Hinila ni Rage si Klaire palapit, hawak ang baywang nito, habang naglalakad silang pabalik sa hotel. May ngiti sa kanyang mukha nang pagmasdan ang asawa.
“Paano mo naman nalaman na mas gusto kong mag–stay sa hotel room kaysa lumabas?” nakangising tanong niya.
Napalunok si Klaire. Unti–unti nang namuo ang pawis sa kanyang noo.
Gusto lang naman niyang ipamukha na sweet sila ni Rage sa harap ng Monique Ortega na ‘yon kaya naman nagsinungaling siya. Well, may kaunting totoo naman sa sinabi niya. Ngunit ngayon niya lang napagtanto ang epekto ng mga salita niya.
“Ano… eh… kasi…” nauutal niyang sagot, hindi alam kung ano ang isasagot kay Rage. Hindi naman niya puwedeng sabihing nagseselos siya!
Aminado siya na nagselos siya nang sobra nang maisip niyang maaaring may nakaraan si Rage at Monique. Lalo pa’t sobrang kamukha ni River si Rage. Natatakot siya na baka agawin ni Monique at ni River si Rage mula sa kanya.
“You’re jealous, aren’t you?” bulong ni Rage.
Napailing si Klaire, pero hindi niya na rin magawang magsinungaling sa harap ng asawa.
“Aminin mo na…” Hinaplos ni Rage ang baywang niya.
“Wag mo ngang gawin ‘yan dito sa kalye!” Itinabig ni Klaire ang kamay ng asawa, pero agad rin itong bumalik sa dati nitong pwesto.
Pagdating nila sa elevator, naalala ni Klaire ang mga sinabi ni Rage kanina. Hindi niya man lang naisip ‘yon dahil busy siya na pagselosin si Monique.
Pagkapasok nila sa hotel room, agad siyang nagtanong, “Gusto mo ba ako kasi… bata pa ako?”
Napasinghap si Rage sa tanong. Damn! Aba’t parang umamin yata siya kanina! Hindi pwede! Si Klaire dapat ang unang umamin ng nararamdaman! Ayaw ni Rage na masyadong maging kampante si Klaire at hindi na mag- confess sa kanya.
“Sumakay lang ako sa trip mo. Napansin kong selos na selos ka sa babaeng ‘yon…. I didn’t want to embarrass you,” sagot ni Rage, bago ibinalik ang tanong. “Bakit ka ba nagseselos sa kanya?”
“Kilala mo si Monique, ‘di ba? Bakit mo sinabi sa parking lot na hindi mo siya kilala?” may diing tanong ni Klaire.
Sandaling natahimik si Rage bago sumagot. Bakit pa nga ba niya ikukuwento ang tungkol sa babaeng parte na ng nakaraan niya? Ayaw na rin naman niyang pag–usapan pa ang mga taong ayaw na niyang maalala.
“Hindi ko talaga siya kilala.”
“Hindi mo ba talaga siya kilala o ayaw mo na lang siyang pag–usapan?” sunod–sunod na tanong ni Klaire na sapul na sapul kay Rage.
Kabanata 145
+25 BONUS
“Imbes na pag–usapan ang mga walang kwentang bagay, mas mabuting gawin na lang natin ‘yung sinabi mo kanina…”
“AHHH!!” napasigaw si Klaire nang bigla siyang buhatin ni Rage. “Bakit ka ba laging nanggugulat?!”
“Because I like being alone with you in my room!” pang–aasar pa ni Rage.
Binuhat siya nito papunta sa hotspring.
“Anong ginagawa mo?! Ibababa mo ako!” sigaw ni Klaire habang lumulusong sila sa tubig nang hindi man lang naghubad ng damit.
“What else? Gusto ko lang namang mapag–isa tayo rito…”
>>
Namula ang mukha ni Klaire. Hindi lang dahil sa singaw ng mainit na tubig, kundi dahil sa kahihiyan sa paulit- ulit at may kahulugang salita ni Rage.
“Tease me like you did yesterday…” bulong ni Rage sa mababang boses. “Gusto ko ‘yon…”
“A–Ayaw ko nga! Ginawa…” biglang nanghina ang boses ni Klaire nang pumasok ang kamay ni Rage sa loob ng kanyang damit. “…p–pagod… ahh… b–bitaw…”
Ang ibig sabihin ni Klaire ay alisin ang kamay ni Rage, pero iba ang intindi ng lalaki.
“Sige… hubarin ko na lang damit mo…”
“Hindi ‘yon ang ibig kong–ah… bahala ka na nga…
Lalong uminit ang hotspring dahil sa kanilang dalawa. At matapos mangyari ang gusto ni Rage, binuhat niya uli si Klaire papuntang kama.
“We don’t have to go to the festival tonight,” sabi ni Rage habang titig na titig kay Klaire. “Mas gus—”
“Mas gusto mo rito sa kwarto,” putol ni Klaire sa asawa dahil paulit–ulit na lang ang linyahan nito.
‘Sa susunod talaga, mag–iingat na ako sa mga sasabihin ko,‘ paalala niya sa sarili.
Pinisil ni Rage ang matangos niyang ilong habang pinupunasan siya ang basang katawan niya. “Smart girl… my young lady”
“Ang nag–iisang young lady na gusto mo?” tukso niya rito.
Tinakpan ni Rage ng tuwalya ang mukha ni Klaire. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang phone.
“Amanda invited us for dinner tomorrow. Gusto mo bang pumunta?” Pag–iiba ni Rage ng usapan. Ayaw naman talaga niyang pumunta kina Amanda, pero wala siyang ibang maisip na usapan para matigil na si Klaire sa pagtatanong kung gusto niya ito.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)