Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 165

Kabanata 165

Besbulong ni Charlie.

Hindi makapaniwala si Charlie habang nakatingin kay Klaire. Mula nang makilala niya ito, palaging mahinahon at maunawain si Klaire sa damdamin ng iba.

Ngayon, bigla na lang nito sinabi nang diretsahan ang lahat ng iniisip nito. Lalong humanga si Charlie sa bestfriend niyang palaban!

Excuse me? Ano’ng ibig mong sabihin? I was just looking in front of me,saad naman ni Monique.

Mabuti naman kung gano’n,sagot ni Klaire habang pinipigilan ang ngiti.

Naramdaman naman ni Amanda ang tensyon kaya agad niyang iniba ang topic upang pagaanin ang sitwasyon. Nagpatuloy ang usapan ng apat na babae sa kalmadong paraan. Ngunit isang babae sa grupong yon ang nanatiling iritado, kahit pa nakangiti ang kanyang mga labi.

Nainsulto si Monique sa sinabi ni Klaire. Hindi niya gusto ang pakiramdam na parang mas kilala ni Klaire si Rage kaysa sa kanya.

Siya ang naunang nakakilala kay Rage. Mas kilala niya ito kaysa kay Klaire, na saglit pa lang nakasama nito.

Ouch!biglang sigaw ni Charlie, nabuhusan ang sarili ng inumin. Bes, samahan mo naman akong magpalit.

Medyo malayo ang villa.

Ako na ang sasama sa kanya,alok ni Amanda. Gusto rin niyang bigyan ng pagkakataong makapagusap nang masinsinan sina Klaire at Monique.

Sigurado ka?pabulong na tanong ni Charlie kay Amanda habang papalayo sila kina Klaire at Monique.

They’re talking nicely. Bigyan natin sila ng pagkakataong maging magkaibigan. Mabait naman talaga si Monique. Alam ko naiintindihan na niya ang sitwasyon ngayon. Sana lang humingi siya ng tawad sa nangyari kahapon sa bahay.

Nang tuluyang nawala sina Charlie at Amanda, natahimik ang paligid nina Klaire at Monique. Nilingon ni Klaire si Rage, pero hindi niya ito makita. Sa halip, si Chris ang matamang nakamasid sa kanya, mukhang inaantok.

Kawawa naman si Chris. Malamang iniutosan na naman siya ni Rage na bantayan ako,bulong ni Klaire.

Narinig ni Monique iyon, at inakala niyang naistress si Klaire.

Gano’n naman talaga si Rage. He always takes care of his women. Kahit wala siya noon, magiiwan pa rin siya sa akin ngoh, sorryI mean, he’ll leave you with his bodyguard.

Sinadya ni Monique ang sinabi, para iparating kay Klaire na hindi lang siya ang tinatrato nang espesyal ni Rage. Naranasan na rin niya yon noon.

Tama ka.Hindi nagalit si Klaire, sa halip ay ngumiti pa siya. Pero madalas, ayaw niya akong ipaubaya sa bodyguard. Gusto niyang siya mismo ang nagaalaga sa akin. Noong may sakit ako, nagleave pa siya sa trabaho at inalagaan ako ng ilang araw.

1/2

Kabanata 165

+25 BONUS

Hindi nagsisinungaling si Klaire. Totoo ngang inalagaan siya ni Rage noong panahon na hirap siya sa pagbubuntis niya dahil sa sobrang pagiisip. Hindi man buong araw, pero andoon ito sa mahahalagang oras.

Pero para kay Monique, mukhang kasinungalingan lang ito. Sa dami ng taon niyang kilala si Rage, alam niyang inuuna nito ang trabaho higit sa lahat. Naitago pa nga nito ang relasyon nila kahit sa mga magulang nito, para sa

career.

Sobrang swerte ko talaga sa mga De Silva. Hindi lang kay Rage, pati na rin kina Mommy at Daddy, mahal na mahal nila ako.

Biglang may pumasok na bagong hinala kay Monique. Kung totoo ngang mahal siya ng pamilya ni Rage, posibleng arranged marriage lang ang kasal nila para sa negosyo?

Palihim na ngumiti si Monique sa sarili sa iniisip. Pero wala siyang maisagot dahil hindi pa siya kailanman ipinakilala ni Rage sa pamilya nito.

May isa pa siyang gustong kumpirmahin. Pumunta nga ba si Rage dito para alalahanin ang kanilang nakaraan?

It’s getting cold. Nakalimutan ko ang jacket ko, pwede ba akong humiram ng sayo?tanong ni Monique. Gusto niyang malaman kung saan tumutuloy si Klaire.

Hinala niya, baka nirentahan ni Rage ang dati nilang tinutuluyang lugar. At gusto rin niyang kumbinsihin si Klaire na manatili doon para makausap niya si Rage nang walang sagabal.

Naningkit ang mga mata ni Klaire, may ngiti sa kanyang labi.

Sige, kung okay lang sayo maglakad dahil medyo malayo ang villa.

Naglakad sina Klaire at Monique sa daanang patungo sa villa ni Klaire. Akala ni Monique ay patungo sila sa iniisip niyang lugar. Pero laking gulat niya nang mapansin na hindi pala ganoon kalayo mula sa town square ang tinutukoy ni Klaire.

“Diyan?tanong ni Monique habang nakakunot ang noo.

Hindi iyon ang lugar na iniisip niya. Malinaw pa sa alaala niya ang sinabi niya noon kay Rage. Ayaw niya sa lugar na yon, dahil masyadong malayo at walang kabuhaybuhay.

Gayunpaman, ang dating tuyot at tigang na lugar ay naging kamanghamangha sa sobrang ganda nito, puno ng mga puting bulaklak na pinupuno sa malawak na bakuran.

Oosinurprise ako ni Rage pagdating namin kanina,masayang sambit ni Klaire, pinagmamalaki ang regalo sa kanya ng asawa. Dito siya nagpropose sa akin sa ikalawang pagkakataon.

Kabanata 166

+25 BONUS

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)