Namamaos ang boses ni Chris nang sagutin ang tawag, halatang bagong gising ito.
“Send me the research results I requested this morning,” utos ni Rage.
Ilang segundo lang, natanggap na ni Rage ang email tungkol sa research nito. Binasa niya ang tungkol sa
lalaki. pagpaparamdam ng mga babae ng kanilang pagmamahal sa mga
‘Kasi mahal ko siya at gusto ko siyang makasama habang buhay.‘ Ang simpleng linyang iyon ay sagot ng halos kalahati sa ilang daang babae. “Stupid answer. But it doesn’t apply to my wife. Mahal man niya ako o hindi, mananatili siya sa poder ko hanggang sa tumanda ako.”
Habang binabasa ang iba’t ibang linya sa dokumentong ‘yon, napukaw ang atensyon niya ng isang bagay doon na napapansin niya kay Klaire.
“Jealousy… hmm, pagselosin ko ba nang husto si Klaire? No… baka magalit siya sa akin nang sobra at makasama pa sa pagbubuntis niya.”
Iba’t ibang mga sagot ang na–consider niya, pagkatapos ay nagsimula siyang bumuo ng mga plano para mapaamin si Klaire sa tunay nitong nararamdaman para sa kanya.
Ngingisi–ngisi siya nang lumabas si Klaire mula sa banyo.
Nagtataka namang napatingin si Klaire sa asawa. Ni walang bakas ng pagsisi sa mukha nito matapos siyang lokohin. Dali–dali siyang humiga sa kama at nagtakip ng kumot. Sumunod naman si Rage sa kanya pagkatapos mag–shower.
“Bakit ba lagi kang nagagalit kapag may babaeng nakakakilala sa’kin?” tanong nito. “Answer my questions and stop pretending to be asleep!”
“Dahil asawa kita. Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabing akin ka lang?”
Napangiti si Rage sa sarkastikong tono ni Klaire. Mabuti na lang at nakatalikod si Klaire at hindi nito nakita ang pilyong ngiti niya.
“Obvious namang sa iyo lang ako, kaya hindi ko na kailangang magalit, okay? Mahal na mahal mo na siguro ako kaya inis na inis ka kapag may babaeng lumalapit sa’kin,” tukso ni Rage.
Mahal? Mahal na ba talaga niya si Rage?
Si Miguel lang ang minahal ni Klaire. Pero iba ang damdaming nararamdaman niya noon para sa lalaki kumpara sa nararamdaman niya ngayon kay Rage.
Hindi siya kailanman nagalit kapag lumalabas si Miguel kasama ang mga kaibigang babae nito. Kahit pa noong may binili si Miguel para kay Kira, sinisigurado nitong may iniaabot din ito sa kanya para hindi siya magselos.
Naalala ni Klaire ang naramdaman niya noong makita sina Miguel at Kira na ikinasal.
‘Ano bang naramdaman ko noon? Bakit parang nakalimutan ko na?‘
Habang inaalam ang sariling damdamin, muling pumasok sa isipan niya si Amanda. Bigla niyang naisip na dahil
1/2
Kabanata 140
+25 BONUS
distant relatives lang sila ni Rage, hindi pa rin imposibleng nagkaroon sila ng relasyon noon.
‘Pero may asawa’t mga anak na si Amanda. Tinatago ba niya ang relasyon niya kay Rage noon dahil takot siyang malaman ito ng asawa niya? At dahil ayaw din ni Rage na malaman ko?‘
“People say that jealousy is a sign of love. Natural lang na mahalin mo ang asawa mo. Wala namang nakakahiya doon,” tuloy–tuloy na pang–aasar ni Rage.
Hinarap ni Klaire ang asawa. Ang nakangisi nitong mga labi ay agad na naging seryoso.
“Kung normal lang ang magmahal ng asawa, ibig bang sabihin, mahal mo na rin ako?” Kabadong tanong ni Klaire. Mabilis ang tibok ng puso niya habang hinihintay ang sagot ni Rage.
Mahal na nga ba siya ni Rage? O nirerespeto lang siya nito dahil asawa siya nito?
Napalunok naman si Rage. Hindi niya inakalang tatanungin siya ni Klaire ng gano’n. Nablangko tuloy ang isip niya. Kung hindi niya ito sasagutin, baka hindi rin umamin si Klaire sa nararamdaman nito. Pero ayaw din ng pride niya na siya ang maunang umamin.
At may isa pang bagay na gumugulo sa isipan niya. Oo, gusto niyang marinig mula kay Klaire na mahal na siya nito. Pero siya… hindi niya alam kung mahal na niya ito.
Naaakit lang ba siya sa magaganda’t kulay hazel na mga mga nito? O baka naman dahil pinagbubuntis nito ang anak niya?
Ang alam niya lang, kung aamin si Klaire na mahal siya nito ay susuklian niya ang pagmamahal nito. Ngunit hindi siya lubusang makakasiguro na gano’n nga ang mangyayari hangga’t hindi ito umaamin sa kanya.
“Bakit ‘di ka makasagot? Palagi mong sinasabi na baliw na baliw ako sa’yo… na sobrang selosa ko kasi inlove ako sa iyo. Pero ikaw? Wala ka bang nararamdaman para sa’kin?” hamon ni Klaire.
Anong sagot ang ibibigay niya?

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)