Kabanata 157
“It’s much better here. Presko at parang dinuduyan ako sa natok.” Paupo na sana si Klaire sa recliner nang biglang hilahin siya ni Rage. “Bakit?”
May kinuha si Rage mula sa bag na nasa kama na inihanda ng kanyang mga tauhan. Iniabot niya kay Klaire ang ilang maliliit na piraso ng tela.
“Ano ‘to?” Itinaas ni Klaire ang bikini sa harap ng kanyang mukha. Bigla na lang nalaglag ang kanyang panga. Gusto mong isuot ko ‘to?”
((
“Of course. Nandito na rin lang tayo sa beach. Ako mismo ang pumili ng bikini na babagay sa’yo. Bilisan mo na’t isuot mo na, bibigyan kita ng one hundred percent love kapag nasiyahan ako sa itsura mo,” utos ni Rage.
Nagtaas naman ng kilay si Klaire. Mabilis siyang nagbihis at lumabas suot ang bikini, nahihiya pa habang ipinapakita iyon kay Rage.
Si Rage, na noon ay nakaupo sa chaise lounge at nakatitig kay Klaire, ay biglang umayos ng upo. Sinuyod ng kanyang mga mata ang napakagandang tanawin na pinapakita ng asawa niya.
“Masyadong namang revealing ‘to,” ani Klaire habang tinatakpan ang katawan gamit ang dalawang kamay. Nahihiya akong lumabas nang ganito ang suot.”
((
Lunok–laway si Rage sa nakikitang ka–sexy–han ng asawa. Gusto na sana niyang buhatin si Klaire papunta sa kama, pero may gusto pa siyang ipakita dito.
Tumayo si Rage mula sa kinauupuan at kumuha pa ng isang piraso ng tela mula sa shopping bag. Isinuot niya kay Klaire ang isang mahaba at mainit na cover–up para takpan ang bikini nito.
“Saan tayo pupunta?” tanong ni Klaire nang hatakin siya ni Rage palabas ng kuwarto.
Hindi sumagot si Rage. Sinama niya si Klaire para mag–lunch, pagkatapos ay nagtungo sila sa pantalan. Sa harap nila, isang marangyang yate ang nakaangkla. Laking gulat ni Klaire nang makita doon si Chris.
“Chris, bakit nandito ka?” tanong ni Klaire.
“Dumaan lang po ako para bilhin ang yate para sa inyo.”
Napanganga si Klaire at tumingin kay Rage. Parang nakalimutan na naman niya kung gaano kadaling gumastos ng ilang bilyon ang asawa niya para lang mapasaya siya.
“Bakit ka pa bumili? Pwede naman tayong magrenta. Balak mo bang manirahan sa dagat habang buhay? Buntis pa naman ako. Wala pa tayong follow–up check up sa doktor kung puwede ba akong sumakay sa mga ganyan.”
“Do you know why I bought a yacht?”
“Kasi mayaman ka at gusto mong ipagyabang sa akin,” pabirong sagot ni Klaire.
Nagtaas ng kilay si Rage. At paanong alam ‘yonni Klaire? Bukod sa gusto niyang pasayahin ito, gusto rin niyang iparamdam na siya lang ang makakapagbigay ng lahat ng para dito.
“You don’t need to worry about your pregnancy. Maayos naman ang makina ng yateng ‘yan, at hindi naman
Kabanata 157
+25 BONUS
bawal ang mga buntis na sumakay diyan.”
Hinila ni Rage si Klaire papunta sa yate.
Napakaganda ng tanawin mula sa gitna ng laot. Bagamat lumaki si Klaire sa mayamang pamilya, hindi pa niya naranasan ang ganitong klaseng karangyaan. Ngayon lang niya talaga naramdaman ang kasiyahan at pagiging
kontento.
Lalo pa’t narinig niya ang presyo ng yate na ‘yon at kung paano kinontrata ni Rage ang pinakamagagaling na
crew.
Ngayon, nakahilig na si Rage sa dibdib niya, yakap–yakap siya.
Napakapanatag ng pakiramdam ni Rage na gusto na niyang ipikit ang mga mata.
Pero biglang natulak ni Klaire ang asawa nang maalala niya ang mukha ni Monique. Sa tuwing may ginagawa si Rage para sa kanya, hindi niya maintindihan kung bakit lagi pa ring sumasagi sa isip niya ang mukha ng babaeng ‘yon.
“Sumakay ka na rin ba sa yate kasama si… Monique?” tanong ni Klaire, may pag–aalangan sa boses.
Napailing si Rage, naiinis. “Why are you bringing that up again? Gusto mo ba talagang maalala ko siya? Di ba nagkasundo tayo na wag nang pag–usapan ang nakaraan ko?”
“Hindi!” mabilis na sagot ni Klaire.
Gusto lang talaga niyang malaman. Hindi niya alam pero, gusto niyang ikumpara kung paano itrato ni Rage si Monique noon at kung paano siya itrato nito ngayon. Hindi niya matatanggap kung mas higit pa ang naibigay ni Rage sa babaeng ‘yon kaysa sa kanya.
Nakita ni Rage ang pagkabahala sa mukha ni Klaire, kaya’t di na napigilang magsabi ng totoo.
“Yes.”
Kabanata 158
+25 BONUS

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)