Kabanata 162
“Bitawan mo nga ako!” Palag ni Charlle habang buhat–buhay siya ni Chris papasok sa helikopter. “Isusumbong kita sa pulis kapag hindi mo ako pinakawalan!”
Ang palaging kalmadong si Chris ay ngayo’y may bakas ng inis sa mukha. Nakakunot ang kanyang noo at natatagis na ang panga. Hindi kasi mapakali babae kahit pa mahinahon niya nang ipinaliwanag na hiling ni Klaire ang lahat ng iyon.
Hindi dahil hindi nagtitiwala si Charlie kay Chris, kundi dahil natatakot siya. Hindi pa siya nakakasakay sa helikopter ni isang beses. Kinabahan siya lalo nang magsimulang umikot ang mga rotor nito at lumikha ng malakas na tunog.
“I knew it! Gusto mo talaga ako, ‘di ba? Kaya pala… ginagamit mo lang sina Klaire at Rage para makita ako kapag nami–miss mo ako!” tuloy–tuloy ang litanya ni Charlie habang nakapikit ang mga mata.
Napangiwi si Chris nang biglang kumapit nang mahigpit si Charlie sa kanyang braso habang unti–unting lumilipad paitaas ang helikopter. Lalo pang humigpit ang hawak nito nang magsimulang umalog ang helikopter
sa ere.
“Ay Diyos ko, gusto ko nang bumaba!” sigaw ni Charlie nang di–sinasadyang masulyapan ang dagat sa ibaba, sobrang lapit lang sa kanila.
“Gusto mong bumaba dito?” Tanong ni Chris, inis na inis na sa ugali ni Charlie. Agad niyang inutusan ang piloto na paikutin ang helikopter sa itaas ng dagat. “Gusto raw niyang bumaba rito.”
Pinawisan nang malamig ang piloto sa sinabi ni Chris dahil alam nitong hindi basta–basta nagbibiro ang lalaki. Pero hindi niya rin magawang itapon ang babae sa gitna ng karagatan.
“Baliw ka na ba?! Gusto mo talaga akong itapon sa dagat?!” sunod–sunod ang paghampas ni Charlie sa braso ni Chris, galit na galit.
“Go,” mariing utos ni Chris, halatang seryoso at pinag–isipan talagang itapon na si Charlie.
Sa kabila ng ingay ng babae, nakarating din sila sa isla, sakto sa pagdaong ng yate ni Mateo Salvador. Bumaba ang helikopter sa bahaging may mga puno,hindi kalayuan kay Klaire na nagpapahinga kasama si Rage.
“May paparating ba? Bakit may helikopter?” tanong ni Klaire, nakatingin sa bumababang helikopter.
“Baka si Chris na ‘yan kasama si Charlie.”
Biglang humarap si Klaire sa asawa. “Talagang pinasundo mo si Charlie?”
“Di ba ikaw na ang nagsabi? Gusto mo bang paalisin ko na lang siya?”
“Huwag!” mabilis na sagot ni Klaire. “Akala ko bukas mo pa siya ipapasundo. Paano kung busy pala si Charlie? Ni hindi ko pa siya natawagan.”
Hinawakan ni Rage ang kamay ni Klaire at hinalikan ito. “Tama na ang kaiisip ng kung anu–ano.”
Sasagot pa sana si Klaire, sasabihin na importante sa kanya si Charlie at ayaw niyang maabala ito. Pero bago pa siya makapagsalita, ay lumapit na sa kanila ang pamilya ni Mateo Salvador. Sa kabilang direksyon naman,
1/2
Kabanata 162
+25 BONUS
papalapit na si Charlie habang inaaway si Chris.
Tumayo si Rage upang salubungin ang kaibigan. Mabilis namang tumakbo si Klaire patungo kay Charlie, na kumakaway sa kanya.
“Cha! Oh my God, anong nangyari sa mukha mo? Bakit parang namumutla ka?” Hinawakan niya ang pisngi ni Charlie.
Agad naman siyang niyakap ni Charlie. “Bes! Totoo ngang nandito ka! Gusto na talaga akong itapon ng assistant ng asawa mo sa gitna ng dagat! Huhuhu!”
Nagkunwaring malungkot si Charlie at lihim na umaasang pagagalitan ni Rage si Chris. Nireklamo niya lahat ng ginawa at sinabi nito sa kanya.
Napatingin si Klaire kay Chris pagkatapos yakapin ang kaibigan, gulat at hindi makapaniwala. “Imposible ‘yan… hindi ganyan si Chris.”
Ngumisi naman si Chris kay Charlie bago tumalikod at pumasok sa isa sa mga bahay na tinutuluyan ng mga bodyguard ni Rage.
Ang dalawang magkaibigan na matagal nang hindi nagkita ay agad na nagkwentuhan. Masiglang kinwento ni Klaire ang lahat ng surpresa ni Rage, kabilang na ang babae mula sa nakaraan nito.
“Ang cool naman pala ng asawa mo, Bes!” ani Charlie. “Ah, gusto ko na rin yatang magpakasal at makahanap ng katulad ni Rage De Silva.”
Habang masayang nagkukwentuhan ang dalawa, hindi maalis ni Rage ang tingin kay Klaire habang nakaupo siya katabi ni Mateo. Pati si Amanda at ang dalawang anak nitong babae ay sumali na rin kina Klaire.
Mukhang close na close na agad ang mga babae, puno ng ngiti at tawanan. Nakahinga nang maluwag si Rage dahil unti–unti nang nagbabago si Klaire.
Noong una, palagi itong nakayuko at walang kumpiyansa sa sarili tuwing may kaharap na ibang tao. Pero ngayon, nagliliwanag ang mukha nito at palakwento.
Gusto niya ang Klaire na nakilala niya noon. Pero mas gusto niya ang bagong Klaire ngayon.
Kabanata 163

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)