Sa halip na sagutin ang tanong ni Klaire, hinalikan ni Rage ang mapupulang labi nito. “Hatinggabi na, go to sleep
>>
Labis naman ang pagkadismaya ni Klaire. Alam niyang iniiwasan ni Rage na sagutin nito ang tanong niya. Kaswal lang naman ang tanong niya, pero mas naging kuryoso pa siya sa nararamdaman nito.
“Sagutin mo muna ako…”
Hinila ni Rage ang asawa at saka niyakap. Kahit siya, hindi alam ang sagot sa mga katanungan niya. Ang alam niya lang ay masakit ang magmamahal at desperado niya ‘yong iniiwasan. Isa pa, kailangan pa ba ng pagmamahal kung kanyang–kaya naman na si Klaire?
“Whatever the basis of this marriage, we have to respect and rely on each other. ‘Yung pagmamahal na ‘yan, para lang ‘yan sa mga nagliligawan. Hindi naman ‘yan ang magpapatibay sa kasal natin. It’s always the respect and trust between us,” matalinong sagot ni Rage.
Ngunit ang lahat ng sinabi niya ay kabaligtaran ng gusto niya. Gusto niyang marinig mismo kay Klaire na mahal siya nito.
Natanong na lamang din ni Klaire, hindi niya maiwasang mapaisip kung bakit sabik siyang mapaamin ang asawa
Samantala, hindi rin kontento si Klaire sa paliwanag ni Rage. Napagtanto niya na baka kaya binubuhos ni Rage ang buong atensyon sa kanya ay dahil sa obligasyon nito bilang asawa niya.
“Kung walang pagmamahal ang isang kasal, magtatagal ba talaga ito?” mahinang bulong niya sa sarili, na narinig ni Rage.
“Magtatagal tayo. Dahil hinding–hindi kita pakakawalan,” wika ni Rage.
“Paano kung bigla kang ma–inlove sa ibang babae?”
“Hindi ako mai–inlove sa iba,” matigas ang sagot ni Rage.
“Okay. So kailangan lang natin maging mabuting asawa sa isa’t isa at palaging intindihin ang isa’t isa.”
Parehong nakaramdam ng pagkadismaya sina Klaire at Rage. Sa kaibuturan ng puso nila, kapwa nila gustong mapaamin ang isa’t isa. Pero dahil sa pride… o marahil sa takot na muling masaktan, pareho silang napuno ng panghihinayang.
“Bakit hindi mo ako tanungin, paano kung ma–inlove ako sa ibang lalaki?”
THUD!
Parang may kung anong humampas kay Rage sa tanong na ‘yon ni Klaire. Kahit ang marinig ang bagay na ‘yon ay hindi niya matanggap!
Kung mai–inlove si Klaire sa ibang lalaki… baka hindi na niya mapigilan ang sarili at gumawa ng paraan para burahin ang lalaking ‘yon sa mundo!
Kabanata 141
+25 BONUS
“I won’t let you fall in love with another man!” mariing saad ni Rage. “Sa akin ka lang puwedeng ma–inlove!”
“Pero ikaw ang nagsabing hindi natin kailangang magmahalan!”
Rinig ni Klaire ang mabilis na tibok ng puso ni Rage habang yakap siya nito. Galit ba ito dahil sinabi niyang posibleng ma–inlove siya sa iba? O dahil akala nito ay iiwan niya ito?
Kumalas si Rage mula sa yakap. Pagkatapos ay mariing sinunggaban ang labi ni Klaire.
“These lips are mine only,” bulong ni Rage at saka muli siyang marahas na hinalikan.
Ang basang labi nito ay lumipat sa kanyang dibdib. Sa isang hatak lang, naibaba na agad nito ang suot niyang manipis na nightgown.
“Wala nang ibang puwedeng gumawa nito sa’yo kundi ako lang,” bulong ni Rage habang sinusupsop ang balat
ng asawa.
“Argh… t–teka… m–masakit…” daing ni Klaire.
Hindi siya pinakinggan ni Rage. Nagdilim pa ang mga mata nito, tuluyan nang binalot ng pagnanasa at matinding selos sa ideyang baka may iba pang lalaking mahalin si Klaire.
“Babasagin ko ang bungo ng sinumang lalaking humawak sa’yo.”
***
Kinabukasan…
Matapos ang naging pag–uusap nila kagabi, naging tensyonado ang hangin sa pagitan nilang dalawa. Hindi magawang tingnan ni Klaire si Rage sa mata… mga matang tila nag–iba.
Malamig kung tumingin si Rage. Parang noong una niya itong makilala. Ni hindi siya nito kinakausap.
Ano bang nagawa niya at bigla na lang nagbago ang ugali nito? Hindi ba’t ito rin ang nagsabi na ang relasyon nila ay pawang binubuo lang ng respeto’t pagtitiwala?
‘Baka… baka hindi niya nagustuhan ang mga nasabi ko. Sumobra yata ako…‘ naisip ni Klaire, kinakabahan.
Hindi na niya kaya pang manatili sa iisang kwarto kasama ang isang lalaking ni hindi man lang siya pinapansin.
919
Kabanata 142
+25 BONUS
Kabanata 142

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)