Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 160

Kabanata 160

Ganito ba talaga ang isla na to?Binitawan ni Klaire ang kamay ni Rage at nagsimulang maglakad.

Ang kanilang yate ay nakadaong sa likod ng isla. Sa abot ng kanyang tanaw, nasilayan ni Klaire ang mga puting bulaklak na hitik sa paligid ng isang twostory house.

Lalong lumapad ang ngiti ni Klaire nang dahandahan siyang maglakad sa gitna ng mga bulaklak, hinahaplos ng bawat maliliit at malalambot na talulot ang kanyang palad. Lumingon siya kay Rage na may ngiti sa labi.

Mula sa kinatatayuan ni Rage, si Klaire na nakasuot ng puting coverup, parang anghel na nagniningning sa gitna ng mga bulaklak. Sa katunayan, tila kumupas ang kaputian ng mga bulaklak sa paligid dahil sa liwanag ng kanyang presensya.

Pakiramdam ni Rage ay natagpuan na niya ang babaeng mas higit pa sa kahit anong kagandahan sa mundo, at least sa kanyang paningin. Sulit ang lahat ng perang ginastos niya at hirap na tiniis sa paghahanda ng sorpresang ito.

Sa kabilang banda, si Chris na nanonood mula sa yate ay maginhawang napabuntonghininga nang makita ang saya sa mukha nina Rage at Klaire.

Ang mga bulaklak na ito ay hindi naman natural na tumubo sa isla. Espesyal pa niyang nili ang mga yon, at pinatanim sa loob lamang ng ilang oras kagaya ng utos ni Rage. Sinigurado rin niyang walang maging pagkakamali sa surpresang yon.

Oh bakit nandiyan ka pa?tawag ni Klaire kay Rage, na gandangganda sa tanawin sa kanyang harapan.

Malalaki ang hakbang ni Rage nang lapitan ang asawa. Hinawakan ang kamay ni Klaire at magkasabay silang naglakad papunta sa villa na pansamantala nilang titirhan sa loob ng dalawang linggo.

Do you like it?

Excited na tumango si Klaire. Ganito ba talaga kaganda rito?”

Of course not. Inihanda ko talaga to para lang sa asawa ko. Ikaw ang unang babaeng pinaglaanan ko ng ganitong effort.

Napuno ng emosyon ang mga mata ni Klaire sa narinig. Napatigil siya at hinarap si Rage, masaya at bahagyang may guilt sa puso dahil sa mga naging pagdududa niya rito,

Bakit ka umiiyak?Pinunasan ni Rage ang mga luhang dumaloy sa pisngi ni Klaire.

Thank youibibigay ko sa’yo ang limangdaang porsyento ng pagmamahal ko.Tumingkayad si Klaire, hinawakan ang magkabilang braso ni Rage at saka hinalikan ito sa labi,

Nagulat naman si Rage sa biglang ginawa ni Klaire, ngunit agad din siyang napangiti, at yumuko para halikan din ng banayad ang asawa.

Alam mo ba ang ibig sabihin ng mga bulaklak na ito?malumanay na tanong ni Rage, kasabay ng pagihip ng malamig na hangin.

Muli, nabighani si Klaire sa lalaking nasa harapan niya. Hindi niya inakalang magiging ganito kasweet si Rage

1/2

Kabanata 160

+25 BONUS

De Silva sa kanya. Ang lahat ng pagaalinlangan niya tungkol sa nakaraan nito ay napawi ng tuluyan.

Ang alam ko lang, ginagamit ang mga bulaklak na to sa kasal at sa baby showerpero wala pa naman akong pitong buwan na buntis.

Tama ka. These flowers have many meanings. Isa na roon ay ang walang hanggang pagibig.Biglang lumuhod si Rage at hinawakan ang kanang kamay ni Klaire, gaya ng isang prinsipe.

Aaanong ginagawa mo?!windang na tanong ni Klaire.

Will you be by my side for the rest of my life, through good times and bad, and love me beyond the limits we’ve set?

Hindi man tuwirang inihayag ni Rage ang pagibig niya, nababasa sa mga mata niya ang tapat na damdamin. Ang bawat salitang binigkas niya ay may bigat at lalim na humaplos sa puso ni Klaire.

Nanginginig ang mga kamay ni Klaire sa labis na tuwa. Hindi niya maitago ang ngiting bumalot sa kanyang magandang mukha.

Siyempre. Nangako tayo noong ikinasal tayo. Panghahawakan ko ang pangakong iyon hanggang sa huling hininga ko.

Tumayo si Rage. Muling tumingala si Klaire upang salubungin ang tingin nito.

I’ll keep your promise. No matter what happens, you must always be with me.

11

Ikaw talagaTila ba mas nagliwanag ang mukha ni Rage matapos itong magbilad sa araw kanina. Ang gwapo mo kapag ngumingiti ka ng ganyan.

Napalingon si Rage sa kabilang direksyon habang inaakay si Klaire patungo sa villa, pilit itinatago ang pamumula ng mukha dahil sa papuri nito sa kanya.

Did you just find out I’m handsome? Mga babaeng may asawa lang ang hindi ako sinasabihan ng ganyan.

Sige na ngaaaminin ko na.Mahinang tumawa si Klaire. Isa lang ba ang villa dito? Wala akong ibang nakikitang ibang bahay.

Nasa likod ng mga punong yon, may ilang bahay ang mga tagarito. Mamaya, ilalakad kita roon.Niyaya ni Rage si Klaire na umupo sa bagong tayong duyan sa tabi ng villa.

Actually, part of this island belongs to Amanda’s husband’s family,paliwanag niya.

Talaga?Nanlaki ang mga mata ni Klaire sa nalaman.

Malaki ang tirahan ng mga Salvador, pero simple lang itong tingnan kumpara sa mansyon ng mga Limson. Hindi niya inakalang ganoon kayaman ang asawa ni Amanda na mayari ng kalahati ng isla.

Mayaman si Mateo, pero ayaw niyang ipagyabang ang yaman niya. Kitangkita naman sa itsura niya.

Tumango si Klaire bilang pagsangayon. Totoong mukhang mapagkumbaba ang pamilya ni Amanda at wala ni katiting na yabang sa mga pananalita nito.

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)