Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 147

Kabanata 147

Bakit nasa bahay ng mga Salvador si River?tanong ni Klaire sa sarili habang nakakunot ang noo. Ohnagkita na naman tayo

Lingid sa kaalaman niya na sabay nagaral sina Rage, Amanda, at Monique sa iisang university. Kaya naman hindi na rin nagulat si Rage nang makita roon ang anak ni Monique.

Kilala n’yo ba ang isa’t isa?Tinitigan ni Amanda si Rage, na para bang tinatanong, Have you introduced Monique to Klaire?

Nagkibitbalikat lang si Rage kahit ramdam niya ang ibig ipahiwatig ng titig ni Amanda.

Nagkakilala lang kami sa daan,paliwanag ni Klaire, hindi komportable sa sitwasyon. Nandito rin ba ang Mommy mo?tanong niya kay River, pilit na pinapanatili ang mahinahong boses.

Pero sa loobloob niya, parang binabalewala siya ng asawa niya. Bakit hindi man lang siya sinabihan ni Rage tungkol sa ganitong kaimportanteng bagay? Hindi ba niya deserve malaman ang totoo? Wala ba talaga siyang halaga kay Rage?

Dalawang beses nang nagsisinungaling si Rage sa kaniya. Sinabi pang hindi raw nito kilala si Monique. Pero bakit kailangan niyang magsinungaling? Ano ang tinatago nito?

Bisita namin sina Tito Rage at Tita Klaire. Susunduin ka na ng Mommy mo mayamaya. Magready ka na kasama ni Ate Allison,ani Amanda at binalingan ang anak niya.

Agad namang sumunod si River at pumasok sa loob kasama si Allison. Pero ramdam pa rin ni Amanda ang tensyon. Mukhang kilala na ni Klaire ang maginang sina Monique at River. Pusta rin niya ay hindi sinabi ni Rage sa asawa nito ang relasyon nila sa isa’t isa.

I’ve prepared a room for you twoo. Magpahinga muna kayo habang hinahanda namin ang hapunan,pahayag ni Amanda sabay senyas sa waiter para samahan ang mga bisita.

Tulungan na kita.

Huwag na!mabilis na sabat ni Rage, ayaw na guluhin ni Klaire ang kanilang dinner. You need to rest,dagdag pa niya para hindi masaktan ang damdamin nito.

Sumunod na lamang si Klaire at nagtungo sa kwartong hinanda para sa kanila. Habang naglalakad, napahinto ang mga paa niya nang mapansin ang isang picture frame sa loob ng glass cabinet.

Sina Rage, Monique, at Amanda ang nasa litratong yon. Nakaupo sina Amanda at Monique sa magkabilang gilid ni Rage. Nakayakap pa si Monique kay Rage na walang emosyon ang mukha.

Aabutin na sana ni Klaire ang picture frame nang biglang maagaw iyon ni Rage. Ni hindi na to nagpaalam at kinuha ang litrato sa loob saka pinunitpunit. Pagkatapos ay tinapon nito sa basurahan.

Bakit mo itinapon? Hindi naman sa yo yan!

“Nandoon ang mukha ko. I don’t like other people displaying my face carelessly.

Hinawakan ni Rage ang kamay ni Klaire at nagpatuloy sila paglalakad. Nilampasan pa niya ang kasambahay na

Kabanata 147

+25 BONUS

dapat sana’y maghahatid sa kanila, na tila ba pamilyar na siya sa bahay.

Pagdating nila sa kuwarto, agad na binawi ni Klaire ang kanyang kamay mula sa mahigpit na hawak ni Rage. Halos mapunit ang balat niya sa sakit ng pagkakahawak nito sa kanya.

Mas masakit pa yata sa lahat ang lokohin ng sariling asawa kaysa ang iwan siya noon ni Miguel. Parang sasabog ang dibdib niya na tila ba tinutusok ng libulibong karayom.

Bakit ka nagsinungaling? Dalawang beses kitang tinanong. Sabi mo hindi mo siya kilala,nanginginig ang boses ni Klaire habang pinipigilan ang mga luha.

Nang makita ni Rage ang lungkot sa mukha ni Klaire, parang nawalan siya ng lakas para ipagpatuloy ang plano niya. Simula pa kahapon, nang makita niyang nagseselos si Klaire kay Monique, gusto na niyang ituloy ang ganoong setup.

Ang cute ni Klaire kapag nagseselos. Mas palaban at mas may kumpyansa sa sarili.

Kaya nga naghire pa sya ng tao para imbestigahan si Monique para magkrus pang muli ang mga landas nila. Gusto niyang masanay si Klaire na maglambing sa kanya, kahit pa para lang pagselosin si Monique. Naniniwala siya na makakasanayan yon ni Klaire kahit wala nang ibang babaeng umaaligid sa kanya.

Pero ano pa ang saysay na marining ang pagamin ni Klaire at makuha ang atensyon nito kung masasaktan lang niya ang asawa sa huli?

Ayaw niyang malungkot si Klaire. Ni hindi niya makita ang saya sa mga nito ngayon.

Because I really don’t know that woman.:

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)