Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 158

Kabanata 158

Lalong lumungkot ang mukha ni Klaire matapos marinig ang sagot ni Rage. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Pinagsisihan niyang tinanong pa niya ang isang bagay na alam naman niyang makakasakit sa kanya.

Hindi niya talaga maintindihan kung bakit gusto niyang halukayin ang nakaraan na wala namang halaga para kay Rage. 1

Minsan, hindi niya matanggap ang ideya na may minahal si Rage na iba bago siya kahit alam niyang hindi maiiwasan iyon dahil mas matanda si Rage at may sariling buhay bago sila nagkakilala.

Pero nagrent lang kami ng yate noon. At kasama rin namin si Amanda. Hindi kami lumalabas ng kami lang. Are you satisfied now?dagdag ni Rage.

Bakit hindi kayo lumalabas ng kayo lang?

Napamura si Klaire sa sarili. Gusto na sana niyang itigil ang pagtatanong tungkol kay Monique. Pero parang nawalan siya ng kontrol sa dila niya dahil sa selos na hindi naman niya dapat nararamdaman.

Samantala, sinusubukang intindihin ni Rage ang iniisip ni Klaire, bagay na talagang nakakalito para sa kanya. Paulitulit na lang itong nagtatanong ng mga bagay na ayaw na niyang pagusapan pa.

Kapag hindi naman niya sinagot, maiinis ito sa kanya. Pero kapag sinagot naman niya, mas lalo pang nagagalit o nalulungkot ang babae.

Hindi na niya alam kung saan lulugar.

Because that woman isn’t you. I was waiting to meet you to do all this.

Hindi nakawala sa paningin ni Rage ang pagkurba ng mga labi ni Klaire. Mukhang gusto lang nitong marinig ang isang sagot na makakapagpakalma sa kanya.

Pero binigyan mo rin siya ng pera, di ba?

Nagtagis ang mga ngipin ni Rage at napailing. Ayaw pa ring tumigil ni Klaire sa pagtatanong!

Hindi ito ang uri ng selos ng asawa na gusto ni Rage, dahil napipilitan siyang ungkatin ang mga alaala na matagal na niyang nilimot.

She asked for money for her parentsmedical expenses.Bago pa muling makapagtanong si Klaire, nagpatuloy si Rage, Bakit mo ba siya palaging binabanggit? Tuwing binabanggit mo siya, napipilitan akong alalahanin ang mga bagay na gusto ko nang burahin sa isip ko.

Napayuko naman si Klaire, puno ng pagsisisi. Bumigay na naman siya sa selos at ngayon lang napagtanto na nasasaktan niya si Rage sa patuloy niyang pagbanggit kay Monique.

I’m sorryHindi ko rin alam kung bakit palagi ko siyang naiisip sa tuwing may ginagawa ka para sa akin. Hindi ko makontrol ang mga nararamdaman ko

Umayos si Rage ng upo at hinawakan ang mukha ni Klaire gamit ang dalawang kamay. Nagtagpo ang itim niyang mga mata at ang kulay hazel na mata ni Klaire.

Kabanata 158

+25 BONUS

Mas masasaktan ka lang kung patuloy mo siyang iniisip. Wala rin akong kapangyarihang baguhin ang nakaraan ko para mapanatag ang puso mo. Kung nakilala lang kita noon pa, hindinghindi ako magkakaroon ng ibang babae kundi ikaw lang, Klaire De Silva.(1

Binitiwan ni Klaire ang kamay ni Rage at niyakap ito nang mahigpit.

Parang gusto na niyang maiyak

Eh anong dapat kong gawin? Lahat ng tungkol kay Monique, biglabiglang sumasagi sa isip ko.Tuluyan nang tumulo ang luha niya. Napapagod na rin akong laging naiisip ka kasama ang ibang babae. Gusto ko na ako lang ang laman ng lahat ng alaala mo.

Marahang hinaplos ni Rage ang buhok ng asawa. Ngayon lang siya nakaramdam ng pakadismaya sa sarili. Kahit gaano pa siya kayaman o makapangyarihan, hindi niya kayang gawin ang gustong mangyari ni Klaire.

Ikaw lang ang iniisip ko ngayon. Wala nang iba

Okay, pero huling tanong na langminahal mo ba talaga siya noon?(1

Napabuntonghininga si Rage. Oo. She was smart and cheerful. Pero napakalayo ng trato ko sa kanya sa trato ko sa yo ngayon. I was more realistic then, not like nowparang gusto ko nang bilhin ang kapangyarihan ng langit para lang baguhin ang nakaraan at hindi ko na siya sana minahal.

Kung posible lang, pupuntahan na kita noong pinanganak ka pa lang at kukunin na kita kay Theodore,dagdag pa ni Rage.

Napatitig si Klaire sa seryosong ekspresyon ng asawa. Siya ba ang first love mo?

Napailing si Rage, at ngumiti. You asked twice.

Huli na talaga topromisepagmamakaawa ni Klaire.

Hindi,maikling sagot ni Rage.

Hindi? Kung gano’n, sino ang first love ni Rage? May iba pa bang babae sa puso niya noon?

Biglang sumakit ang sentido ni Klaire. Gusto pa sana niyang itanong kung sino talaga ang first love ni Rage, pero nagpromise na siyang hindi na muling magtatanong.

Hinalikan ni Rage ang noo ni Klaire na nakakunot at halatang puno pa ng katanungan.

No more questions about the past,mariin niyang sabi. Kapag binanggit mo pa yan, ako naman ang magtatanong kung ano’ng nangyari sa inyo ni Miguel.

Natahimik si Klaire. Napagtanto niyang naging unfair siya kay Rage dahil kahit kailan ay hindi naman siya nagkwento tungkol sa naging relasyon nila ni Miguel. Samantalang siya, paulitulit na nagtatanong tungkol sa nakaraan ni Rage.

Bakit hindi ka man lang nagtatanong tungkol sa nakaraan ko? Hindi ka ba curious o interesado sa man lang?kuryoso niyang tanong.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)