Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 144

Kabanata 144

+25 BONUS

Kabanata 144

Pero bago pa man siya mapigilan ni Rage, isang boses ng babae ang biglang tumawag, River!

Sabaysabay silang tatlo na napalingon sa pinanggalingan ng boses. Napalundag ang puso ni Klaire nang makita ang babaeng nakita niya noon sa parking lot na papalapit sa kanila. Agad niyang binalingan ang reaksyon ng

asawa.

Biglang nabalisa ang mukha ni Rage, kita ang paninigas ng panga nito, at pagumbok ng mga litid sa kanyang leeg. Napansin din ni Klaire na kumuyom ang mga kamay nito sa bulsa ng pantalon. Halatanghalata na galit ito.

Bakit ganoon ang reaksyon ni Rage pagkakita sa babaeng iyon?

Saan ka ba galing?tanong ng babae na tila abalangabala sa anak at hindi man lang napansin ang dalawang matatanda sa tabi ng bata. Medyo malayo rin kasi ang distansya ni Rage kay Klaire at River.

Natapon po ni Miss Klaire ang ice cream ko kanina, kaya bumili po siya ng bago. I invited her to our house to thank her, Mommy.

Napatingin ang babae kay Klaire. Oh, thank you. Pwede ka bumisita sa ibang araw. May pupuntahan pa kasi kami ng anak ko.Iniabot niya ang kamay kay Klaire. Monique Ortega.

>>

Klaire De Silva,buong diin na sagot ni Klaire. At siya naman ang asawa ko, si Rage De Silva. Nandito kami para sa honeymoon namin.

Hindi maintindihan ni Klaire kung bakit pero gusto niyang ipamukha na siya ang asawa ni Rage. Na sa kanya lang ang asawa niya.

Walang sinuman ang pwedeng umangkin kay Rage! Lumapit siya sa asawa para ipakita sa babae ang relasyon nila.

Nanlaki ang mga mata ni Monique nang makita si Rage. Ngunit agad din siyang napangiti at iniabot ang kamay sa lalaki.

Hindi ba talaga sila magkakilala? Pero bakit magkamukha sina River at Rage?nalilitong tanong ni Klaire sa sarili, ngunit nakaramdam siya ng ginhawa sa kanyang dibdib.

Pinulupot niya ang mga kamay sa braso ni Rage at saka bumulong, Bakit ang tahimik mo?

Tinitigan lang ni Rage ang kamay ni Monique na parang nakatimgin siya sa maruming bagay. Pagkatapos, inangat niya ang malamig niyang tingin.

Inilabas niya ang kamay mula sa bulsa at saka pinilupot ang kamay sa beywang ni Klaire. I don’t like being touched by strangers, have you forgotten?

Tinapunan ni Rage ng masuyong tingin si Klaire.

Nawala naman ang ngiti sa labi ni Monique. Namula ang mukha nito at mabilis na binawi ang kamay.

Mommy, he’s rude, right?bulong ni River, at saka tinakpan ang bibig.

Pero malinaw na narinig iyon ni Klaire at Rage.

C

Kabanata 144

+25 BONUS

Ah! Tama! Naalala ko na!biglang sabi ni Klaire. Nagkita na pala tayo sa mall noon! Nagkasalubong tayo sa parking lot. Kaya pala pamilyar kayo ni River.

Really? Ang galing ng memorya mo, Miss KlaireOh, sorry, Mrs. Klaire pala. Ang bata mo kasi tingnan.Sinulyapan ni Monique si Rage matapos sabihin iyon.

Mas naging malinaw kay Klaire na magkakilala nga sina Rage at Moniqueat gagawin niya ang lahat para malaman kung bakit galit na galit si Rage kay Monique, at kung bakit kailangan pa nilang magkunwaring hindi magkakilala.

Nakaramdam din siya ng inis nang makitang palihim na sumusulyap si Monique sa kanyang asawa, na para bang interesado ito kay Rage.

Oo, mahilig kasi sa mas bata ang asawa ko. Kaya nga ako ang pinakasalan niya.Nginitian ni Klaire si Rage, pinapamukha kay Monique na hindi siya magugustuhan ng asawa kahit pa maganda ito.

Napataas naman ng kilay ni Rage. Hindi niya kailanman sinabi na gusto niya ng mas bata sa kanya. Kailan naman nangyari yon?

Pero ngumiti pa rin siya at hinaplos ang buhok ni Klaire. You’re wrong. I don’t like young girls, but only one young girl.

Sinulyapan ni Klaire ang pagkunot ng noo ni Monique sa lambingan nila ni Rage. Tila ba sumaya ang pakiramdam niya sa hitsura ng posibleng karibal niya kay Rage na hindinghindi mananalo sa kanya.

Sige, mauna na kami. Mas gusto pa kasi ng asawa ko na magkulong sa hotel room kaysa gumala.Hinaplos ni Klaire ang buhok ni River. “Sa susunod, dadalawin kita ha?

Sabi mo yan, Miss Klaire ah!masayang sagot ni River.

May multong ngiti naman si Rage. Hindi niya inakalang magbabago nang gano’n si Klaire dahil lang sa muling pagkikita nila ni Monique. Sa wakas, alam na niya ang paraan para mapaamin si Klaire sa tunay na nararamdaman nito.

It’s not that bad to meet that bitch again,wika ni Rage sa sarili, tumaas ang sulok ng kanyang labi.

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)