Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 148

Makita lang ang litratong yon, halos madurog na ang puso ni Klaire sa labis na pagkadismaya. Paano pa kaya kung malaman niya na may nakaraan sina Rage at Monique?

Mapait na ngumiti si Klaire. Kitangkita naman sa litrato pero todo deny pa rin si Rage. Hindi na siya nagtanong

  1. pa.

Sobrasobra na ang mga kasinungalingan ng asawa niya.

Kita ni Rage ang disappointment sa mukha ng asawa, pero wala naman talaga siyang intensyon magsinungaling dahil matagal na niyang hindi nakita ang babaeng yon na bahagi na lang ng nakaraan niya.

Ayaw na niyang dagdagan pa ang bigat sa puso ni Klaire dahil sa isang nakaraang wala na namang halaga.

Matagal na niyang nilibing ang alaala nila ni Monique.

Wala nang silbi ang pagbabaliktanaw pa sa nakaraan niya. Para sa kanya, mas mahalaga ang kinabukasan nila ni Klaire kaysa sa isang taong hindi naman makatutulong sa relasyon nila.

Bakit ang tahimik mo?tanong ni Rage nang maupo sa tabi ni Klaire, na nakatingin lang sa labas ng bintana.

Wala namang maisagot si Klaire. Sa totoo lang, baka magsinungaling lang naman ito ulit.

Are you angry? Bakit? Are you uncomfortable? Gusto mo bang bumalik na lang tayo sa hotel?

Napabuntonghininga si Rage nang hindi sumagot si Klaire sa alinman sa mga tanong niya. Pero hindi rin siya tinanggihan nito nang idantay niya ang ulo sa hita ni Klaire at hinalikan ng marahan ang kamay nito. Inisip ni Rage na baka wala lang ito sa mood para magsalita.

Humarap si Rage sa bahagyang nakaumbok na tiyan ni Klaire. Marahan niyang tinaas ang suot nito at hinalikan nang paulitulit ang tiyan.

Kung dati yon, baka natawa na si Klaire dahil nakikiliti siya kapag nararamdaman ang pinong balbas ni Rage. Pero nanatili siyang tahimik, tulalang nakatingin sa labas ng bintana.

You must be so hungry that Mommy feels weak and doesn’t want to talk to Daddy,sabi ni Rage sa baby nila sa kanyang tiyan. Maghihintay ka pa ng thirty minutes, sabaysabay tayong kakain mamaya.

Nang hindi pa rin sumagot si Klaire, nanahimik na lamang si Rage habang hinahaplos ang tiyan ng asawa.

Napasinghap si Klaire nang umakyat ang kamay ni Rage sa kanyang suot na bra. Gusto na sana niyang matawa, hindi makapaniwala sa ginagawa ng asawa.

Pero imbes na magreklamo, bigla niyang itinaas ang damit, inilantad ang kamay ni Rage na nakatago roon. Nag- angat ng ulo si Rage sa gulat.

What are you doing?

Hindi sumagot si Klaire. Bagkus, tuluyan niyang hinubad ang kanyang pangitaas, tanging bra na lamang ang natira. 1

1/2

Kabanata 148

+25 BONUS

Hindi talaga maintindihan ni Rage ang paibaibang kilos ni Klaire. Lalo’t wala man lang bakas ng pagnanasa sa

mukha nito.

Ano pa ba? Gusto mong magsex tayo? Gusto ko lang makatipid ng oras.

Itinulak ni Klaire si Rage palayo sa kanyang hita. Tumayo siya at nagtungo sa kama, saka tinanggal ang natitirang saplot sa katawan. Sa isang malamyang kilos, humiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata.

Bilis na, tapusin na natin to. Ayokong paghintayin pa si Amanda at ang asawa niya.

Karaniwan, hindi mapigilan ni Rage ang silakbo ng pagnanasa kapag nakikita ang hubad na katawan ni Klaire. Pero ngayon, pakiramdam niya ay iba ang lahat.

Bagaman naginit ang katawan niya sa kagandahan ng asawa na nasa harapan niya, tila ba mas namayani ang katinuan sa utak niya.

Pinulot niya ang mga damit ni Klaire. Paglapit sa kama, sinubukan niyang bihisan ulit ito.

Tumayo ka muna. Mahirap kang bihisan habang nakahiga,utos ni Rage.

Hindi ba ito naman ang gusto mo? Bakit mo ako pinagbibihis ulit?

Hinahaplos ko lang naman ang tiyan mo. Alam mo namang sanay na ang mga kamay ko na haplusin bawat sulok ng katawan mo. Pero hindi ibig sabihin noon ay gusto kitang angkinin ngayon.Malalim ang buntonghininga ni Rage habang inaalalayan si Klaire na maupo. Why are you suddenly like this?

Hindi ba’t yon lang naman ang papel ko? Ang pasayahin ka sa kama? Wala nga akong karapatang makialam sa personal mong buhay.Mabilis na inagaw ni Klaire ang damit mula sa kamay ni Rage at siya na mismo ang nagsuot nito. Parang laruan lang na asawa, pampapogi lang sa kagalanggalang na si Mr. Rage De Silva.

Kabanata 149

+25 BONUS

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)