Kabanata 142
+25 BONUS
Kabanata 142
Paulit–ulit na bumabalik sa isip ni Klaire ang mapanakit na salita at galaw ni Rage habang pinagmamasdan niya
ito.
“Lalabas lang ako saglit,” wika ni Klaire, gustong makalanghap ng sariwang hangin tutal ay abala rin si Rage sa phone nito at nakasandal sa headboard ng kama.
“Hmmm…” walang emosyong sagot ni Rage, ni hindi man lang siya nilingon.
Akala ni Klaire ay pipigilan siya nito. Pero parang wala naman itong pakialam. Kaya’t tahimik siyang lumabas ng kwarto, hawak ang kanyang cellphone.
Walang pinagbago ang klima ng Baguio mula kahapon. May bahagyang ginhawa sa dibdib ni Klaire nang makalanghap ng preskong hangin matapos makaramdam ng bigat ng puso sa loob ng hotel room. 1
Dinala siya ng mga paa niya sa plaza’ng pinuntahan nila kagabi. Tulad ng sinabi ni Rage, may mga taong nagtayo roon ng mga rides.
Masaya sana kung sinama niya si Rage para masubukan ang mga rides na iyon. Kaya lang, parang ayaw na siyang samahang magsaya ng asawa.
Dahil tirik ang araw, nakaramdam ng pagkatuyo ng lalamunan si Klaire. Nagpalinga–linga siya para maghanap ng nagtitinda ng inuman, pero wala ni isang tindero doon.
Sa gabi lang nagbubukas ang mga food stall doon kaya naman napilitan si Klaire na umalis muna sa plaza at maghanap ng tindahan malapit doon.
Bumilis ang lakad niya nang makita ang isang ice cream vendor sa gilid ng kalsada..Ni hindi niya namalayang may batang lalaki palang naglalakad sa harapan niya.
“Aray! Miss! Nahulog ang ice cream ko!” sigaw ng pitong taong gulang na bata na nadapa sa harapan niya, nakatitig sa ice cream na nabitiwan.
“Hala, sorry! Bibilhan na lang kita ng bago!”
Tinulungan niya ang bata na tumayo. Buti na lang at hindi ito umiyak dahil nahulog ang ice cream nito.
Nang mag–angat ng tingin ang bata, napakunot ang noo ni Klaire. Pamilyar sa kanya ang itsura ng batang ‘to. Hindi siya pwedeng magkamali. Naaalala paa niya ang mukha nito na halos kapareho ng sa asawa niya.
Paanong sa dami ng tao sa mundo, muli na namang nagkrus ang landas nila ng batang ‘to?
“Ikaw…” naputol ang salita ni Klaire, nanginginig ang boses.
“Aren’t you going to buy me a new ice cream?” Hinila ng bata ang kamay ni Klaire papunta sa vendor.
Wala nang nagawa si Klaire kundi sumunod, punong–puno ng hinala ang isipan, mga bagay na pansamantala niyang nakalimutan. Mabilis ang paghinga niya habang naiisip na magkikita sila ng ina ng batang ‘to.
“Anong pangalan mo?” tanong ni Klaire habang hinihintay nila ang ice cream nito.
1/2
Kabanata 142
+25 BONUS
“River Ortega. Ikaw po?”
“Klaire De Silva. Bakit mag–isa ka lang dito? Nasaan ang mama at papa mo?”
Naiintriga si Klaire at gustong makakuha ng impormasyon mula sa bata. Baka kilala talaga ni Rage ang ina ng batang ‘to.
“Malapit lang ang bahay namin. May work si Mommy at wala naman akong Daddy.” Walang bakas ng lungkot sa mukha ni River nang sabihin iyon, tila ba sanay na itong tanungin tungkol sa ama.
“Sorry…”
“Okay lang po. I’m lucky that I don’t have to deal with the bad guy who abandoned my Mommy while I was still in her womb,” kibit–balikat ni Nikolas na parang wala lang ang mga tinuran nito.
Lalong gumulo ang isipan ni Klaire. Tuluyang bumigat ang dibdib niya nang marinig ang mga sinabi ng bata.
‘River… pareho ng unang letra ng pangalan ni Rage. Hindi pinanagutan ng Daddy niya ang Mommy niya. Nago- overthink lang ba ako…?‘
Napailing si Klaire para linawin ang pag–iisip. Nang handa na ang ice cream nila, naupo sila ni River sa bench sa bangketa.
“Thank you for the ice cream, Miss. Kung gusto mo po, pwede kitang dalhin sa house namin.”
“Talaga ba? Puwede ako pumunta doon?”
Hindi na siya sinagot pa ni River. Sa halip, hinila nito ang kamay niya at tumakbo sila patungo sa bahay nito. Hindi nagawang tumanggi ni Klaire, kahit may kaba siyang nararamdaman.
Kanina’y interesado lang siya… pero ngayon, para bang natatakot siyang malaman ang katotohanan na maaaring makasakit at makadurog ng puso niya. 1

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)