Mabilis ang tibok ng puso ni Rage nang marinig niya ito. Labis ang tuwa niya nang malamang gusto siyang protektahan ni Klaire.
“Okay. Pero kailangan mong sabihin agad sa akin kung may ginawa siyang hindi maganda sa’yo. Ayokong masaktan ka. I don’t want you to hurt, physically or mentally.”
“Iwe–welcome ko lang siya… ikaw, mag–relax ka na lang kasama sina Mateo at Amanda. At tingnan–tingnan mo si Charlie… ayokong magasgasan man lang siya,” utos ni Klaire.
“Don’t pull her hair,” biro ni Rage, sabay halik sa noo ni Klaire.
Nahuli iyon ng mapanuring mga mata ni Monique. “Ginagawa ba nila ‘to nang lantaran para pagselosan ko?”
Sa isip ni Monique, nagpapanggap lang si Rage na galit sa kanya kapag kaharap si Klaire.
Sa islang ‘yon sila madalas magtagpo noon ni Rage para i–celebrate ang mga espesyal nilang mga araw. Palagi nilang kasama si Amanda, maliban na lang kung nakikipag–date ito kay Mateo.
Dati, napaka–private lamang ng islang ‘yon, at bawal tumira roon ang ibang tao. Ngunit nang magtagal, inimbitahan na ng mga Salvador ang ilan sa kanilang mga empleyado upang tumira doon.
Noong nasa kasagsagan pa ang kayamanan ng mga ito, may mga factories na pinapatakbo ang mga ito, at ang isa ay nasa isla. Para hindi na kailanganin ng mga empleyado na bumiyahe araw–araw sakay ng bangka, binigyan sila ng pansamantalang tirahan doon.
Sampung taon na ang nakalipas nang magsara ang factory. Pero pinayagan pa rin ng mga Salvador ang mga dating empleyado na manatili roon kasama ang kani–kanilang pamilya.
“Narinig ko noon na nagkakamabutihan si Amanda at ‘yung anak ng may–ari ng islang ‘to,” sabi ni Monique labinlimang taon na ang nakalilipas, bago pa man sila ni Rage magkaroon ng espesyal na relasyon. “Kung totoo” yon, pwede tayong pumunta rito kahit kailan natin gusto.”
Hindi pa rin nakakalimutan ni Monique ang araw na hiniling niya kay Rage na bumalik doon sa isla taon–taon. “ Next year, gusto kong bumalik tayo rito, pero dapat ay more than friends na tayo, Rage. G–Gusto mo bang makipag–date sa akin?”
Oo, umamin si Monique ng kanyang damdamin noon kay Rage. At malinaw pa rin sa alaala niya ang kilig na nadama habang hinihintay ang sagot nito.
“Okay. We’ll come here every year to celebrate our anniversary.”
Lumundag ang puso ni Monique sa saya nang marinig ang sagot ni Rage. Mula noon, palagi silang bumabalik taon–taon sa parehong araw sa loob ng pitong taon.
Ngunit isang taon bago iwan ni Monique si Rage, hindi siya nakapunta dahil kinailangan niyang harapin ang mga pagbabanta ni Nikolas. Ayon sa isang kakilala sa isla, dalawang araw siyang hinintay ni Rage, pero hindi siya dumating.
Sa ikatlong araw, pinalaya rin siya ni Nikolas. Pero pagdating niya sa isla, wala na si Rage.
Kabanata 164
+25 BONUS
Doon nagsimulang lumamig ang relasyon nila. Mula sa lingguhang pagkikita, naging buwanan na lang ang pagkikita nila. Hanggang sa malaman ni Monique na buntis siya at tuluyan siyang lumayo.
Naniniwala si Monique na pumunta si Rage sa isla para tuparin ang pangako nila sa isa’t isa. Kahit hindi iyon ang araw ng kanilang anniversary, gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Rage kapag wala si Klaire sa paligid.
Determinado ang mga hakbang ni Monique habang papalapit sa grupo nina Klaire at Rage. Matamis ang ngiti niya na para bang walang nangyaring hindi maganda kahapon.
“Monique? Paano ka nakarating dito?” tanong ni Amanda na halatang hindi natutuwa sa presensya nya.
“I have a business with Mrs. Chua. Anong meron dito? Bakit hindi niyo ako in–invite, Mateo?”
Nailang naman si Mateo. Tahimik niyang tinapik ang binti ng asawa para ito na ang sumagot.
“May private event sina Rage at Klaire dito. Sa pagkakaalam ko, walang dapat ibang pwedeng pumasok sa isla ngayong gabi,” sagot ni Amanda.
Siyempre alam na ni Monique ‘yon. Kaya nga nagbayad siya ng tao para makapasok sa isla gamit ang ibang route.
“Really? Hindi ko alam ‘yan,” kunwaring sagot ni Monique at bumaling kay Klaire. “Please forgive my rudeness, Klaire… I mean Mrs. De Silva.”
“Ayos lang. Kaibigan ka ng asawa ko, at kaibigan ni Amanda, siyempre kaibigan na rin kita. Mag–enjoy ka lang
sa party.‘
Napahanga si Rage sa pagiging kalmado ni Klaire. Para sa kanya, napaka–sexy ng asawa ngayong gabi. Nasaan na ang selosang Klaire kahapon?
“Mateo, may project tayong pag–uusapan,” yaya ni Rage at iniwan nila ang mga babae doon.
Samantala, patuloy ang palihim na pagtitig ni Monique kay Rage, na hindi pinalampas ng mga mata ni Klaire. Naiinis siya at gusto na niyang sabunutan si Monique.
Si Rage ay kanya lang! Walang ibang babaeng may karapatang tumitig sa asawa niya, kahit isang segundo!
“Siya ba ‘yung babae na tinutukoy mo?” mahinang bulong ni Charlie habang nakatitig kay Monique. “Hindi mo na kailangang sumagot. Kita ko na sa paraan ng pagsulyap niya sa asawa mo ang sagot.”
Tumango si Klaire bilang tugon.
“Monique, guwapo talaga ang asawa ko, ‘no? May hindi pa ba tapos ang nararamdaman mo para sa kanya?” biglang tanong ni Klaire, pinutol ang paglalakbay ng isip ni Monique. “Sana wala na. Ayoko kasing umasa ka pa sa isang bagay na hindi na mangyayari.”
Kabanata 165
+25 BONUS
Kabanata 165

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)