ang isang taong wala namang halaga sa relasyon natin.

May kaunting ginhawang naramdaman si Klaire sa sagot na iyon. Pero hindi pa rin sapat para tuluyang mawala ang paghihinala niya. Bilang asawa ni Rage, karapatan din niyang malaman kung sino ang mga babae sa buhay

nito.

Ganito na langkung hilingin kong ikuwento mo ang tungkol sa relasyon mo kay Miguel bago mo ako pinakasalan, gagawin mo ba?Nagsisimula nang maintindihan ni Rage si Klaire. Pero hindi ibig sabihin ay gusto rin niyang pagusapan ang mga babae sa kanyang nakaraan.

Sa tanong niyang iyon, lalong nakumpirma ni Klaire na may namagitan nga kina Rage at Monique noon. At doon na siya tinablan ng matinding selos.

Ayaw mong balikan ang mga taong nanakit sa’yo, di ba? Hindi kita pinilit na ikuwento sa akin dahil ayokong sariwain mo yung sakit na dinulot nila sa’yo.

Ibig sabihin, nasaktan ka noon ni Monique?

Lalong lumalim ang kuryosidad ni Klaire. Pero hindi na siya nagtanong pa, dahil alam niyang may punto ang sinabi ni Rage. Ni siya nga, ayaw ding pagusapan sina Theodore at Miguel, lalo na ngayong pinili na niyang magbagong buhay.

We live in the present, not the past. Pareho tayong may mga kwentong ayaw nang balikan. Gaya ng gusto mo ng kalimutan ang papa mo, may mga tao rin akong ayaw nang alalahanin o makita pa. You understand what I mean, right?

212

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)