Kabanata 156
Isa si Rage sa mga magagaling na businessman na kilala sa paggawa ng mga oportunidad mula sa isang problema. Sa totoo lang, hindi siya lang sa negosyo mahusay, pati na rin sa usaping pag–ibig.
Dahil sa mga exaggerated na kwento ni Rage, mas naging mapusok si Klaire para pasiyahin siya. Halos malaspag siya buong gabi para lang matugunan ang pang–aakit ni Klaire.
“Huwag kang papatukso sa ibang babae. Nangako kang mamahalin mo ako kapag ibinigay ko ang puso ko sa’yo.” Niyakap siya ni Klaire na pawis na pawis pa.
Napangiti siya at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Klaire. “Alright, you’ve succeeded in increasing my love for you a little.”
Napatingala si Klaire, at agad namang pinawi ni Rage ang ngiti sa labi.
“Kaunti lang?” reklamo ni Klaire.
Tinapik ni Rage ang labi gamit ang hintuturo. “Pwede pa naman akong magdagdag ng kaunti.”
“Pero pagod na ako. Hindi ka ba nag–aalala para sa baby natin?”
“Labi lang naman ang tinapik ko. Why are you overthinking it? Huwag kang masyadong sabik…”
Napahinga nang maluwag si Klaire, pagkatapos ay hinalikang muli si Rage nang mariin, para na rin mapaligaya
ang asawa.
“Oh… gumagaling ka na. Sige… dagdagan ko pa ang love bonus mo.
Aabutin na sana ulit ni Rage ang mga labi niya, pero biglang umiwas si Klaire.
“Anong percent naman?”
“Fifty percent.”
Natuwa naman si Klaire. Nagbunga ang lahat ng effort niya para mahalin siya ni Rage. Namutawi ang ngiti sa pagod niyang mukha, ni hindi namamalayang binibiro lang siya ni Rage.
“Huwag kang masyadong ma–excite. Kailangan mo pang magpursige. Because you only get fifty percent of a thousand percent.”
Biglang nanlambot ang pagod na mukha ni Klaire. “Sige. Bibigyan lang kita ng twenty–five percent na love. Kalahati lang ng binigay mo ang ibibigay ko.”
Muling isinubsob ni Klaire ang ulo niya sa dibdib ni Rage.
“Ang kuripot mo naman.” Sinipa ni Rage ang kumot na nakatabon sa hubad nilang katawan. “Dagdagan pa natin para mabilis nating makumpleto.”
“Ayoko. Pagod na ako,” tanggi ni Klaire.
“You just stay still and don’t move.”
Kabanata 156
***
+25 BONUS
“May pupuntahan tayong maganda. You’ll love it,” wika ni Rage kay Klaire matapos mag–almusal kasama ang mga Salvador.
Naghahanda na silang umalis doon. Ni–request pa nga ni Amanda na magtagal pa sila roon, dahil matagal na mula noong huli silang nagkita ni Rage. Pero ayaw ni Rage na gamitin pa ni Monique ang pagkakataon para magkita pa silang muli.
Sawang–sawa na si Rage na balikan ang nakaraan. Ang gusto niya lamang ngayon ay turuan si Klaire na maging matapang na hindi basta–basta magagapi ng mga problema, at makuha ang isang daang porsyentong pagmamahal nito.
“Saan naman tayo pupunta? Pagod na ako… Mainit yata ngayon sa labas. Hindi ko kaya na walang aircon,” lambing na reklamo ni Klaire.
Marahang pinalo ni Rage ang pwet ng asawa. “Come on, wife. Tama na muna ang paglalampungan natin sa kama. Pigilan mo muna ang init mo.” Lalo siyang natuwa nang makita ang pagngiwi ng labi ni Klaire. “The place we’re going to is perfect for the weather.‘
Umalis na rin sila nang dumating ang kotse na nirentahan ni Rage. Hindi naman kalayuan ang destinasyon, kahit pa ayaw itong sabihin ni Rage. Pagkalipas ng mga tatlumpung minuto, narating nila ang dalampasigan.
Malapad na napangiti si Klaire. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Rage na mahilig siya sa dagat!
Pagkababa pa lang ng kanyang mga paa, agad niyang hinila si Rage papunta sa baybayin. Sumunod naman si Rage habang pinapanood ang masayang pagtampisaw ni Klaire sa tubig.
Kahit hindi ito ang orihinal na naisip ni Rage. Ang gusto sana niya’y masilayan si Klaire sa seksing bikini buong
araw.
“Magkakasakit ka niyan kung babasain mo yang damit mo. Magpalit ka ng mas komportable. Tingnan muna natin ang kwarto na nirentahan natin.”
Napilitan si Klaire na umahon. Magkahawak–kamay silang nagtungo sa hotel na hindi kalayuan sa dalampasigan.
Minsan–minsan ay palundag–lundag si Klaire para iwasan ang buhanging may bula na umagos sa mga paa niya. Hindi siya tinigilan ni Rage sa pagsaway, dahil baka makasama sa baby nila ang pagkamalikot niya.
Pagkarating nila sa hotel, nanlaki ang mga mata ni Klaire, manghang–mangha sa kanilang kwarto. Mula sa balcony, tanaw niya ang buong karagatan. May swimming pool din. Masarap sa mata ang lahat ng nakikita niya.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)