Kabanata 161
+25 BONUS
Kabanata 161
“Pati ba ‘yung bahay ng mga taga rito ay pag–aari rin ng asawa ni Amanda?”
Itinuro ni Rage ang isang direksyon. “Yesterday, I bought part of the island. Para magamit natin sa susunod nating bakasyon.” Saglit siyang tumigil, saka nagpatuloy, “Binili ko iyon para lang sa nag–iisang babae sa buhay ko.”
Abot–langit ang tuwa ni Klaire. Wala na talagang ibang babae ang maaaring umagaw pa sa atensyon ni Rage De Silva. Wala na siyang dahilan para magselos sa mga kababaihang naging parte na ng nakaraan nito.
Hindi pa doon nagtatapos ang surpresa ni Rage. Sa pagsapit ng gabi, nagliwanag ang isla sa mga dim lights mula sa maraming lantern na ikinalat sa paligid. Inanyayahan ni Rage ang lahat ng taga–isla sa isang salu–salo at ipinakilala ang sarili bilang bagong may–ari ng isla.
Nagtipon ang lahat sa malawak na plaza para magdiwang at tikman ang mga putahe mula sa isang sikat na chef na personal na pinasundo ni Rage. Parang hari at reyna, magkatabi sina Rage at Klaire sa trono na espesyal na ginawa ng mga taga–rito bilang pasasalamat.
Bukod pa roon, namahagi rin si Rage ng tig–dalawang sako ng pagkain sa bawat padre de pamilya. Doon lang napagtanto ni Klaire na hindi pala mayabang ang asawa niya gaya ng sinasabi ng iba.
“Mabuting tao naman pala talaga ang napangasawa ko. Kaya lalo kitang nagugustuhan e,” ani Klaire, hindi namamalayang puno na ng paghanga ang kanyang tinig.
Dahil sa simpleng papuring ‘yon, para bang lumulutang sa ulap si Rage. Sanay talaga siyang tumulong ng tahimik sa mga nangangailangan. Siya kasi ang tipo ng taong ayaw mapagsamantalahan dahil sa kanyang
kabaitan.
Pero iba ang papuring galing kay Klaire. At labis niya iyong ikinatuwa.
Mukhang kailangan pa niyang maging mas bukas sa pagtulong sa iba. Para mas marami pa siyang papuri na matanggap mula sa asawa.
“I also invited Amanda and her family over. You don’t mind, do you?”
“Aba, hindi naman… Masaya nga akong kausap si Amanda. Magaan siyang kakwentuhan kahit may agwat kami sa edad. Si Mateo naman ay friendly din. Kung kausapin niya ako ay para kaming mag–bestfriend,” masayang sagot ni Klaire.
“That’s good… Kailangan mo rin namang makihalubilo sa iba, hindi lang kay Charlie.”
Biglang naalala ni Klaire ang kaibigan at nanlumo.
“Ah… sana andito rin si Charlie. Laging siya ang kasama ko noon sa saya, at lagi niya akong tinutulungan. Ni minsan nga, hindi ko pa siya nababayaran sa kabutihan niya sa akin.
“You want her here?”
Napatingin si Klaire kay Rage, kumikislap ang mga mata. “Puwede ba?”
“Basta’t huwag mong dadalhin si Charlie sa villa natin. I don’t want that intruder to ruin our honeymoon.”
1/2
Kabanata 161
+25 BONUS
“Pangako! Gusto ko lang naman maranasan din ni Charlie ang ganda ng isla na ‘to.”
Agad namang tinawagan ni Rage si Chris, na noon ay nakabalik na sa syudad. Kakahiga pa lang ni Chris, pagod mula sa pag–aasikaso ng lovelife at kompanya ni Rage, nang bigla makatanggap ng tawag mula sa amo niya.
Hindi na nagreklamo si Chris. Agad niyang pinuntahan si Charlie, na abala sa ginagawa nito.
“Bakit mo na naman ako hinahanap?” tanong ni Charlie, malamig ang boses. Tuwing dumadalaw kasi si Chris, palaging may inuuutos si Rage sa kanya.
“Iniimbitahan ka ni Ma’am. Klaire sa party nila sa isang Isla de Salvador.”
“Saan ‘yon?” taas–kilay na tanong ni Charlie. Hindi pa niya naririnig ang tungkol sa isla, na tila pribado at hindi kilala ng publiko.
“Wag ka nang magtanong. Maghanda ka na’t sumama ka sa akin,” utos ni Chris, malamig ang tono.
“Hindi ako sasama! Wala namang sinabi si Klaire sa akin! Malay ko ba, baka kidnappin mo pa ako!” reklamo ni
Charlie.
Pagod na pagod na si Chris, kaya nawalan na siya ng kontrol. Bigla niyang binuhat si Charlie, dahilan upang mapasigaw ito sa gulat.
“Bitawan mo ako! Kakausapin ko muna si Klaire! Buntis siya, imposibleng gumagala siya sa malayo!” sigaw ni Charlie, inakala na nasa ibang bansa ang isla. “Hoy! Kidnapping na ‘to!”
Hindi pinansin ni Chris ang sigaw at reklamo ni Charlie. Pagkatapos niyang maisakay ito sa sasakyan at ma–lock ang loob, tumawag si Chris sa mga magulang ni Charlie upang humingi ng permiso para isama ito sa isang
vacation.
Pagkaalis ng sasakyan ni Chris mula sa mga Rivas, may isang lalaking sumulpot mula sa gilid ng mansyon. Si Miguel iyon, na dapat sana’y mag–aabot lang ng kontrata kay Jaime Rivas. Ngunit sa halip, isang nakakagulat na balita ang kanyang narinig.
“Buntis si Klaire? Paanong nangyari ‘yon kung dalawang linggo pa lang silang kasal?”
Naalala ni Miguel ang litratong kuha nina Klaire at Rage sa hotel room. Mariing nakuyom niya ang mga kamao habang iniisip ang mga posibleng nangyari, bagay na hindi niya kayang tanggapin kung totoo man.
“Nagsinungaling ba sa ‘kin si Uncle Rage noong sinabi niyang tinulungan lang siya ni Klaire? Posible kayang… matagal na silang may relasyon habang fiancée ko pa si Klaire?”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)