Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 143

Natauhan si Rage at agad na hinanap ang asawa. Siya mismo ang nagsabing hindi nila kailangan ng pagmamahal sa pagsasama nila, pero agad din niyang pinagsisihan ang mga salitang nabitiwan.

Iniisip niya kung paano aayusin ang magulong sitwasyon nila dahil sa mga salitang binitiwan niya. Ramdam niya ang panlalamig ng relasyon nila ni Klaire mula pa nang magising siya kaninang umaga.

Fuck, I’m so stupid!mura ni Rage sa sarili at kinagat ang ibabang labi.

Hawak man niya ang kanyang phone, pinaplano na niya sa utak niya kung paano babawiin ang mga nasabi na niya, bagay na ni minsan ay hindi pa niya kailanman ginawa. Siya si Rage De Silva. Hindi niya binabawi ang mga nasabi na niya. Kaya nga kahit nang magpaalam si Klaire sa kanya kanina, bastabasta na lang ang sagot niya. Umaktong walang pakialam.

At nang mapansin na wala na talaga si Klaire sa hotel room nila, dalidali niyang nilibot ang buong hotel para hanapin ito. Hindi niya talaga matandaan ang sinabi ni Klaire, o ang mas totoo, hindi niya ito pinakinggan.

Sinuyod ni Rage ang bawat sulok ng hotel, at pinilit ang mga guards doon na buksan ang CCTV para mapanood ang footage ng paglabas ni Klaire sa kwarto. Doon niya lang nalaman kung saang direksyon nagtungo ang asawa.

Mabuti na lang at agad niyang natunton ang asawa. Kahit likod lang ang nakita niya, agad niyang nakilala si Klaire.

Pero ang asawang nakasuot ng puting summer dress na hanggang tuhod ay may kasamang batang lalaki.

Pero sino ang batang kasama niya?

Agad na lumakad nang mabilis si Rage papalapit.

Klaire De Silva!sigaw niya.

Napalingon si Klaire sa pamilyar na boses. Ganoon din ang bata.

Saglit na natigilan si Rage nang mapatingin sa bata, ngunit agad niyang ibinaling ang tingin kay Klaire.

Where have you been? Hinanap kita kung saansaan. Bakit hindi mo ako sinabihan bago ka umalis?

Napakunot ang noo ni Klaire, gulat sa tanong nito.

“Sinabi ko sa’yo na lalabas lang ako. Hindi mo ba ako narinig? Ano bang iniisip mo kanina?

I-

Is she your older brother?tanong ni River na inosenteng nakatitig kay Klaire.

Matalim ang tingin ni Rage sa bata. She’s my wife! And you little brat, where are you taking my wife? Sino’ng nagsabing isama mo siya?!

You’re so rude, Sir! May pangalan ako. River Ortega! And I’m too young to kidnap, Miss Klaire!

Wala akong pakialam! Umuwi ka na! Ako na ang bahala sa asawa ko.

1/2

2

Kabanata 143

+25 BONUS

Walang pakialam si Rage sa bata. Halata sa mukha niya ang pagkairita sa presensya nito.

Huwag ka ngang ganyan sa bata! Gusto mo bang tratuhin din nang ganya’n ng ibang tao ang anak mo?

No one will dare harm my child and my wife.Buong paninindigang saad ni Rage. Lagi niyang poprotektahan ang magina niya.

Napahinga nang malalim si Klaire at hinawakan ang kamay ni River. Kahit na naroon pa si Rage, gusto niyang patunayan sa sarili na mali ang hinala niya. Isa pa, mukhang hindi kilala ni River si Rage. Bahagyang gumaan ang loob niya dahil doon.

Siguro naman ay nakita na ni River sa picture ang ama niya, di ba? Naisip niya na baka masyado lamang siyang nagaassume na may anak si Rage sa ibang babae.

“Ihahatid ko muna pauwi si River. Malapit lang naman ang bahay nila,mariing sabi niya, hindi papayag na hadlangan siya ni Rage dahil ayaw na niyang masyadong isipin ang bumabagabag sa isip niya.

Kung malapit lang ang bahay nila, makakauwi siya nang magisa.Malamig ang tingin ni Rage kay River. Anong klaseng magulang ang hinahayaang magpapalakadlakad ang anak nila sa kalsada? Wala ba silang pakialam?!

Rage!Napansin ni Klaire ang lalim ng poot sa bawat salitang binibitawan ng asawa niya patungkol sa mga magulang ni River.

Alam niyang may dahilan si Rage sa pagiging gano’n sa bata. Pero hindi pa rin niya matanggap ang mga masasakita na salita na binibitawan nito sa isang hamak na bata lamang.

Dumaan na rin si Klaire sa ganoong karanasan. Ayaw niyang maranasan iyon ng ibang bataang lumaki sa paligid ng mga taong ayaw sa kanila.

Nanumbalik ang kutob sa dibdib niya.

Bakit ba parang galit na galit si Rage sa batang ito? Eh hindi naman niya ito kilalamaliban na lang kungkilala niya talaga ang mga magulang ng bata!

Nevermind na lang pouuwi na lang po ako magisa. Masungit po masyado ang asawa n’yo, Miss.Napaingos si River na parang matanda.

No. Ihahatid na kita.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)