Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 163

Samantala, umuwing bigo si Monique matapos sabihing umalis na ang mga bisita ng mga Salvador kaninang umaga. Tulad nga ng hinala ni Rage, isinama niya si River at balak sana itong iwan kay Amanda upang makalapit siya kay Rage.

Walang pakialam si Monique kahit sabihin ng iba na wala na siyang hiya. Hindi niya matatanggap nang basta- basta ang pagtataboy ni Rage sa kanya. Ang Rage na minsang minahal siya ay imposibleng magbago nang gano’n kabilis.

Kahit pa nalaman nito ang tungkol sa relasyon niya kay Nikolas, determinado pa rin siyang agawin ang ex- boyfriend na kailanma’y hindi nakipaghiwalay sa kanya.

Wala na siyang pakialam kung may asawa na si Rage. Kung kinakailangan, payag siyang maging kabit siya nito, dahil gano’n kalalim ang pagmamahal niya sa lalaki.

Narinig ko na binili ni Sir Rage ang isla ni Sir Mateo. Magpapaparty daw sila para kay Mrs. Klaire.

Natigilan si Monique sa narinig mula sa mga katulong. Agad siyang nagtago at nakinig, habang mabilis ang ng puso sa pagkakarinig ng pangalan ni Rage.

tibok

Isla? Yung isla ba na dati naming pinupuntahan ni Rage?

Napakaromantic ni Sir Rage sa asawa niya,ani ng isa pang katulong habang pinipisil ang pisngi sa kilig. Bagay na bagay sila, no? Nasilip ko silang naghahalikan sa labas ng kuwarto kagabi.

((

Ako rin, nakita ko siyang palihim na nakatingin sa misis niya na namumula pa ang pisngi. First time kong makita siyang ngumiti… lalo tuloy siyang gumuwapo! Ang swerte ni Mrs. Klaire, arawaraw niya yung kaharap.

Ngumingiti si Rage at namumula ang mukha? Sigurado siyang nagsisinungaling lang ang mga katulong.

Sa bawat salitang narinig mula sa mga katulong, untiunting napuno ng galit si Monique. Naalala niya ang pagiging malamig at bastos ni Rage sa kanya kahapon. Untiunti siyang nawawalan ng pagasa

Wala na ba talaga akong halaga kay Rage?Sa isang iglap, nawasak ang natitirang pagasa ni Monique dahil sa mga narinig sa mga katulog. I have to confirm it one more time. Pagkatapos niyon, titigilan na kita kung talagang hindi mo na ako mahal.

Dala ang kaunting pagasa, naghanap si Monique ng available na yate. Kahit mahal, nagpareserve siya kahit pagabi na.

Ang pagdating ni Monique sa isla sa gitna ng masayang party ay nakakuha ng atensyon nina Rage at Klaire.

Kinuyom ni Rage ang kamao at tiningnan nang masama si Amanda. Maging si Mateo ay sinulyapan ang asawa na may halong pagdududa.

Hindi ako yon! I really didn’t say anything to her! I swear to God!depensa agad ni Amanda bago pa siya mapagbintangan.

Pinagmasdan sila ni Monique. Lumapad ang ngiti nito lalo na nang bumaling kay Rage.

1/2

Kabanata 163

+25 BONUS

Napakapit si Klaire sa braso ng asawa, para bang ayaw maagaw ng babae si Rage mula sa kanya. Pero agad ding tinanggal ni Rage ang kamay niya at saka tumayo.

Saan ka pupunta?tanong ni Klaire, kabado.

I’ll send someone to kick that woman out,sagot ni Rage na nanlilisik ang mga mata sa sobrang galit. Naghanap siya ng bodyguard sa paligid.

Binalaan na niya si Monique na huwag na silang guguluhin pa ni Klaire. Ngayon pa talaga kung kailan kababati lang nila ng asawa. Hindi magtatagal ay mawawala na naman ang ngiti sa mukha ni Klaire dahil sa panggugulo ni Monique!

Hindi niya mapapalampas pa yon. Kahit pa marami silang pinagsamahan noon, hindi niya hahayaan ang babae na alisin ang ngiti ni Klaire. Palalayasin niya sa isla ang babae kahit ano’ng mangyari!

Ngunit bago pa man siya makahanap ng guwardya, mabilis siyang hinabol ni Klaire. Matalim siyang tiningnan nito sa mga mata

Hindi mo na siya kailangang paalisin.

Buo na ang loob ni Klaire na maging matapang at harapan ang mga problema nila ni Ragepara na rin sa asawa niya.

Lahat ay ibinigay ni Rage sa kanya. Pero siya, wala siyang naisuk;i dito kundi puro takot,pagdududa, at pagiging childish na asawa.

I don’t want that woman disturbing our peace. Diyan ka na lang at makisaya sa mga kaibigan mo,maingat na utos ni Rage.

Hinaplos niya ang buhok ni Klaire. Kalmado na ang tingin niya, na para bang pinapaintindi kay Klaire na magiging maayos ang lahat basta’t magtiwala lamang ito sa kanya.

Hinawakan ni Klaire ang kamay ni Rage at inilapat iyon sa pisngi niya.

Hindi. Ako ang haharap kay Monique. Magtiwala ka sa akingusto ko rin naman kitang protektahan bilang asawa ko.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)