“Sige. Pero… isuot mo muna yang damit mo. Hindi ka ba nahihiya na naglalakad nang ganyan?”
Nilapitan ni Rage ang asawa pagkatapos magsuot ng nightgown. Wala siyang pakialam kahit wala siyang suot sa
loob nito.
“Bakit pa? Tatanggalin ko rin naman mamaya. I’m saving up for clean clothes.”
Napanganga si Klaire nang hinaplos ni Rage ang kanyang ulo at saka dumiretso sa kama. Wala itong hiya habang nakaupo sa kama na hubo’t hubad, at tinitext si Amanda.
“Gusto kong pumunta sa night market.”
Ayaw ni Klaire na manatili lang doon sa kwarto dahil alam niyang kung anu–ano na naman ang balak ng asawa niya.
“Go by yourself,” sagot ni Rage.
Mas lalong napanganga si Klaire. Bakit bigla–biglang nagbabago ang timpla ng lalaking ‘to?
“Sige ka. Maraming lalaki ang lalapit sa’yo roon. Hindi ka ba natatakot mag–isa?”
Napaisip siya. Tama si Rage.
Kahit pa mababa ang krimen sa lungsod, hindi ibig sabihin ay ligtas na siya sa lahat. Sa huli, wala siyang nagawa undi pagmasdan na lang ang night market mula sa bintana ng hotel room, nakapatong ang baba sa kanyang mga kamay.
***
Kinabukasan, bago pa man magdilim, umalis na sila papunta sa bahay ni Amanda, na mga dalawang kilometro lamang mula sa hotel. Sumakay sila ng bus dahil hindi kakayanin ng mga private cars ang malubak na daan.
“Parang date lang ‘to ah,” bulong ni Klaire sa sarili na may munting ngiti.
Naalala niya na ang relasyon nila ni Miguel noon. Kahit alam niyang gusto nila ang isa’t isa, hindi sila masyadong nagdi–date niyon.
Madalas naman siyang yayain ni Miguel, pero palaging parang magkaibigan lang sila imbis na magkasintahan. Hindi sila gaanong malambing sa isa’t isa at hindi rin nagho–holding hands.
Ibang–iba kay Rage, na ngayo’y nakasandal ang ulo sa balikat niya habang nagrereklamo sa masikip na bus. Dahil nga public tranportation lang ang pinapayagan sa highway na ‘yon, siksikan ang mga tao sa loob ng bus.
Naalala ni Klaire na inalok siya ni Rage na mag–drive ng sariling kotse. Kaya daw nitong bayaran ang daan. Pero tinanggihan niya ang alok nito.
Gusto kasi niyang maranasan ang mga simpleng bagay kasama ang asawa sa honeymoon nila. Gusto rin niyang maglakad–lakad doon tulad ng ibang lokal. Pero hindi pumayag si Rage dahil ayaw nitong mapagod siya at magkaproblema ang pregnancy niya.
1/2
Kabanata 146
+25 BONUS
“My head hurts. Nakakainis talaga ‘to! Ang tagal naman!”
Paminsan–minsan ay sinisiksik ni Rage ang kamay sa ilalim ng damit ni Klaire at hinahaplos ang tiyan niya. Paulit–ulit niya namang inaalis ang kamay nito at palinga–linga sa paligid.
“Ang ganda talaga dito. Kaunti lang ang polusyon dahil sa traffic regulations, at marami pa ring puno sa mga daan, di tulad sa atin. Mas konti rin ang aksidente kasi mas pinipiling maglakad ng mga tao.”
Ilang saglit pa ay huminto na ang bus sa tapat ng bus stop na bababaan nila. Agad tumayo si Rage at hinawakan ang kamay niya.
“We can drive here. If we had taken a little detour, mas mabilis pa sana tayong nakarating.”
“Nandito na nga tayo. Babalik pa ba tayo para kunin ang kotse?”
Napasimangot si Rage sa inis.
“We’re here.”
Huminto sila sa tapat ng bahay na may malawak na bakuran.
Lumapit ang isang guwardiyang nakakakilala kay Rage at inihatid sila. Sa loob. Sinalubong sila ni Amanda, kasama ang asawa nitong si Mateo at ang dalawa nilang anak na sina Amari at Allison. Masigla nagpakilala sa kanya.
“Ang aga niyo naman!” Halatang nasorpresa si Amanda dahil dapat ay dalawang oras pa dapat ang dating nila.
“My wife wanted to see the sights of the city by bus.”
“Oh my gosh. Baka napagod kayo! Si Rage pa naman, sanay na naghahire ng driver. May shortcut din sana na dinadaanan ng public transport.”
“Ayaw niya,” matipid na sagot ni Rage.
Ramdam ni Klaire ang nerbyos ni Amanda, para bang hindi natuwa sa maagang pagdating nila.
“Come on in. It’s not nice to keep our guests standing outside for too long.” ani Mateo, sabay yaya sa kanila sa loob.
Pagkapasok nila sa malaking bahay na simple lang sa labas, nagulat si Klaire nang makita ang pamilyar na batang lalaki.
“Miss Klaire! Bakit andito ka?!” bulalas ni River sabay takbo papalapit sa kanya.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)