Kabanata 139
Naiintindihan naman niya kung hindi aaminin ni Rage na kilala nito ang babaeng nakita nila sa parking lot. Hindi naman talaga siya sigurado kung kilala ba ‘yon ni Rage o hindi. Tanging ang kutob lang niya ang nagsasabi na kilala nito ang babaeng ‘yon.
Pero iba ang sitwasyon ngayon. Malinaw na sinabi ni Rage sa kanya na wala itong close na kaibigang babae sa lugar na ‘yon.
Ngunit sa pananalita ng babae, para bang close na close sila. Talagang sinabi pa nito na dapat ay sinabihan siya ni Rage bago para makapaghanda ng kwarto!
Iisa lang ang ibig sabihin noon… palaging nagkikita si Rage at ang babaeng ito sa tuwing pumupunta ito sa Baguio. Sa unang pagkakataon, kita ni Klaire ang kaba sa mukha ng asawa na mas lalong nagpaalab ng iritasyon
niya.
‘Sinungaling ka…‘
Pinagmasdan niya nang mabuti ang hitsura ng babae. Sa tantya niya, halos kasing–edad ito ni Rage. Sa pusta niya ay matagal nang magkakilala ang dalawa.
Maganda ito…
Bigla tuloy nanliit si Klaire. Walang kahit anong kulubot sa mukha ng babae at mukhang matured. Nakasuot ito ng designer clothes at mga alahas. Simple lang ang ayos nito, pero alam niyang mamahalin ang bawat telang suot nito. Bukod pa roon, kaakit–akit din ang ngiti nito.
“Oh, I’m sorry,” saad ng babae nang maalalang hindi pa pala ito nagpapakilala kay Klaire. Inilahad nito ang kamay para makipag–shakehands at ngumiti. “My name is Amanda Salvador. You must be Rage’s wife, as I heard from the news.”
“Klaire De Silva.” May diin ang pagkakabanggit niya ng apelyido ng asawa. “Sa balita mo lang nalaman? Akala ko in–invite ng asawa ko ang lahat ng kakilala niya.”
“Rage invited me, kaso hindi ako nakapunta ng kasal. I’m sorry…‘
“Did I? Ang Mama ko ang nag–asikaso ng mga wedding invitation. I don’t really know. Halos nakalimutan ko na ring taga–rito ka pala. Even your name if you hadn’t mentioned it.” Bahaw na tumawa si Rage.
Napasinghap si Amanda sa sinabi ni Rage.
“Ako ka ba? Palagi ka ngang tumutuloy sa bahay ko kapag pumupunta rito sa Baguio para… hmm, para sa festival.” Pilit ding tumawa si Amanda.
Ramdam naman ni Rage ang mahigpit na kapit ni Klaire sa kanyang kamay. Sigurado siyang selos na selos na ito sa presensya ni Amanda. Napapamura tuloy siya sa isip dahil bigla na lamang sumulpot si Amanda.
Napansin naman ni Amanda na na–misinterpret ni Klaire ang mga sinabi niya kaya agad siyang nagpaliwanag. Don’t misunderstand, Mrs. De Silva. Well, palaging tumutuloy si Rage sa bahay ko dito dahil distant relatives kami. Saka nag–aral din kami sa same na university.”
“Distant relatives?” pabalik–balik ang tingin ni Klaire sa dalawa, hindi makapaniwala sa nalaman.
((
1/2
Kabanata 139
+25 BONUS
Sabi ni Rage ay hindi niya kilala ang Amanda na ‘to. Ngayon naman, malayong magkamag–anak pala sila?
“‘Yung pinsan ng Mama niya, pinsan din ng Mommy ko. That’s why distant relatives.” Tumawa si Amanda. ” Pero pamilya pa rin kami kaya wala ka dapat ikaselos.”
“H–hindi ako nagseselos!” giit ni Klaire.
“Tsk, sinabi ko na sa asawa ko na hindi naman tayo gano’n ka–close dahil nga selosa siya.” Niyakap ni Rage si Klaire. “Palaging nagseselos ‘to sa kahit sinong babaeng sumisipat sa akin. Isn’t she adorable?”
“Oh, you’re so lucky, Rage,” masayang biro ni Amanda.
“Hindi nga sabi ako—”
“Gumagabi na,” putol ni Amanda. “I have to get home. Hinihintay na ako ng asawa’t anak ko. Nauna na sila sa bahay. Huwag niyong kalimutan na bumisita sa bahay ah?” Kumaway pa ito at mabilis na naglakad palayo sa
kanila.
Nahihiya si Rage sa hindi mapatid na titig ni Klaire habang naglalakad sila sa hallway ng hotel. Pagkapasok sa hotel room, humalukipkip ito at namumula ang mukha sa inis.
“Hindi ako nagseselos sa mga babaeng lumalapit sa’yo! Ikaw, niloko mo ako ah! Sabi mo wala kang close na kaibigang babae rito!”
Niloko mo lang ako! Akala ko ba wala kang malapit na kaibigang babae rito!”
“You heard it yourself. Hindi ko na sinabi sa’yo kasi alam kong magseselos ka lang. At ayan nga. Nagagalit ka kasi nagseselos ka kay Amanda kahit nalaman mong magkamag–anak lang kami.”
Hindi naman nainis si Rage sa pagseselos ni Klaire. Bagkus, natutuwa pa nga siya. Mas lalo lamang niya kasing nararamdaman ang pagmamahal nito kapag nagseselos.
“Sinabi ko na ngang hindi ako nagseselos!” galit na sagot ni Klaire bago magmartsa papuntang banyo at padabog na sinara ang pinto.
Tumawa na lang si Rage sa pagde–deny ng asawa. Nang maaalala ang nangyari kanina, agad niyang tinawagan si Chris kahit hatinggabi na.
Kabanata 140
+25 BONUS

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)