Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 138

Pagkatapos mabusog si Klaire, dinala siya ni Rage sa mga game booth kung saan nanalo sila ng kung anuanong premyo. Puno na ang mga kamay ni niya ng mga stuffed toy, music box, at iba pang laruan na napanalunan ni Rage para sa kanya.

Tama na. Ang dami ko nang buhat -buhat,pigil ni Klaire nang muli siyang yayayain ni Rage na maglaro pa.

You don’t want me to help you carry them

Akin kasi to!Niyakap niya ang mga napanalunan na puro bunga ng pagsisikap ni Rage.

Napangiti naman si Rage, hindi inaakala na mas matutuwa si Klaire sa mga simpleng laruan kaysa sa black card na ibinigay niya. Gayunpaman, gumaan ang pakiramdam niya. Hindi tulad ng ibang babaeng dumaan sa buhay niya, hindi pera ang habol ni Klaire sa kanya.

Sa paglalim ng gabi, naupo sina Klaire at Rage sa isang bench habang kumakain ng snacks. Sa harapan nila, masaya ang mga tao sa pagsasayaw at pagdiriwang.

Ang tahimik niyo naman! Sumama na kayo sa amin!sigaw ng isang ginang at hinawakan ang kamay ni Klaire.

Dahil nakaupo sila malapit sa sayawan, nahiya na si Klaire na tumanggi. Hinila niya rin si Rage para makisali sa kasiyahan.

Kahit hindi mahilig si Rage sa mataong lugar, sumunod siya sa gusto ng asawa. Wala rin namang makakakilala sa kanya doon. Isa pa masaya siyang kasama si Klaire.

Pinanood ni Klaire si Rage na tumatawa’t sumasayaw, nakikipaghawakkamay sa ibang naroon. Hindi rin niya maiwasang ihiyaw ang mga salitang lokal na binabanggit ng mga taong naroon kahit hindi naman niya naiintindihan, dahil nadadala siya sa saya ng paligid.

Ang saya pala nito. Ba’t ba ngayon ko lang napuntahan ang lugar na to?bulalas ni Klaire nang bumagal na ang

musika.

Kaunti lang kasi ang may interes na pumunta rito. There are no big companies here. Maliit ang monthly income kumpara sa ibang syudad,paliwanag ni Rage.

Tama ka, pogi. Pero masaya naman ang mga lokal dito. Walang krimen o mga kompetisyon,dagdag ng babaeng katabi ni Klaire.

Pagkatapos ng nakakapagod pero masayang sayawan, muling naupo sina Klaire at Rage kasama ang ibang residente. Wala ni isa sa kanila ang nakakakilala kay Rage De Silva na sikat na sikat sa buong bansa. Napangiti si Klaire at lihim na tinawanan ang asawa.

Is your stomach alright? Huwag mong kalimutan ang baby natin,paalala ni Rage.

Okay lang ako. Kita mo kanina diba, paikotikot lang ako at hindi naman ako tumatalon.

Ahmagasawa pala kayo? Akala ko magkapatid kayo,komento ng isang lalaki sa grupo.

Hindi lang ang lalaki ang nagulat; marami rin ang tila nabigla dahil kung titingnan ay ang bata ng hitsura ni Klaire kumpara kay Rage.

1/2

Kabanata 138

+25 BONUS

Kalmado pa rin si Rage, at sinabing normal sa Manila ang age gap sa pagaasawa.

Ang galing mo, Kuya! Ang ganda ng asawa mo,sabi ng isang binata.

Nakaramdam naman ng pagkahiya si Klaire. Marami kasi doong binata’t dalaga na single pa rin at inienjoy ang buhay kasama ang mga kaibigan nila.

Hanggang sa nakaramdam siya ng lungkot dahil hindi niya magawa ang mga nagagawa ng mga ito. Wala silang masyadong oras ni Charlie para magbonding, at kailangan pa niyang magpaalam kay Rage para bisitahin ito.

Uwi na tayo?tanong ni Rage. Kailangan mo rin nang magpahinga.

Tahimik lamang na tumango si Klaire. Hindi man niya sabihin, alam ni Rage ang iniisip niya. Hindi lang niya alam ang dapat sabihin para mapagaan ang loob ni Klaire Isa pa, halos kaedad na niya ang Uncle nito, kahit hindi lang halata sa itsura niya.

Hanggang sa magpaalam na ang magasawa sa mga bagong kakilala doon. Magkahawakkamay silang naglakad pabalik ng hotel, dala ang mga pinamili at mga regalong nakabalot sa malaking paper bag.

Are you embarrassed to have a husband as old as me?

Hindi, ah. Naiinggit lang ako sa mga kaedad ko. Pwede silang lumabas kung kailan nila gusto, walang nagbabawal,sagot ni Klaire.

Napabuntonghininga si Rage. Hindi naman kita pinipigilan. Gusto ko lang may kasama ka palagi, lalo na’t buntis ka. Kailangan mong alagaan ang sarili mo habang hindi ka pa nanganganak.

Nagliwanag ang mga mata ni Klaire sa narinig.

Kung gano’n, pagkatapos ko manganak, pwede na akong lumabas kasama si Charlie kahit kailan ko gusto?1

Of course,sagot ni Rage kahit alam niyang kapag nanganak na si Klaire ay mas magiging busy ito sa pag- aalala ng baby nila.

Mahigpit na kumapit si Klaire sa braso ni Rage, tuwangtuwa sa pangako nito.

Rage De Silva!”

Napatigil sila sa paglalakad nang marinig ang boses ng isang babaeng tumawag kay Rage. Pareho silang naestatwa nang tumakbo ito palapit sa kanila habang kumakaway.

Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka? You should’ve called me first. Nakapagpahanda sana ako ng kwarto para sa inyo!

Napabaling ang tingin ni Klaire sa asawa.

Mukhang hindi nga talaga niya lubusang kilala pa ito

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)