“You… there’s always something that complicates your mind. Come on, mahiga ka at namnamin mo na lang ang magandang tanawin.”
Nahiga si Rage at niyakap si Klaire, sabay suot ng kanyang sunglasses.
Hindi na niya kailangang tanungin pa ang tungkol sa nakaraan ni Klaire. Halos lahat ng gusto niyang malaman ay nalaman na niya sa sarili niyang paraan.
Pero hinding–hindi niya ito ipapaalam kay Klaire. Gagampanan na lang niya ang pagiging maaasahang asawa at patuloy niya itong gagabayan.
“Ang init na… hindi pa ako naglalagay ng sunscreen,” reklamo ni Klaire.
Nakita niyang nasa gilid lang ng yate ang mga helpers, nakatingin sa kanila at kumakaway kaya nagtungo sila malapit sa may mesa.
“I’ll apply this. You can just sleep comfortably.” Kinuha ni Rage ang sunscreen na nakaayos na sa mesa kasama ng ibang gamit nila.
“Kayang–kaya ko naman ‘to.”
Napailing si Rage bilang babala. Tumahimik na lang si Klaire nang sinimulang lagyan ng sunscreen ni Rage ang bawat bahagi ng kanyang balat, lalo na sa mga parteng gustung–gusto nito.
“Ang kinis talaga ng balat mo…” Inangat ni Rage ang suot ni Klaire, at lumantad ang matingkad na pulang bikini na tila lalo pang nagpatingkad sa maputi nitong balat.
Napapikit si Klaire at bahagyang napaungol nang hinaplos ni Rage ang mga bahagi ng katawan niyang hindi naman talaga kailangan ng sunscreen.
“Aaah… huwag diyan…” Mabilis na isinara ni Klaire ang kanyang mga hita.
“Mahalagang lagyan dito. Ayaw mo namang masunog ‘yan sa araw, ‘di ba?”
Nang makita ni Klaire ang tingin ni Rage na nakatuon sa kanyang katawan, dali–dali niyang tinakpan muli ang sarili. “Tama na… sasayangin mo lang ang buong bote ng sunscreen!”
Kalahati pa lang ng bottle ng mabangong cream ang nalagay sa katawan niya, ngunit halos kumislap na sa araw ang balat niya.
“Now, it’s my turn…”
Hinubad ni Rage ang suot niyang shirt at bahagyang napasinghap nang isandal niya ang likod sa lounge chair. Naaakit na napatingin si Klaire sa asawa na ngayon ay naka–board shorts lang. Dahan–dahan niyang minasahe ang abs at ang matigas na dibdib ni Rage.
Doon lang niya naintindihan kung bakit ang tagal ni Rage maglagay ng sunscreen sa kanya. Sa tuwing dumadampi ang palad niya sa makinis na balat ng lalaki, may kakaibang kiliti at init siyang nararamdaman.
Hanggang sa mamula ang mga pisngi niya, paminsan–minsan ay napapatingin siya sa umbok sa ibaba ng shorts
1/2
Kabanata 159
+25 BONUS
ni Rage.
Hindi niya alam na kanina pa siya pinagmamasdan ng lalaking nakasuot ng sunglasses, nakakunot ang noo at ilang beses na napalunok nang malalim.
Mabilis na kinuha ni Rage ang phone at tinawagan si Chris na nasa loob din ng yate.
“1–sterilize mo ang buong yate at patayin ang lahat ng CCTV. Ngayon na.”
“Bakit mo pinapapatay kay Chris ang mga CCTV camera?” tanong ni Klaire, naguguluhan, matapos ibaba ni Rage ang tawag.
Inalalayan ni Rage ang asawa paupo sa kanyang kandungan. “You’ve never done that in the middle of the ocean, have you?”
“Ikaw talaga… h–huwag kang ganyan, nakakahiya…” mahina ang boses ni Klaire, pero hindi naman siya tumatanggi.
Samantala, sa kabilang bahagi ng yate, agad na sinunod ni Chris ang utos ng kanyang boss. Makalipas ang dalawang oras, naglalakad–lakad na ito sa harap ng pintuan ng silid nina Rage at Klaire, hindi mapakali.
Gusto na sana niyang ipaalam kay Rage na narating na nila ang isla, pero ang tanging naririnig niya mula sa loob ay mga tunog na nagpapatayo ng balahibo niya at nagpapaligo sa kanya ng malamig na pawis.
Nang wala na siyang marinig na mga ungol ay kakatok na sana siya sa pinto, pero napaurong siya nang malakas na umungol si Rage mula sa loob.
Huminga nang malalim si Chris at naupo na lamang malapit sa pintuan. Kailangan pa niyang bumalik agad sa kumpanya matapos ayusin ang pagbili ng mansyon sa isla na pansamantalang titirhan ng mga boss niya sa loob ng dalawang linggo. Pero hindi niya kayang gambalain ang ginagawa ng mga amo.
Nang papalubog na ang araw, bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas sina Rage at Klaire. Sa parehong posisyon pa rin ay nakatulog na si Chris,
“Naku, pinaghintay mo si Chris nang matagal. Kawawa naman siya,” sambit ni Klaire habang nakatingin sa personal assistant ng asawa.
“Chris.” Tinapik ni Rage ang paa nito gamit ang dulo ng sapatos.
Napabalikwas si Chris at agad tumayo. “Pasensya na po, sir. Nakatulog ako. Nakarating na po pala tayo sa isla.”
Bumaba mula sa yate sina Klaire at Rage at tumuntong sa isang maliit na isla na may iilan lamang na bahay at isang palapag na mga gusali. Di lalampas sa isang daan ang bilang ng mga tao doon.
Pagkababa pa lamang ni Klaire at pagdampi ng kanyang mga paa sa lupa, napatalon siya sa gulat dahil sa isang bagay na nasa harapan niya,
212

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)